Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 3
Kabanata 3
Kabanata 3
Kabanata 3
● Ang climate change ay ang pangmatagalang
pagbabago ng lagay ng panahon (temperatura,
humidity, pag- ulan, atbp.), karagatan, kalupaan,
at ice sheets.
● Ayon sa Australian Academy of Science,
kadalasa'y nagtatagal nang 30 taon ang
pagbabagong ito sa sistema ng klima.
● Maaaring bunsod ito ng mga natural na
pangyayari gaya ng mga sakunang geophysical o
pagbabago sa radiation ng araw.
3.1 Mga Konsepto
a. Kuryente at Industriya
Bukod sa CO₂, naglalabas din ng CH, sa atmospera ang
produksyon, pagproseso, pag-ipon, at paggamit ng coal at
natural gas.
b. Agrikultura
Ang dumi ng mga hayop ay naglalabas ng CH4. Dahil
nag- aalaga ang mga tao ng kahayupan bilang pagkain o
katuwang sa pagsasaka, higit sa normal na dami ng dumi
ng hayop ang naiipon sa 11.8% mundo.
Nagmumula ang Methane sa mga sumusunod:
c. Dumi at basura
Kung malaki ang ambag ng agrikultura sa greenhouse
effect, gayundin ang dulot ng dumi at basura ng mga tao.
Sa USA, ang mga tambakan ng basura ang ikatlo sa
pinakamalalaking tagapag-ambag ng CH4, noong 2017.
Saan nagmumula ang greenhouse gases
3. Nitrous oxide (N,O)
Nasa 6% ang dami ng NO sa atmospera. Gaya ng CH,
bagama't maliit lamang ang bahagdan nito, higit naman
itong delikado sapagkat halos 300 nang dami ng init na
kaya ng CO, ang kayang ipunin ng NO sa atmospera.
Saan nagmumula ang greenhouse gases
4. Fluorinated gases (F-gases)
Sa lahat ng greenhouse gases, ang F-gases ang
pinakanagtatagal at pinakanakalipon ng init sa atmospera.
Ito ang dahilan kung bakit binansagan itong super
greenhouse gases. Maaaring manatili ang man-made gases
na ito sa atmospera nang 270 taon hanggang 50 000 taon.
Apat na kategorya ng F-gases
a. Hydrofluorocarbons (HFCs)
Naglalabas ng HFCs ang mga teknolohiyang gumagamit
ng refrigeration at air conditioning; at mga bagay na
nagbubuga ng kemikal gaya ng foam blow, aerosol at
solvent.
b. Perfluorocarbons (PFCs)
Resulta naman ang PFCs ng produksyon ng aluminum at
mga semiconductor. Sa Pilipinas, isa sa mga pangunahing
exports ang semiconductors.
Apat na kategorya ng F-gases
c. Sulfur hexafluoride (SF6)
Ginagamit ito sa pagtransmit ng kuryente. Ito din ang
tinaguriang pinakadelikadong greenhouse gas.
d. Nitrogen trifluoride (NF)
Isa sa mga alternative energy pinalalawig sa maraming na
bahagi sa mundo ay ang solar energy. Nagagamit ito ng tao
sa pamamagitan ng mga solar panel. Bukod sa mas mura ang
ganitong klase ng enerhiya, mas nakatutulong din ito upang
mabawasan ang polusyong dulot ng paggamit ng fossil fuel.
Ang Greenhouse Effect
• Ayon sa first law of thermodynamics, ang enerhiya ay
hindi nalilikha o nasisira. Ibig sabihin, ang enerhiyang
dala ng solar radiation sa mundo ay maaaring
mapakinabangan sa paggawa o maging heat o init.
• Noong 2016, itinala ng Climate Watch ang Pilipinas
bilang ika-31 sa mga pinakamalalaking tagapag-ambag
greenhouse gases sa mundo. Tinatayang 0.45% ng
greenhouse gases sa mundo ay mula sa Pilipinas.
Global Warming
• Ang pagkatunaw ng glacier ay nagsisimula sa crevasses,
o mga bitak. Kapag humiwalay na ang bitak ng yelo sa
mismong kalupaan, dito nabubuo ang iceberg. Natural
lamang ang pagkakaroon ng crevasses at mga iceberg.
• Subalit ang hindi natural ay ang pagdami nito niyon sa
Antarctica at iba pang bahagi ng Arctic Region.
Ang Pagbabago ng Klima
• Mula sa literal nitong pakahulugan, tumutukoy ang
climate change sa pagbabago ng klima sa isang partikular
na lugar sa loob ng mahabang panahon.
• Sa ikawalong baitang, nalaman mong dumaan iba't ibang
panahon ang sa planeta bago naging ang mundo natin sa
ngayon. Nakatala ito sa geologic time scale. Bago sumapit
sa Holocene epoch ang mundo at mabuo ang lahi ng mga
tao, nagkaroon muna ng napakaraming pagbabago sa
kalikasan ng planeta.
Palatandaan ng temperatura
1. Pagtaas ng temperatura- Nagdudulot ang pagdami ng
greenhouse gases ng greenhouse effect, na siya namang ugat
ng global warming. Ayon sa NASA, tumaas na nang 0.9°C
ang temperatura sa mundo simula noong ika-19 siglo.
2. Pag-init ng mga karagatan- umiinit ang temperatura sa
ilalim ng mga karagatan. Sa tala ng NASA, tinatayang 2 300
ft ng ocean surface ay uminit na nang 0.4°F.
