Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Kasaysayan ng alphabeto at

ortograpiyang filipino
Oktubre 4,1971
 Labindalawang taon matapos palitan ng pangalan Pilipino ang
Wikang Pambansa o Wikang Pambansa Batay sa Tagalog,
ipinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa
(ngayon ay Komisyon sa Wikang Pambansa), ang ortograpiyang
Pilipino na tinaguriang "pinayamang alpabeto" na binubuo ng 31
letra (a bc ch d e f g h i j k l ll m n ñ ng o p q r rr s t u v w x y
z. Idinagdag sa 20 letra ng Abakada ang 11 letra at degrapo
mula sa Kastila (c ch f j ll ñ q rr v x z). Hindi binanggit sa
tuntunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-
sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas
at pagbaybay (papantig o patitik) ng mga letra.
Memorandum Pangkagawaran
Blg. 194, 1976
Sa bisa nito ay pinagyaman ang dating
Abakada upang makaagapay sa mabilis
na pag-unlad at pagbabago ng wikang
Pilipino na tinawag na “Binagong
Alpabetoong Pilipino” (Pinagyamang
Alpabeto)
1987
 Muling nireporma ang Alpabetong Pilipino gayundin ang mga tuntunin sa
Ortograpiyang Filipino. Ito ay isinagawa ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas (LWP) (dating SWP na naging KWF) sa tulong ng mga lingguwista,
dalubwika, manunulat, propesor, guro at mga samahang pangwika sa
pamamagitan ng simposyum. Ang una ay idinaos sa Asian Institute of
Tourism. Ang pangalawa ay sa National Teacher's Collage. Bumuo rin ng
mga Lupon ang Linangan upang magsagawa ng mga pag-aaral tungkol sa
balak na rebisyon sa iba't-ibang aspekto o lawak ng bubuuin ng bagong
ortograpiya. Matapos ang isinagawang simposyum, napagkaisahan na ang
Alpabetong Filipino ay bubuuin na lamang ng dalawampu`t walong letra.
Ang mga bagong dagdag na letra ay C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Patitik at hindi
papantig ang pagbigkas ng mga letra maliban sa Ñ na bigkas-Kastila.
2004 (Gabay sa Editing ng
Wikang Filipino)
 Naglabas ang UP Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ng Gabay
sa Editing sa Wikang Filipino. Layunin ng SWF na maging
pangunahing wika ang Filipino sa pagtuturo, pananaliksik at
publikasyon at gayundin sa mga gawaing ekstensyon. Ang
pagbuo ng Gabay sa Editing ng SWF ay tugon sa praktikal
na pangangailangan ng mga manunulat at editor nito na
naghahanap ng malinaw na patnubay hindi lamang sa
paggamit ng mga dagdag na letra kundi maging sa mga dati
nang problema sa pagbabaybay kahit noong gamit pa lamang
ang 20 letrang abakada
2004 (Gabay sa Editing ng
Wikang Filipino)
2006 (Ulat hinggil sa Forum sa
Ispeling)
Sa kabuuan, bagamat maraming pagkakatulad ng 2004 Gabay sa
Editing at 2006 ULAT, makikitang mas simple ang 2006 Ulat
kumpara sa detalyadong 2004 Gabay. Iyon marahil ay dahil sa
nakatuon iyon sa partikular sa mga gagamit na editor. Itinampok na
lamang sa 2006 Ulat ang mga pangunahing suliranin at tuntunin sa
Ortograpiya. Nagkaroon din ng higit na paglilinaw sa mga naunang
tuntunin na mahina o may kalabuan. Ilan dito ay ang mga sumusunod:

 Paglilinaw sa paggamit ng F J V Z. Ayon dito “hindi na gagamitin


ang F J V Z sa bagong hiram na salita.
 Iminungkahi na gagamitin lamang ang J sa bagong hiram na
salitang may tunog at titik “J” (hal: jam, jornal, hayjak)
2009 (Gabay sa Ortograpiyang
Filipino)
 Ang KWF ay muling bumuo ng mga tuntunin na nakapaloob sa
Gabay sa Ortograpiyang Filipino na pinalaganap ng Kagawaran ng
Edukasyon sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 s.
2009 na inilabas noong Ika-7 ng Oktubre 2009. Hindi gaanong
malinaw ang konteksto ng pagbuo ng 2009 Gabay na ito. Sa
Resolusyon Blg.11-29 ng KWF napagkasunduan noong Agosto
2009, ang sinasabing dahilan ng pagbuo ng bagong gabay ay ang
“hindi magandang komentaryo ng mga guro, estudyante,
magulang at mga gumagamit ng wika. “Bumuo ang KWF ng
komite para sumuri ng ortograpiya. Nagdaos ng panrehiyong
talakayan sa 10 rehiyon ng bansa noong Nobyembre 2006
hanggang Enero 2007.
2009 (Gabay sa Ortograpiyang
Filipino)
 Sapagkukumpara ng 2009 Gabay sa mga naunang
ortograpiya, walang nakitang bagong naiambag ang
2009 Gabay sa kabila ng lumilitaw na malawakang
konsultasyon sa buong bansa. Halos lahat ng
tuntunin ay halaw sa 2004 Gabay at 2006 Ulat.
Ang bagong naitampok lamang ay ang konsepto ng
Grapema na binubuo ng mga letra at di letra (tuldik
at bantas).
2013 (Ortograpiyang Pambansa)

 Binuo ng KWF ang Ortograpiyang Pambansa dahil may


“pagbabagong tindig” ang kasalukuyang pamunuan ng KWF
hinggil sa ilang usaping ortograpiko mula sa pinakahuling
edisyon ng Gabay sa Ortograpiyang Filipino ng KWF.
Ipinasok dito ang resulta ng talakayan sa Pambansang
Forum sa Ortograpiko na nagpatibay sa kalakhan ng mga
tuntunin mula sa 2006 Ulat Hinggil sa mga Forum sa
Ispeling NCCA at ilan pang napagkasunduang tuntunin lalo
na sa pagpapabilis ng pagpasok ng katangian ng mga salita
mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
Ang diwa ng pagiging pambansa ng idinaos na Pambansang Forum noong
2013 ay hindi lamang makikita sa paglahok ng mga kinatawan mula sa
iba’t ibang rehiyon kundi lalo na sa mahahalagang napagkasunduang
tuntunin kabilang dito ang ss:

You might also like