Co2 Ap4 2nd Quarter

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

ARALING

PANLIPUNAN 4
Quarter 2 - Week 3

Marisol A. Reloj
Teacher II
Pagkatapos ng 40 minuto ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
• Natatalakay ang mga hamon at oportunidad
sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
• Natutukoy ang mga hamon at oportunidad
kaugnay ng mga gawaing pangkabuhayan.
1. Inaasahan ang pagpapakita ng paggalang
sa opinyon ng bawat isa.
2. Itaas ang kamay kapag mayroong
sasabihin.
3. Makinig kapag may nagsasalita.
4. Makilahok sa mga gawain at talakayan
5. Maging produktibo sa araw na ito.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang pahayag na nagpapakita ng
tamang pangangasiwa ng likas na yaman at ekis () kung hindi.
___1. Pagsusunog ng mga punong kahoy sa lupang pagtataniman
o pagkakaingin.
___2. Pagtatapon ng mga basura sa mga anyong-tubig gaya ng
ilog at dagat.
___3. Pagtatanim ng mga punong kahoy sa mga bakanteng lupa.
___4. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
___5. Paggamit ng mga organikong pataba para sa pananim.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Hanapin ang
titik na katumbas ng inyong sagot sa alpabeto upang
malaman ninyo ang nakatagong salita.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
• Ang ibig sabihin ng salitang hamon ay
negatibong epekto o hindi nakabubuti sa
pangkabuhayan. Ito ay tumutukoy sa mga
pagsubok na hinaharap ng mga manggagawa.
• Ang salitang oportunidad naman ay nagdudulot
ng positibong epekto o mabuting epekto sa
kabuhayan ng mga manggagawa.
Video ng kantang magtanim ay di biro
Video ng mga hamon at oportunidad
Panuto: Kunin ang metacard sa ilalim ng inyong mga
mesa, basahin at alamin kung ito ba ay hamon o
oportunidad. Ilagay sa basket ang lahat ng oportunidad
at sa balde naman ang lahat ng mahahanap na hamon.
Rubriks
Nilalaman 5 4 3 2 1
1.Ipinapakita ang pagkakaisa ng pangkat.
2. Sumusunod sa mga panutong nakasaad sa
activity sheet.
3. Tahimik na gumawa ang pangkat
4. Natapos ang gawain sa itinakdang oras
5. Naiulat nang wasto ang gawain.
KABUUAN
Panuto: Gamit ang strips ng papel na nasa loob ng kahon.
Tukuyin kung ito ay hamon o oportunidad sa mga
pangunahing gawaing pangkabuhayan ng bansa at idikit ito
sa loob ng Venn Diagram.
Panuto: Gamit ang strips ng papel na nasa loob ng kahon. Tukuyin
kung ito ay hamon o oportunidad sa mga pangunahing gawaing
pangkabuhayan ng bansa at idikit ito sa loob ng Graphic Organizer.
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung
ito ay hamon o oportunidad sa mga pangunahing gawaing
pangkabuhayan ng bansa. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Si Mang Isko ay isang katutubong magsasaka na nakatira sa Sitio


Yakal, Barangay ng New guinlo. Problema nila ang patubig sa kanilang
palayan. Kaya lumapit siya sa kinauukulan at nabigyan sila ng
erigasyon. _________________________
2. Pangingisda sa karagatan ng Malampaya ang hanap buhay ng
pamilya ni Mang Kanor. Problemado siya dahil kakaunti na lamang
ang kanilang huling isda araw-araw. dahilan daw nito ay ang
pagkasira ng mga corals na tirahan ng mga
isda._________________________
3. Ang Department of Agriculture o DA sa munisipyo ng
Taytay ay nagkaroon ng programang makatutulong sa
pagpapaunlad ng industriya ng
pangingisda.____________________
4. Ang Provincial Capitol ng Palawan sa pangunguna ng
kanilang Gobernador na si Dennis M. Socrates ay
naghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at
linangin ang mga lupain sa kani-kanilang mga
bayan.________________________
5. Nabulok ang tuni-tuniladang tahong ni Mang Rudy Habig
dahil mayroong nasirang tulay patungo sa lungsod ng Puerto
Princesa.____________________
Tandaan:
• Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa.
Kung kaya dalawa sa pangunahing gawaing
pangkabuhayan ng bansa ay ang pagsasaka at ang
pangingisda.

• Ang mga gawaing pangkabuhayang ito ay nakararanas ng


ibat-ibang hamon tulad ng pagkasira ng mga pananim,
kalamidad, pananalasa ng El Nino Phenomenon at climate
change na dapat malagpasan at mga oportunidad na
makatulong para higit na mapaunlad ang ekonomiya ng
bansa.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan
ng () kung ito ay Oportunidad at (X) kung ito ay Hamon
sa pangkabuhayan ng agrikultura at pangingisda. Gawin
ito sa sagutang papel.
______1. Nagbigay ang gobyerno ng libreng bangka at
lambat
______2. Panahon ng Tagtuyot
______3. Malakas na bagyo
______4. Libreng seminar tungkol sa pagpaparami ng
hybrid na gulay at prutas.
______5. Kawalan ng pondo na pambili ng fertilizer sa
mga palay.
______6. Paglulunsad ng mga bagong teknolohiya ng
Department of Agriculture (DA).
______7. Paggamit ng dinamita at maliliit na lambat na
panghuli ng isda.
______8. Pagdalo sa iba’t ibang gawain tungkol sa
pagbreed ng tilapia at bangus.
______9. Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga
magsasaka.
______10. Ang mga imbestor na dayuhan ay nagbigay ng
puhunan sa mga kagamitang pandagat.
Panuto: Magtanong sa inyong magulang o
tao sa inyong komunidad tungkol sa
HAMON o SULIRANIN sa kanilang
kabuhayan at ang naging tugon nila o tulong
na naibigay sa kanila ng pamahalaan upang
sila ay matulungan

You might also like