Week 6

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Araling Panlipunan 10

Moji/Miyazaki/Chofu
ANO ANG MAPAPANSIN SA MGA
LARAWAN?
Ang Disaster Risk Management System
(DRMS)
• Ang Disaster Risk Management System (DRMS) ay isang
sistema ng mga pamamaraan, plano, at patakaran na
inilalapat upang maibsan at mapababa ang epekto ng mga
sakuna at kalamidad sa mga tao, ari-arian, komunidad, at
lipunan. Layunin ng DRMS na mapanatili ang kaligtasan at
kapakanan ng mga tao sa harap ng iba't ibang uri ng mga
natural na kalamidad (tulad ng lindol, baha, bagyo, pagputok
ng bulkan, at iba pa) at mga tao-gawaing sakuna (tulad ng
sunog, aksidente sa kalsada, pandemya, at iba pa).
HAZARD- Ito ay nangangahulugang banta dulot ng tao o
kalikasan , may posibilidad na magdulot ng panganib sa
buhay ari-arian at kalikasan
May 2 uri ang hazard

Antropogenic Hazard o Human Induced Hazard – hazard na


dulot ng mga tao.
Hal. Mga sasakyan at pabrikang nagbubuga ng maitim na
usok o mga kemikal na itinatapon sa mga anyong tubig.
Natural Hazard – ito ay hazard na dulot ng kalikasan .
Halimbawa nito ay lindol bagyo tsunami at iba pa.
• Disaster – pangyayari na nagdudulot ng panganib sa
tao, sa kapaligiran at maging sa mga gawaing pang
ekonomiya, Maaari itong natural katulad ng bagyo,
lindol at pagputok ng bulkan. Pwede ding gawa ng tao
gaya ng Disaster
• Vulnerability- ang nakararanas ng ,malaking posibilidad
na maapektuhan. Halimbawa ay ang mga matatanda ,
bata at buntis na palagiang pinapaalalahan ng gobyerno
na hindi maaaring lumabas sa panahon ng pandemayang
covid 19 at mga bahay na gawa sa mahinang materyales
sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo at lindol.
• Risk- inaasahang maaaring pinsala sa ari-arian sa
buhay sa pagtama ng kalamidad.

• Human Risk- panganib na dulot ng kalamidad ng tao.


• Structural Risk – panganib na dulot ng kalamidad sa
bahay at gusali

Resilience- kakayanan ng pamayanan na harapin at


muling makabangon sa epekto na dulot ng kalamidad.
• Ang "Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Framework" (PDRRMF) ay isang
pangunahing hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas
sa pagtugon sa mga kalamidad at pagpapabuti ng
kapasidad ng bansa na harapin ang mga panganib
na dulot ng mga natural na kalamidad at mga tao o
tao ang gawaing pinsala. Ito ay isang sistemang
itinatag upang masugpo ang epekto ng mga
kalamidad sa pamamagitan ng malawakang
pagpaplano, paghahanda, at pagtugon
• Prevention and Mitigation: Layunin nitong bawasan
ang panganib sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa
mga preventive measures at pag-aayos ng mga
imprastruktura upang mapababa ang potensyal na
pinsala mula sa mga kalamidad.

• Preparedness: Naglalayon itong mapabuti ang


kakayahan ng mga komunidad at pamahalaan sa
pagharap sa mga kalamidad. Kasama rito ang pagbuo
ng mga emergency plans, pagsasanay, at pag-eestablish
ng mga mekanismo para sa agarang pagtugon.
• Response: Ang aspeto ng pagtugon ay tumutukoy sa mga
hakbang na ginagawa sa panahon ng aktwal na kalamidad o
sakuna. Kasama rito ang mga rescue operations,
pagbibigay ng tulong, at iba pang pagkilos upang maibsan
ang epekto ng kalamidad.

• Recovery and Rehabilitation: Ito ay may kinalaman sa


mga hakbang na ginagawa pagkatapos ng kalamidad upang
ibalik ang normal na kalagayan ng komunidad. Kasama
dito ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima, pag-aayos
ng mga nasirang imprastruktura, at pagtulong sa mga
apektadong sektor.
• Sa ilalim ng PDRRMF, ang mga lokal na pamahalaan ay
inaasahang magtakda ng mga plano at hakbang para sa
disaster risk reduction and management na naaayon sa
kanilang mga lokal na sitwasyon at pangangailangan. Ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga Local
Disaster Risk Reduction and Management Plans
(LDRRMPs).
• Mahalaga ang PDRRMF sa Pilipinas dahil ito ay nagbibigay
daan para sa mas sistematiks at maayos na pagtugon sa mga
natural na kalamidad at iba pang mga pinsala. Ito ay
nagpapakita ng ugnayan ng mga sektor ng pamahalaan,
pribadong sektor, at mga komunidad sa pagharap sa mga
hamon ng kalamidad.
2 Layunin ng Philippine Disaster Risk
Reduction and Management Act of 2020
• 1. ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay
dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’tibang kalamidad

• 2. mahalaga ang bahaging ginagampanan ng


pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad.
• Ayon kina Abarquez at Zubair 2004 ang Community Based
Disaster and Risk Management ay isang pamamaraan
kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at
kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy pagsusuri ,
pagtugon pagsubaybay at pagtataya ng mga risk na maaari
nilang maranasan”
• Binibigyang diin na may mahalagang papel na dapat
gampanan ng pamayanan na maibigay ang partisipasyon
dahil ang komunidad ang may pinakamataas na posibilidad
na makaranas ng hagupit ng bagyo at iba pang kalamidad at
makatutulong ang mga pamamaraang nabanggit upang
maging matagumpay ang plano.
Sa pananaw naman nina Shah at Kenji 2004 ito ay
proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na
nakasentro sa kapakanan ng tao. Ibig sabihin nito na
mahalaga na matukoy ng mga komunidad ang mga
dahilan, masusuing masuri ang pinagmulan ng hazard at
maging ang epekto nito. Tingnan din ang mga aspekto ng
istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya at pampolitika
na maaaring magpalala ng epekto ng kalamidad ang
dahilan ng hindi pagtatagumpay ng mga programa ng
gobyerno, gayunman, ang kawalan ng interes ng mga
mamamayan na maki-isa sa pamahalaang local ang isa sa
tinutukoy na dahilan ng hindi pagtatagumpay ng plano.
(Bottom up Approach )
• Kung saan ang mamamayan at iba’t ibang sektor ng Lipunan ay
nagsasagawa ng mga hakbang sa pagpaplano tulasng
pagtukoy , pag-aanalisa , pagbibigay solusyon sa mga suliranin
at hamong pangkapaligiran na nararanasan ng komunidad.
Nakaayon sa CBDRM Approach ang konsepto ng bottom up
approach , ang mga mamayanan at iba pang sektor ng Lipunan
ang mangunguna sa hakbangin ng pagtukoy , pag-aanalisa at
pagresolba sa mga ssuliranin at hamong pangkapaligiran na
nararanasan sa kanilang komunidad. Ang paggamit ng bottom
up approach ay nagging epektibo kaya ginagamit din ito ng
Laos, East Timor, Indonesia at India.
Top Down Approach
• Tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawain hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na
tanggapan o ahesya ng pamahalaan.
• Ang top down approach ay ang paghakbang at pagplano na
nagmumula sa taas papunta sa pababa. Halimbawa nito ay
ang pagtugon mula sa pamahalaan papunta sa iba’t ibang
miyembro at ang pondo ay nanggagaling din sa kanila. Ito
ang kahulugan nito.

You might also like