kanilang aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pangangatwiran ay arumentasyon na maaaring iugnay sa sumusunod na mga paliwanag: • Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami. • Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan. • Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinion at maipahayag ang mga opinyong iyo sa iba. Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatwiran: 1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid 2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid 3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay 4. Dapat may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat 5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad 6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran Ayon naman kay Grace Fleming, sumulat ng artikulong “How to Write an Argumentative Essay”, ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa inyong pananaw o posisyon. Ayon din sa kanya, sa pagsulat ng posisyong papel, mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at magandang paksa ngunit higit na mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL Narito ang mga hakbang na maaring sundin sa pagsulat ng posisyong papel. 1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso. Ang posisyong papel ay kadalasang naglalaman ng mga paniniwala at panindigan ng may- akda. Makakatulong nang malaki kung ang paksang tatalakayin ay malapit sa iyong puso at lubos na nakaaantig ng iyong interes at maging ng maraming makakabasa nito. 2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa. Magsaliksik sa mga aklatan, maging sa mga mapagkakatiwalang webs site tulad ng educational at government sites upang makahanap ng mga propesyonal na mga pag-aaral at pananaliksik at mga estadisuka tungkol sa iyong napiling kaso o isyu. 3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis. Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (1997) sa kanilang aklat na Kasanayan sa Komunikasyon II, ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin. Kadalasang ito ay maikli lamang na binubuo ng isa o dalawang pangungusap. Sa pamamagitan ng pahayag ng tesis ay malalaman ng mga mambabasa kung tungkol saan ang posisyong papel. 4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon. Kailangang mabatid ang mga posibleng hamong maaring harapin sa gagawing pagdepensa sa iyong napiling tesis o posisyong hinggil sa isyu at ilatag din ang mga kahinaan ng pinasusubaliang posisyon. 5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya. Kapag ganap nang napatunayan na ang napiling posisyong ay may matibay at malakas na laban sa pinasusubaliang posisyon ay maaari nang Magsagawa nang mas malalim na pananaliksik. Ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri sa dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa pangangatwiran:
a. Mga katunayan (facts) – Ito ay
tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama. b. Mga opinyon – Ito naman ay tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo. 6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel. Bago tuluyang isulat ang kabuoang sipi ng posisyong papel ay gumawa muna ng balangkas para dito. Narito ang pormat na maaaring gamitin. I. Panimula
a. Ilahad ang paksa.
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong paksa. c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu. II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong tumututol o kumokontra sa Iyong Tesis
a. Ilahad ang mga argumentong tutol
sa iyong tesis b. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na counterargument c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad d. Magbigay ng mga patunay para magpagtibay ang iyong ginawang panunuligsa III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu a. Ipahayg o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto. Maglahad ng mga patunay at ebidensiyang hango sa mapagkakatiwalaang sanggunian. b. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag. Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikalawang punto Maglahad ng mga patunay at ebidensiya hango sa mapagkakatiwalaang sanggunian. c. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag. Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto Maglahad ng mga patunay at ebidensiya hango sa mapagkakatiwalaang sanggunian IV. Kongklusyon
a. Ilahad muli ang iyong argumento
o tesis b. Magbigay ng mga plano ng Gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu. SALAMAT SA PAKIKINIG!!