Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Filipino sa Agham,

Teknolohiya,
Inhinyeriya,
Matematika at iba
pang Kaugnay na
Larangan
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
sa Larangang Siyentipiko-Teknikal

Malaking bilang ng mga mag-aaral ang


nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral sa
larangan ng agham at teknolohiya.
Napakarami ng terminolohiya na ginagamit
dito na mahirap maunawaan kung hindi
mabibigyan nang maayos na pagpapaliwanag.
Dalawang Proseso ng Pagtatamo ng
Intelektwalisasyon

• Linggwistiko
• Ekstra-linggwistiko
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham

Biyolohiya
Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na
organismo kabilang ang kanilang estruktura, mga tungkulin,
paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya.
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham

Kemistri
Nakatuon sa komposisyon ng mga substance , properties at
mga reaksyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.

Pisika
Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon,
espasyo, enerhiya at matter . Mula ito sa Griyego na Phusike o
kaalaman sa kalikasan.
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham

Earth Science/Heolohiya
Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa
kalawakan, ng mga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso
ng kanilang pagbabago, at iba pang pisikal na elemento kaugnay
ng pagbuo, estruktura at mga penomena nito.
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham

Astronomiya
Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at
pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng
daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang
pinagmulan, pagbabago at mga katangiang pisikal at kemikal ng
mga bagay na napagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng
atmospera), pati ang mga kaugnay na mga proseso at
kababalaghan.
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham

Matematika
Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika,
at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at
estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ang
mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o kamalian ng
mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na
pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat ang
ibang mga matematiko sa balidad nito.
Mga Disiplina sa Larangan ng Teknolohiya

Information Technology (IT)


Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng telnolohiya
kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at
pagpoproseso. Tumutukoy rin ito sa pag-unawa, pagpaplano,
pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta,
solusyon, at operasyon ng mga software at kompyuter.
Mga Disiplina sa Larangan ng Teknolohiya

Inhinyeriya
Ito ay nagmula sa salitang Kastila na ingeniera o ingenieria
. Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham upang matugunan ang
pangangailangan ng sangkatauhan. Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko,
matematika at praktikal na karanasan upang makabuo ng mga
disenyo at mapagana ang mga estruktura o makina ayon sa
sistematikong proseso o pamamaraan.
Filipino sa Pagsulat ng Agham, Teknolohiya,
Inhiyeriya at Matematika
Kadalasang nakasulat sa paraang paglalahad,
paglalarawan at pangangatwiran ang mga teksto sa disiplinang
ito at naglalaman ng mga paktuwal at produkto ng mga
eksperimento, lalo na ang mga teksto sa Agham at
Teknolohiya. Maliban sa Matematika, posibleng ang isang
termino ay ginagamit sa isa o mahigit pang akda at posible
ring ang mga salitang ito ay magkaroon ng magkapareho o
magkaibang kahulugan.
Metodong IMRaD ang kadalasang ginagamit sa Siyensiya at Teknolohiya

I - Introduksyon
M- Metodo
R- Resulta
a- Analisis
D- Diskusyon
Pamamaraan sa Pagsasaling
Siyentipiko at Teknikal
Pamamaraan sa Pagsasaling
Siyentipiko at Teknikal
Ingles Filipino
Biology Haynayan
Microbiology Mikhaynayan
Molecular Biology Mulatling Haynayan
Cardiologist Palapuso
Pulmonologist Palabaga
Radiologist Paladiglap
Cell Sihay
Platelet Muntilipay
Plasma Kaphay
Tuberculosis Iti, daragis, balaod
Hypertension Sukduldiin, altapresyon
Arthritis Mangansumpong
Gout Piyo
Nosebleed Balinguyngoy

You might also like