Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Q2M1

AN G PA G K U K U S A
SA M A K ATA O N G
K I LO S
1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa
makataong kilos kung nagmumula ito sa
kalooban na malayang isinagawa sa
pamamatnubay ng isip/kaalaman.
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat
panagutan.
GAWAIN:
Pagpangkatin ang mga sumusunod na
mga salita
PAGTALAKAY SA
ARALIN
MAY DALAWANG URI NG KILOS
ANG TAO
1. Kilos ng tao (Act of man)

2. Makataong Kilos (Human Acts)


1. Kilos ng Tao (Act of man) – ito ay ang kilos
na ayon sa kalikasan bilang tao at hindi
ginagamitan ng isip at kilos loob. Masasabing
ang kilos na ito ay walang aspeto ng pagiging
mabuti o masama. Kaya walang pananagutan
ang tao kung maisagawa ito
2. Makataong Kilos o (Human Act) - ito ay kilos na
isinagawa ng isang indibidwal sa pagkakataong siya ay
mapanagutan, alam niya ang kanyang ginagawa at may
kagustuhan o pagnanais siyang gawin ang nasabing kilos.
Ang kilos ay masasabing makataong kilos kung :
A. May kaalaman
B. May Kalayaan
C. May kusa/ Pagkukusa
“Dapat maging maingat ang tao sa
paggawa ng makataong kilos dahil ang
kilos na ito ay may kaakibat na
pananagutan. Nakabatay sa kagustuhan o
pagkukusa ng tao ang bigat (degree) ng
kanyang pananagutan.”
Uri ng
Pagkukusa
1. Ganap na Pagkukusa (Perfect voluntariness) - ito ay
kilos na isinagawa ng tao kung saan alam niya, may
pagsang-ayon siya at malaya siya sa kanyang piniling
aksyon.
2. Di-Ganap na Pagkukusa (Imperfect voluntariness) -
ito ay kilos na isinagawa ng tao na kulang o wala ang
alinman sa kaalaman, pagsang-ayon at kalayaan sa
pagsasagawa nito.
3. Payak na Pagkukusa (Simple voluntariness) –
ito ay mga kilos na isinagawa ng tao na di alintana
kung gusto niya o hindi ang kanyang ginawang kilos.
Ang kilos na ito ay maaaring positibo o negatibo.
4. Kondisyonal na Pagkukusa (Conditional
voluntariness) – ito ay kilos na isinagawa ng tao
dahil sa kanyang kinakaharap na sitwasyon.
GAWAIN para sa
Q2M1
GAWAIN para sa Q2M1
1. Pagyamanin: Magbigay ng isang halimbawa sa
bawat uri ng pagkukusang kilos. Ipaliwanag ang
pananagutan ng tauhan sa bawat sitwasyong iyong
naibigay.
2. Q2-Journal 1: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos
1. Pagyamanin: Magbigay ng isang halimbawa sa bawat uri ng pagkukusang
kilos. Ipaliwanag ang pananagutan ng tauhan sa bawat sitwasyong iyong
naibigay.
Halimbawa
URI NG PAGKUKUSA SITWASYON PANANAGUTAN
1. Ganap na Pagkukusa Pagtupad sa sinumpaang Malaki ang kanilang
tungkulin ng mga nars at pananagutan sa mga taong
doctor ngayong panahon ng nangangailangan ng kanilang
pandemya. serbisyo.

2. Di- Ganap na Pagkukusa


3. Payak na Pagkukusa
4. Kondisyunal na Pagkukusa

You might also like