Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

MAGANDANG

BUHAY!
SEMANTIKA
GURO: G. ZALDY R. FERNANDEZ
SEMANTIKA
• Ito ay tawag sa agham ng lingguwistika na tuon sa
pagpapaliwanag ng mga kahulugan ng mga salita
kasama na ang mga ekspresyon.

• Kung ano at paano inuunawa ang mga salita sa


pagpapahayag pasulat man o pasalita ay nauugnay
ang semantika.
• Layunin ng SEMANTIKA na matukoy at masuri ang
kahulugan ng mga salita na bumubuo sa isang
pahayag o pangungusap ay makilatis sa mas maliliit
na mga yunit ang pahayag at ito ay tinatawag na
SEMAS o SEMANTIKO.
• Sa kabilang dako, ang tinatawag na lingguwistikong
semantika ay nagpapaliwanag ukol sa
DENOTASYON AT KONOTASYON ng mga salita.

DENOTASYON
- Ito ay tumutukoy sa mga salitang nabibigyan
ng kahulugan ayon sa likas nitong kahulugan.
KONOTATIBO
- Mga salitang nabibigyan ng ibang kahulugan sa
loob ng isang pahayag o pangungusap.
- Ito ay sanhi ng personal na pagtatasa sa
pamamagitan ng mga pamaraan ng pagsasabi, kilos,
ekspresyon at maging intonasyon.
• Kaugnay ng denotasyon at konotasyon sa pagbibigay
ng kahulugan ng mga salita, maaari pa itong
maipaliwanag sa pamamagitan ng tatlong paraan:

1. magkatulad na kahulugan (synonymy)


2. magkasalungat na kahulugan (antonymy)
3. pagkakaroon ng maraming kahulugan
(homonymy)
SYNONYMY
• Ito ay nangyayari kapag natutukoy ang iba pang
kahulugan ng mga salita at ang kabuluhan nito sa
pahayag.

Halimbawa:
pag-asam Pagkahulog
pagnais Pagbaba
pagkagusto
• Ang mga nabanggit na salita ay may kahulugang
magkakatulad ngunit maaaring gamiting tangi sa iba
pang usapin o pangungusap.
ANTONYMY
• Kabaligtarang kahulugan ng mga salita.

Halimbawa:
dumating at lumisan
tinanggap at itinaboy
mainit at malamig
HOMONYMY
• Tumutukoy sa pagkakapareho ng mga kahulugan,
nagunit magkakatulad ng pagsulat.

• Halimbawa: sa salitang buko


- “node”
- “young coconut”
- “got caught”
ETIMOLOHIYA
SEMANTIKA
- hango sa English na “semantics” na nagmula naman
Griyego na “semantikos”.
- ito ay nangangahulugang isang bagay na may
kaugnayan o makabuluhang kahulugan, makabuluhan o may
katuturan.
- Samakatuwid, ang “ semantika” ay ang pag-aaral
hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga o wika.
TANDAAN:

“Kaugnay ng SEMANTIKA ang


MORPOLOHIYA”.
SEMANTIKA SA
LINGGUWISTIKA
• Mayroong dalawang pagitan ng form ng expression
ng isang salita at mga nilalaman na ipinapakita nito:
(1) ang paraan ng pag-aaral ng nilalaman mula
sa form
(2) ang paraan ng pag-aaral ng form mula sa
nilalaman.
Halimbawa:

Leksikal na semantika : Nakapaloob ang kahulugan ng


isang salita sa pangungusap.

- “Kaaarawan ng aking ama bukas ngunit


kahapon namin iponagdiwang ang araw ng kaniyang
kapanganakan.”
Leksikal na aytem
- Maaaring dalawa o tatlong makakaibang salita,
maaaring may iba’t ibang anyo at maaari ring dalawang
hiwalay na aytem ang leksikal na aytem.

Halimbawa: Tatlong makakaibang salita:


(1) Sarado ang pinto
(2) Sarado ang isip
(3) Sarado ang puso
Dalawang magkaibang salita:
(1) Maginhawa ang pakiramdam
(2) Maginhawa ang pamumuhay
KONOTATIBO
• Tinatawag itong “implied” o “suggested meaning” na
kaiba sa tunay na kahulugan. Halimbawa ang
paggamit ng mga salitang baboy, ahas o kaya tuta sa
isang tao ay may dalang ibang kahulugan maliban sa
tunay na kahulugan nitong pig, snake o puppy.
Halimbawa:
(1) Mahirap makisama sa isang ahas na kaibigan.
(2) Malaki ang ipinagbago niya dahil tuta siya ng
kilalang politiko.