Palatandaan ng temperatura
3. Pagliit ng ice sheet- tumutukoy ang ice sheet sa ng yelong
napakakapal na masa bumabalot sa kalupaan/katubigang
may lawak na 50 libong km². Dahil sa lawak nito, tinatawag
din itong continental glacier. Dalawa lamang ang ice sheets
sa mundo: ang Greenland at Antarctic ice sheets.
4. Glacial retreat- Pumapatungkol ito sa pagbaba- ng
glacier na nasa matataas na altitude. Sa pag-init ng mundo,
maging ang mga ice cap na nasa matataas na altitude ay
natutunaw- dahilan upang ng glacier sa lumiit ang lawak
mga lugar na ito
Palatandaan ng temperatura
5. Pagliit ng snow cover- Base sa mga pag-aanalisa ng
NASA gamit ang kanilang mga satellite, maraming lugar na
nababalutan ng yelo sa mga nakalipas na dekada ang
nakikitaan na ng kalupaan.
6. Pagtaas ng sea level- Ang pagtaas ng sea level ay epekto
ng mga naunang nabanggit na palatandaan. Ang mga
natunaw na yelo mula sa mga glacier at ice sheet ay
napupunta sa karagatan. Ayon sa NASA, tinatayang 3.3 mm
ang itinataas ng sea level kada taon.
Palatandaan ng temperatura
7. Pagliit ng Arctic sea ice- Kapag ang tipak ng yelo ay
orihinal na nagmula sa karagatan, tinatawag itong sea ice.
Hindi gaya ng glacier at ice sheet, gawa ito sa tubig-alat.
Matatagpuan ang malaking bahagi nito sa Arctic Ocean.
8. Matitinding weather events- Ang mga pangyayaring
climatological at meteorological ay natural sa mundo.
Subalit, ang matitinding weather events gaya ng di-normal
na tagal ng tag-ulan o tag-init ay maaaring dulot na ng
climate change.
Palatandaan ng temperatura
9. Ocean acidification- Tinatawag na ocean acidification
ang pangyayari kung saan nakakakuha ng maraming CO ₂,
ang katubigan. Hindi ito maganda para sa mga organismo sa
ilalim ng dagat sapagkat nakababawas sa calcium carbonate
ng karagatan ang malaking dami ng CO₂ rito.
3.3 Mga Epekto ng Climate Change sa mga
Pilipino
1. Mga Sakuna- Ayon sa Climate Change Commission ng
Pilipinas noong 2010, nangunguna sa mga sakunang pinalala
ng climate change ay yaong mga sakunang meteorological.
Base sa tala ng PAGASA, mas dadalas pa ang pag-ulan sa
Luzon at Visayas, habang mababawasan naman ng pag-ulan
sa Mindanao.
3.3 Mga Epekto ng Climate Change sa mga
Pilipino
2. Pagkasira ng Ecosystem- Tumutukoy ang ecosystem sa
komunidad at interaksyon ng mga organismo sa kanilang
tahanan. Sa paglala ng climate change, nasisira hindi lang
ang komunidad ng mga tao kundi maging ang ecosystem ng
maraming organismo Pilipinas.
3.3 Mga Epekto ng Climate Change sa mga
Pilipino
3. Paghina ng Agrikultura- Nakadepende sa agrikultura
ang buhay ng maraming Pilipino. Sa katunayan, 1/5 ng gross
domestic product (GDP) ng bansa ang mula sa sektor na ito;
1/3 naman ng lakas paggawa ay nabibilang dito. Kapag
mayroong mga sakunang meteorological at climatological,
ang sektor na ito ang higit na naaapektuhan.
3.3 Mga Epekto ng Climate Change sa mga
Pilipino
4. Pagtamlay ng Biodiversity- Napipigilan din ng climate
change ang pagyabong ng biodiversity, o yaman ng iba't
ibang species ng organismo. Ayon sa Climate Change
Commission (2010), ang dagdag na 10°C ay maaaring
magdulot ng migrasyon ng mga organismo upang mabuhay.
3.3 Mga Epekto ng Climate Change sa mga
Pilipino
5. Pagkasira ng Impraestruktura- bukod sa mga buhay na
organism, naaapektuhan din ng climate change ang estado ng
ating mga impraestruktura. Mas madalas na nae-expose ang
mga estrukturang ito sa mga sakuna gaya ng bagyo, pagbaha,
at pagguho. Nakararanas ang mga ito ng structural fatigue na
maaaring makasira sa mga ito.
3.3 Mga Epekto ng Climate Change sa mga
Pilipino
6. Mga pagbabago sa Enerhiya- Maging ang power
generation na nagmumula sa renewable energy ay hindi
ligtas sa climate change.
Dahil sa unpredictability ng klima, nagkakaroon ng mga
pagbabago sa dami at panahon ng pagdating sa enerhiya.
Kapag mayroong pagbabago sa produksiyon, nakararanas
din ng pagbabago ang mga konsyumer.
3.3 Mga Epekto ng Climate Change sa mga
Pilipino
7. Mga Suliranin sa Populasyon- Malaking impluwensiya
ang climate change sa paglobo ng populasyon sa mga pook
na urban sa Pilipinas. Dahil sinisira ng mga sakunang dulot
nito ang kabuhayan ng mga Pilipino sa lokasyong rural,
napipilitan silang makipagsapalaran sa mga industriya sa
mga kalunsuran.