Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Konseptong Papel

Ano ang konseptong papel?


“Simply put, a concept paper is a preliminary document that sets
out to explain what a proposed study is about, why it is being
undertaken, and how it will be carried out. It scrutinizes a concept
or idea and provides an overview of the project a researcher
wants to embark on.”

“Ito ang unang hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat.


Gabay ito sa mga hakbang na nais isagawa mula sa simula
hanggang sa katapusan ng pagsisiyasat. Nagsisilbi itong outline
o istruktura ng kabuuang pag-aaral.”
Design your paper to answer
these questions:
1. What’s the problem?
• State the problem/gap in a manner that’s concise and
demonstrates your grasp of the literature.
• If you’re proposing a research project, state the research
objective(s).

2. Who cares? (This question has both figurative and literal


meanings.)
• What is the significance of the project in terms of both advancing
knowledge and benefiting the public?
• Who/which group(s) will benefit from the research?
3. What exactly are we going to do? (How will you address
the problem?)

• Provide goals/specific aims.


• What is the study design? For problems involving data samples,
how do you know that the sample size is adequate?
• Provide a statement about your access to the population, if
applicable.
• Communicate why you are ideally suited to tackle this specific
problem and/or what is unique about your approach.
Dito nakapaloob ang mga sumusunod:
1. Paksa
Ano ang paksang nais mong gawan ng akademikong
papel?
Ang paksa ay maaaring mga suliranin o isyung
napapanahon, mga bagay na kung saan ka interesado o mga
usaping may kinalaman sa kursong kinukuha mo o mga isyung
kasalukuyang pinag-uusapan sa bansa o sa lipunan kung saan
ka kabilang.
2. Tulak o Rasyunal
Ito ay tumutukoy sa kaligiran ng suliranin. Mga
impormasyon ito na may kinalaman sa paksang nais talakayin.
Nag-umpisa ito sa mga sitwasyon sa pangkalahatan hanggang
sa partikular na lokasyon (general to specific).
Saan mo nakuha ang inspirasyon upang piliin ang
paksang iyong gustong siyasatin?
• Konsepto -- isang bagay na nakapukaw ng atensyon ng isang
mananaliksik
• Karanasang tuwiran -- personal na dahilan batay sa karanasan
ng nagsasagawa.
3. Layunin
Ano ba ang gusto mong malaman batay sa paksang napili
mo? Ano ang gusto mong mabigyang linaw? Ano ang gusto
mong mapatunayan?
• Tiyak -- ang tiyak na layunin ay may ispesipikong pakay sa
pananaliksik sa paksa.
• Pangkalahatan -- sa pangkalahatang layunin, ipinahayag nito
ang kabuuang layon, nais, gawain, nangyari o natamo sa
pananaliksik.
4. Panimulang Haka
Ito ay ang panimulang tugon sa nais tunguhin ng paksang
sinisiyasat. Base ito sa mga layuning inilatag.

5. Metodolohiya
Ito ay ang mga pamamaraan ng mananaliksik sa pagkalap
ng mga datos at impormasyon na kailangan niya upang matamo
ang kaaya-ayang resulta ng kanyang pagsasaliksik. Kasama rin
dito ang masususing pagsusuri sa mga datos na ito upang higit
itong mapapananaligan at mapagkakatiwalaan.
Ang mga katanungan sa ibaba ang
madalas tinutugunan ng bahaging ito:
• Ano ang metodo na karapat-dapat gamitin sa aking
pagsisiyasat? Deskriptibo o ekspirimental?
• Sino-sino ang aking mga tagatugon (respondents) o sino-sino
ang mga dapat kong pagkuhanan ng mga datos?
• Kailan ko dapat isagawa ang pagsisiyasat o pangangalap ng
datos?
• Ano-ano ang mga instrumentong aking kakailangan upang
makalap ang mga kinakailangang datos?
• Ano ang aking gagawin sa mga nakalap na datos? Paano nito
masasagot o matutugunan ang mga layunin ng pagsisiyasat?
Mga halimbawa ng metodolohiya:
• Sarbey
Paraan ng pagkuha ng datos kung saan ang mga mananaliksik ay
kailangan bumuo at magbigay ng mga talatanungan.
• Case Study
Detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng
sapat na panahon.
• Obserbasyon
Ito ay kinapapalooban ng obserbasyon ng mananaliksik sa
sitwasyong pinag-aaralan.
• Interbyu
Sa pamamagitan ng tuwirang pasalitang interaksyon ng
kumakapanayam at kinapanayam.
Inaasahang Bunga
Ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng isinagawang
pananaliksik. Maaaring banggitin dito ang mga idinagdag gaya
ng apendiks.
Posisyong Papel
Ano ang posisyong papel?
Ito ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang
makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga
katuwiran o ebidensya upang suportahan ang paninindigan.
Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng sumulat,
mahalagang bahagi rin nito ang posisyon o katuwiran ng
kataliwas o katunggaling panig.
Paano nakatutulong ang posisyong
papel?
Para sa may-akda: nakakatulong ito upang
mapalalim ang pagka-unawa niya sa isang tiyak na isyu.
Pagkakataon ito para sa may-akda na magtipon ng
datos, organisahin ang mga ito at bumuong isang
malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa o
usapin.
Paano nakatutulong ang posisyong
papel?
Para sa lipunan: tumutulong para maging
malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol
sa isang usaping panlipunan. Nagagawa ito dahil ang
posisyong papel ay karaniwang ibinabahagi sa publiko
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kopya o kaya’y
sa paglalathala nito sa pahayagan.
Mahalagang pagtuunan ang dalawang salitang palit-ulit
na gagamitin sa araling ito: katuwiran at paninindigan.
Mas magandang gamitin ang katuwiran kaysa sa
argumento; ang paninindigan kaysa sa posisyon.

