DALUMAT

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Dalumat

By : Ms. Jaylyn Esquivel


KULTURA NG PILIPINAS
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng
mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at
mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala
ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa
Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang
Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila.
KULTURA NG PILIPINAS
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano,
Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga
bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga
Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay
kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon
pang sabungan.
KULTURA NG PILIPINAS
Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga
Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay
nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal
galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon
din sa Kultura ng Pilipinas.
KULTURA NG PILIPINAS
Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala
ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na
Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming
hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na
hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga
pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay
minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang
paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga
sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.
Lipunang Pilipino
Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami
dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at
mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at
iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga
tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.
Kaugaliang Pilipino
Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na
nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita
ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at
ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang
drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O
kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa
lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na
sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang
kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang
Europeo at Amerikano.
Kaugaliang Pilipino
Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay
kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang
pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga
Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may
edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay
sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang
mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-
kakakilala.
Kaugaliang Pilipino
Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais
magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na
kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pananalita
Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.
Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama
at nasa lugar.
Utang na Loob : Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa
kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang
hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan
Kaugaliang Pilipino
Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino
kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na
kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap,
ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi
kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging
magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung
ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at
nawawalan ng lakas ng loob.
Mga Pambansang Pagdiriwang
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at
lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong
pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga
opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito
bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at
nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa
sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita
ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
Mga Pambansang Pagdiriwang
Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na
sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng
Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit
ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.

Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa
dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating
mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw maayos na tirahan, iba-
ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Mga Pambansang Pagdiriwang
Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan
mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga
bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal
Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama
ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.

Araw ng mga Bayani


Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag- aalay ang mga Pilipino ng
mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa
ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.
Mga pansibikong pagdiriwang
May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong pagdiriwang.
Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang
kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal,
ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan
sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod
Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.

Araw ng mga Puso


Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin sila
inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita
ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao ng kard o
anumang alaala sa araw na ito.
Mga pansibikong pagdiriwang
Linggo ng Pag-iwas sa Sunog

Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga
paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa
natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo
upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas
sa sunog

Araw ng mga Ina/mga Ama

Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing ikalawang Linggo ng
Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita
natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.
Mga pansibikong pagdiriwang
Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at
pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito
ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang
nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika.
Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino
sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.

Araw ng mga Nagkakaisang Bansa


Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng
pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-
buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na
magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito.
Mga pansibikong pagdiriwang
May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo.

Linggo ng Mag-anak
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang pagmamahalan at
pagkakaisa ng bawat kasapi nito.
Araw ng mga Guro
Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa atin
ng mga guro.
Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon
Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa
ayon sa bayani o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika -19
naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon.
Thank You

You might also like