Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Filipino 4

Wasto at Angkop na
Gamit ng Pangatnig
Pangatnig ay ginagamit na pang-ugnay sa mga
salita, parirala, sugnay o mga pangungusap.
• Kapag may itatangi kang mga bagay o tao,
gamitin mo ang mga pangatnig na o, ni,
maging, man.

Halimbawa:

Si Mica o si Eriza ang susunod na magtatanghal ng


kanilang monologo.
• Kung ikaw ay nag-aalinlangan sa iyong pahayag, gamitin
mo ang mga pangatnig na kung, kapag, ‘pag, sakali.

Halimbawa:

Nakakampante ang loob ng mga magulang na iwanan ang


kanilang mga anak sa paaralan kapag dumating na sa silid ang
guro ng mga batang paslit.
• Kung magkasalungat naman ang unang bahagi at
pangalawang bahagi ng pangungusap, gamitin ang mga
pangatnig na ngunit, subalit, datapwat, bagaman,
samantala, kahit.

Halimbawa:

Pilit na inaaral at iniintindi ni Jossel ang kaniyang takdang-


aralin kahit na siya ay nahihirapan sa asignaturang ito.
• Kapag ang iyong pangungusap ay nagbibigay ng dahilan o katwiran
para sa ginawang kilos, gamitin mo ang mga pangatnig na dahil, sa,
sapagkat, mangyari, at sanhi sa.

Halimbawa:

Makikita mong nag-aaral ang lahat ng mag-aaral sa buong paaralan,


sapagkat ang linggong ito ay ang huling markahang pagsusulit.
• Kapag ang iyong pahayag ay malapit nang matapos, gamitin
ang mga pangatnig na sa wakas, sa lahat ng ito, at sa
bagay na ito.

Halimbawa:

Matutuhahan ng mga mag-aaral na sa lahat ng ito, tiyaga,


determinasyon at pagpupursigi sa buhay ang kailangan upang
matagumpay.
Gumawa ng dalawang pangungusap sa bawat numero at Gamitin sa pangungusap ang
mga sumusunod na pangatnig.

1. Sa wakas
2. Ni
3. Maging
4. Kung
5. Sapagkat
6. Subalit
7. Ngunit
8. Sa
9. Sakali
10. kahit
• Ginagamit ang mga pangatnig na kung gayon at kaya
kapag ipinaliliwanag nito ag bahagi o kabuuan ng isang
paksang tinalakay.

Halimbawa:

Nagkaroon na ng pagpupulong ang mga hurado g timpalak


kaya hinihintay naming ang resulta ng naganap na paligsahan.
• Kung dadagdagan mo ng mga impormasyon at
kaisipan ang iyong pahayag, gamitin ang mga
pangatnig na at saka, pati, at anupa’t.

Halimbawa:

Nagdasal siya nang taimtim at saka niya sinagutan ang


kaniyang mahabang pagsusulit.
• Kapag ang iyong pahayag ay ginagaya at inuulit
lamang ang sinasabi ng iba, gamitin ang mga
pangatnig na daw, raw, sa ganang akin/ iyo, at ‘di
umano.

Halimbawa:

‘Di umano ay maraming mahuhusay na mga mag-aaral


sa baitang na ito.
• Kung ang iyong pahayag ay tumutulad ng mga pangyayari o
gawain, gamitin ang mga pangatnig na kung sino… siyang,
kung ano… siya ring, at kung gano…. Siya rin.

Halimbawa:

Kung sino ang huling matatapos sumagot ng pagsusulit ang


siyang nag-aaral nang maigi ng kaniyang mga sagot.
Pagsasanay sa aklat:

Buksan ang aklat sa pahina 293 Isagawa Natin A


at sagutan ang pagsasanay.
Pagsasanay sa aklat:

Buksan ang aklat sa pahina 294 Isagawa Natin B


at sagutan ang pagsasanay.
Paggamit ng Magagalang
na Pananalita sa
Pakikipag-argumento o
Pakikipagdebate
• Ano ang pinagtatalunan nina Thea at Riza?

• Paano makipag-argumento o makipagdebate nang hindi nakakasakit


ng damdamin ng iba?

• Posible bang magkaroon ng magkasalungat na pananaw o opinion


ang dalawang tao, ngunit nananatili pa ring magkaibigan? Paano?

• Ano-anong mga salita ang maaaring gamitin upang maging


magalang ang pakikipag-argumento?

• Ano ang mag dapat tandaan sa pakikipag-argumento sa kapwa?


Pagsasanay sa aklat:

Buksan ang aklat sa pahina 296 Sanayin Natin B


at sagutan ang pagsasanay.
Wastong at Angkop na
Gamit ng Simuno at
Panaguri sa Pangungusap
Ang Simuno ay ang bahagi ng pangungusap na
gumagawa ng aksiyon at ito ang paksa ng pangungusap.
Kadalasan ito ang nauuna sa panaguri at ipinakikilala
na gumawa ng kilos.
Ginagamitan ito ng pananda o mga salita na
si/sina o ang/ ang mga ang simuno.
Ang mga panghalip tulad ng ako, siya,ikaw sila,
at iba pa ay maaari ring maging simuno sa
pangungusap.
Halimbawa:

Ang mga magkakaibigan ay masasayang


nagkumustahan dahil matagal silang hindi
nagkita.
Halimbawa: (Subukin)

Ikaw ang inaasahang mag-aalaga sa iyong mga


kapatid habang namamalengke ang iyong mga
magulang.
Ang Panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na
nagsasabi, nagpapaliwanag, o naglalarawan ng paksa.
Ito ay madalas na nakikita sa hulihan ng pangungusap
na pinagungunahan ng pandang ay.
Halimbawa:

Siya ay umuwing tuwang-tuwadahil sa mataas


na markang kaniyang nakuha sa pagsusulit.
Halimbawa: (Subukin)

Si Rhea at Angel ay mga mahuhusay na mang-


aawit.
Pagsasanay sa aklat:

Buksan ang aklat sa pahina 307 Isagawa Natin


A at sagutan ang pagsasanay.
Pagsasalaysay muli ng
Napakinggang Teksto
Gamit ang sariling Salita.
• Ano ang nangyari sa diyalogo?

• Ano ang ipinagawani Ginoong Santos sa Kaniyang mga mag-


aaral?

• Paano isinalaysay ni Ligaya ang kanilang napakinggang teksto?

• Ano ang naging reaksisyon ni Ginoong Santos sa ginagawang


pagsasalaysay ni Ligaya?

• Kung ikaw ang isa sa kamag-aral ni Ligaya, maiintindihan mo ab


ang ginawa niyang pagsalaysay? Ipaliwanag ang iyong sagot.

You might also like