Ang salitang katuwiran ay maaring galing sa salitang


“tuwid” na nagpapahiwatig ng pagiging tama, maayos,
may direksyon o layon.

Ang paninindigan naman ay maaaring galing sa “tindig”


na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol,
paglaban, at maaari ding pagiging tama.
Mga Mungkahing Hakbang sa
Pagsulat ng Posisyong Papel
1. Tiyakin ang Paksa
May dalawang posibleng paraan kung paano
nabubuo ang paksa ng posisyong papel. Una, puwedeng
reaksyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang
pinagtatalunan. Pangalawa, puwedeng tugon lamang ito
sa isang suliraning panlipunan.
Mga Mungkahing Hakbang sa
Pagsulat ng Posisyong Papel
2. Gumawa ng panimulang pananaliksik
Maaaring magbasa-basa ng dyaryo o magtatanong-
tanong ng opinyon sa mga taong may awtoridad sa
paksa para mapalalim ang pagkakaunawa sa usapin.
Sikaping maging bukas muna ang isip para makabuo ng
matalino at makatuwirang posisyon.
Mga Mungkahing Hakbang sa
Pagsulat ng Posisyong Papel
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa
inihanay na mga katuwiran
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng
magkabilang panig upang matimbang ang dalawang
posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga
katuwiran sa dalawang hanayan para magkaroon ng
biswal na representasyon ng mga ito.
Mga Mungkahing Hakbang sa
Pagsulat ng Posisyong Papel
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
Matapos matiyak ang sariling paninindigan sa isyu,
maaaring magsagawa ng mas malawakan at malalimang
saliksik tungkol sa usapin. Sa yugtong ito, maaaring
pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na
napiling paninindigan. Maaaring sumangguni sa mga
aklat at akademikong journal.
Mga Mungkahing Hakbang sa
Pagsulat ng Posisyong Papel
5. Bumuo ng balangkas
• Introduksyon
• Mga Katuwiran ng Kabilang Panig
• Mga Sariling Katuwiran
• Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran
• Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling
Paninindigan ang Dapat
• Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o
Mungkahing Pagkilos
Mga Mungkahing Hakbang sa
Pagsulat ng Posisyong Papel
6. Sulatin ang posisyong papel
Kung may malinaw na balangkas, madali nang
maisusulat ang posisyong papel. Kailangang buo ang
tiwala sa paninindigan at mga katuwiran. Kailangang
maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na
kapani-paniwala ang mga sinasabi sa posisyong papel.
Mga Mungkahing Hakbang sa
Pagsulat ng Posisyong Papel
7. Ibahagi ang posisyong papel.
Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito
maibabahagi sa publiko. Maaaring magparami ng kopya
at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na
mababasa ng mga tao, ipalathala sa pahayagan,
magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon,
radyo, at ipa pang daluyan.
Posisyon:
1. Dapat bang ibalik sa dati ang pagsisimula ng klase
-- mula Agosto patungong Hunyo?

2. Dapat ba na ipagbawal ang paggamit ng plastik sa


lahat ng tindahan sa buong bansa?

3. Dapat bang ipagpatuloy ang pagkakaroon ng Night


Market sa Dumingag?

4. Dapat ba na ibalik ang parusang kamatayan?


Usapin:
Mga Katuwiran sa Panig 1 Mga Katuwiran sa Panig 2

Posisyon mo sa Usapin:

Batayan ng iyong Posisyon:

You might also like