Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Batayang Kaalaman sa mga

Teorya sa Pananaliksik na
Akma o Mula sa Lipunang
Pilipino
Mga Diskurso sa Nasyonalismo

Ano ang nasyonalismo?


Ayon sa Philippine Cultural Education , ang
nasyónalismo ay isang sistema ng paniniwala o
ideyolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng
katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon
nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng
bansa, at ng paglulunggating matamo ang
pambansang pagsulong.
Sa Philippine EJournals naman ay sinabing ang
nasyonalismo o makabayang pilosopiya ay
tumutugon hindi lamang sa pagiging
makabayan kundi sa pagkakaroon ng
paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot
para sa
lipunan.
Teoryang Dependensiya

Ang teoryang dependensya na kilala rin sa tawag na Teoria


de la Independencia o Teorya ng Dependensiya at
nakaugat sa Amerika Latina . ay ang paniniwala na ang
pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng
nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro" ng
mayayamang estado , kung saan ang kapalit ng pag-unlad
ay ang paghirap ng isa.
Teoryang Dependensiya

Ang teorya ay umusbong bilang isang reaksyon sa


teoryang modernisasyon kung saan ang lahat ng lipunan ay
umuunlad sa pamamagitan ng magkakaparehong hakbang
sa pagsulong, kung kaya ang tungkulin sa pagtulong sa
mga lugar na hindi makawala sa kahirapan ay iahon sila sa
dapat na panglahatang landas ng pag-unlad sa iba’t ibang
paraan kagaya ng pamumuhunan,
Marxismo

Ang Marxismo (Maranan, 2018) ay isang metodo ng


sosyo-ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tinitignan
ang ugnayan ng klase ( class relations ) at tunggaliang
panlipunan ( class conflict ) gamit ang materyalistang
interpretasyon ng pag-unlad ng kasaysayan ( materialist
interpretation of historical development ) at ginagamitan
din ng diyalektikal na pananaw ng transpormasyong
panlipunan o social transformation .
Marxismo

Ang kaisipang ito ay pinukaw ng dalawang


Alemang pilosopi - sina Karl Marx at Friedrich
Engels — noong kalagitnaan hanggang huling-
bahagi ng ika-19 na siglo.
Pantayong Pananaw

Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong


konsepto na tumutukoy sa anumang kalipunan na
nagtataglay ng pinag-isa at panloob na artikulasyon
ng linggwistik-kultural na istruktura ng
komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng
pagkakaisa ng layunin at dahilan ng pananatili.
Pantayong Pananaw

Ang pantayong pananaw (San Juan, et al., 2019) ay


isang konsepto at hinuha ng multilinggwal na
historyador na si Dr. Zeus A. Salazar mula sa
Unibersidad ng Pilipinas na nag-aadhika ng isang
nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang
pambansa para sa kasaysayan at agham panlipunan .
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong
Pananaw

1. Dulog etic at emic ;


2. Pag-unawa at pagpapaliwanag; at
3. Suliranin ng ideolohiya.
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong
Pananaw

Dulog etic at emic . Sa mga disiplina na katulad ng


antropolohiya at agham panlipunan, ang emic at etic ay
tumutukoy sa dalawang sangay ng pananaliksik batay sa
pananaw; ang emic ay tinitingnan mula sa pangkat ng
lipunan ( social group ) mula sa perspektiba ng paksa o
subject , samantalang ang etic naman ay tinitingnan mula
sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong
Pananaw

Pag-unawa at Pagpapaliwanag . Ang pinakamahinang


posisyon ay ikinukonsidera ang parehong paggamit ng
terminong teoretikal at ang paggamit ng emic sa mga
diskurso ng pantayong pananaw basta ang higit na
nakararaming teksto na nakasulat ang pagpapalitan ng
berbal na komunikasyon ay ginamitan ng Filipino.
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng Pantayong
Pananaw

Suliranin ng ideolohiya . Ang panggitnang posisyon ay


ang pagbibigay ng pribilehiyo o prayoritasyon ng dulog
emic laban sa panghihiram o paglalaan ng konsepto,
habang inilalayo ang huli sa prinsipyo.
Sikolohiyang Pilipino

Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang


pagkilala rito ay tumutukoy sa pag-aaral ng isip,
diwa, at asal. Ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng
kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na iyong
nakaaapekto sa kilos.
Sikolohiyang Pilipino

Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, mayroong tatlong


anyo ang Sikolohiyang Pilipino:
1. Sikolohiya sa Pilipinas,
2. Sikolohiya ng Pilipino,
3. Sikolohiyang Pilipino

You might also like