Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

KABANATA 1

Modyul blg.02

PAGSIPAT SA MGA AWITIN


BILANG PANIMULANG
PAGDADALUMAT
MUSIKA
 Ang musika ay isang uri ng sining
na mas kilala bilang tugtugin o
tunog.
 Ayon kay Mangusad (2009), ito ay
repleksyon ng ating kultura at ng
ating pagkatao.
MUSIKA
 Ayon naman kay Straubhaar,
ang isang awitin ay higit na
magiging kaaya-aya at
makabuluhan kung ito ay
tumatalakay sa mga
problemang kinahaharap ng
bansa.
Ang Elemento ng musika

Ang pitch o tinis, ito ay tumutukoy sa


mababa at mataas na tono.

Ang Daynamiks – paglakas o paghina ng


awit o tugtugin. Ang daynamiks ay
maaring magbago pabigla-bigla o paunti-
unti (crescendo o pagtaas o paglakas ng
musika at decrescendo o pagbaba o
Ang Elemento ng musika
Timbre o uri ng tono ay ang kalidad ng
isang tunog.

Melody o Melodiya o himig ang tema ng


isang komposisyon. Ito ang kombinasyon
ng mga ritmo at tono.

Ang ritmo o rhythm na naglalarawan sa


tiyempo o kumpas ng musika. Ito ay
naiuugnay sa pulso o tempo na
naisasaayos sa metro( o time signature).
Mga naratibo sa mga himno ng musikang pop at awit
protesta

Repasuhin natin ang mga liriks ng awit upang makita


kung paano pinagagana ang mga persona ng mga
ideolohiyang pinambuhay sa naratibo ng mga pyesa
mula sa mga panulat, talento at pananaw ng mga
umakda.
Handog ng Pilipino sa mundo (Jim Paredes)
Tatsulok- originally by Buklod
Handog ng Pilipino sa Mundo
(Jim Paredes)
‘Di na ‘ko papayag mawala ka muli,
‘Di na ‘ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
‘Di na papayagang mabawi muli.

Magkakapit-bisig libo-libong tao.


Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kailan man ‘di na paalipin.
Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat.

Masdan ang nagaganap sa aming bayan.


Nagkasama ang mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.
Huwag muling payagang umiral
ang dilim.
Tinig ng bawat tao’y bigyan ng
pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito’y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)

Koda:
Mapayapang paraan ng
pagbabago.
Katotohanan, kalayaan at
katarungan.
"Tatsulok"
(originally by Buklod)

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo


Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo
mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, wag kang magpagabi


Baka mapagkamalan ka't humandusay dyan
sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Ref:
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Koro:
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao


At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
(Ulitin ang refrain at koro)
Di matatapos itong gulo
Maoobserbahan ang salitang “’ko”unang
panauhang isahan na persona sa unang saknong
ng Handog ng Pilipino sa Mundo.
Natransporma sa “tayo”, maramihan,
pagdating sa refrain.
Ngunit ang dalawang persona pa ang
nagmamando sa bayan, na gumanap sa
pagbabagong panlipunan, na magkaisa para sa
“Mapayapang paraang pagbabago” sapagkat
“Isa lang ang ugat na ating pinagmulan”.
Sa Tatsulok, pinaiiwas naman ng persona si
Totoy sa pook na tagpuan ng armadong
tunggalian. Paniguradong hindi ito Metro
Manila na pinangyayarihan ng kudeta sa
pagitan ng mga adbenturista, paksyonalistang
militar at tropang tapat sa institusyon ng AFP.
Kundi sa kanayunan, kadalasang larangan ng
armadong tunggalian sa pagitan ng mga NPA at
AFP, o MILF at AFP.
Sinalarawan pa ng persona kay Totoy na kapag
lantad siya sa karahasan ng digmaan, buhay
ang magiging kapalit. Sinita rin ng persona,
kung alam ng bata ang mga sanhi ng
tunggalian. Saka pinangaralan sa koro.
Mayorya ang nilulugmok sa kahirapan
sapagkat pang-elitista, o pang-oligarkiya
lamang ang katarungan sa kaayusang
sinatalinghaga sa Tatsulok.
Naiiba ang persona ng Tatsulok sa persona ng
Handog ng Pilipino sa Mundo dahil nakalahad ang
kapangyarihan nitong pag-ingatin, sitahin at
mandohan si Totoy ng gawaing higit pa sa
pagkakaisa sa katuturan ng mapayapang
pagbabago, sa gitna ng labanan. Posibleng armado
ang sumita. Sa pamagat pa lamang, minumungkahi
ng may-akda ang pangangailangan ng tagapakinig
na gamitin ang lente ng marxistang sosyolohiya na
pagsuri sa balangkas ng social pyramid, o lipunan,
na tinalinghaga sa tatsulok na kaayusan.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like