Mapapansin na ginamit ang mga salitang “ahas” at “tuta”


sa paglalarawan ng isang tao bilang konotatibong kahulugan ng
isang taong taksil (ahas) at isang taong palasunod (tuta).
DENOTATIBO
• Ito ang literal na kahulugan ng mga salita.
• Tinatawag itong “ dictionary meaning” na ang ibig sabihin ay
tahas, aktuwal, tiyak at tuwirang kahulugan.
• Ang etimolohiya, ang bahagi ng pananalita, ang sinonim at
antonim ng salita, at ang kahulugan ng salita na ipinaliliwanag
ng diksyunaryo.
Halimbawa:
a. Ang kamandag ng ahas ay nakamamatay sa loob
lamang ng sampung minuto.
b. Ang paborito kong tuta ay talagang nakakatuwa.

Bagamat ang lahat ng mga salita ay dapat ding


maunawaan na may mga kahulugan ding nakapaloob batay sa
panahon at kinabibilangan nito.
TANDAAN:
Una: Ang isang mensahe ay maisasapanahon kung
babanggitin kung kailan ito totoo o nangyari.

Pangalawa: Ang di-pagsasapanahon ng mensahe ay


maaaring magbunga ng di-tamang pakahulugan o interpretasyon
sa mensaheng inihatid. (Badayos, et al., 2007).
DI-ISINAPANAHON
(1) Ang LAMUT PARK ay paboritong pasyalan
ng mga tao sa lungsod ng Ifugao.

ISINAPANAHON
(1) Nasa LAMUT PARK, lungsod ng Ifugao
kami isang taon na ang nakaraan at totoong maraming
taong namamasyal doon.
DI-ISINAPANAHON
(2) Tunay na nakawiwiling makinig sa mga
lektyur ni Dr. Fernandez.

ISINAPANAHON
(2) Totoong nakawiwiling makinig sa mga
lektyur ni Dr. Fernandez. Napatunayan ko ito sa klase
namin sa Lingguwistika nitong nakaraang semestre.
KATIYAKAN AT
PRESISYON SA PAGGAMIT
NG WIKA
• Ayon sa aklat ni Badayos, et. al. (2007), napalilinaw
ng ginagamit na mga salita ang kahulugan ng isang
kaisipan sa pamamagitan ng pagpopokus ng pag-
unawa dito mula sa panlahat na kategorya tungo sa
isang partikular na pangkat.
Halimbawa:
Kapag sinabi ni Jonathan na si Kyle ay
isang “manggagawa” maaaring iba’t ibang klase
ng manggagawa ang agad na pumasok sa ating
isipan.
Ngunit kung sasabihin niyang si Kyle ay
“manggagawa sa konstruksiyon” tiyak na tayo
sa hanapbuhay ni Kyle.

Lalong higit na malinaw ang pag-unawa


sa mensahe kung titiyakin ni Jonathan na si
Kyle ay isang “welder” sa isang konstruksiyon.
Maaaring maipakita ang presisyon ng ganito:

- sining
- sayaw
-katutubong sayaw
- sayaw sa kabukiran
-Tinikling
PORMALIDAD SA
PAGSASALITA
• Ayon sa aklat ni Badyos, et. al. (2007), ang
pormalidad sa pagsasalita ay kailangang nakabatay sa
sitwasyon o konteksto ng usapan.
• Sa isang interpersonal na usapan, karaniwan nang
gumagamit tayo ng impormal na mga salita lalo na
kung ang kausap natin ay matalik na kaibigan at
pormal na mga salita kung ang magulang ang ating
kausap.
MGA SALITANG
MAYAMAN SA PAHIWATIG
• Ang ating KULTURA ng Komunikasyon ay umiinog sa
daigdig ng paghihiwatigan.

• Ang PAHIWATIG ay isang katutubong pamamaraan ng


pagpapahayag na di-tuwirang ipinaabot ngunit nababatid at
nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at
matunog na pagbabasa ng mga himaton. (berbal at di-berbal na
palatandaang kaakibat nito)
• Isa itong mensaheng mataas ang
pagkaalanganin, ang di-pagkatiyak ng
kahulugan (Badayos, 2008).
• Ilang kaugnay na salita ng pagpapahiwatig:

1. Mga salitang nagsasaad ng sinadyang palihis


na pagpuntirya.
- Pahaging
- Padaplis
2. Mga salitang ang pinag-uukulan ng mensahe ay
hindi ang kaharap na kausap kundi ang nakikinig.
- Parinig
- Pasaring

3. Mga salitang humihikayat ng pansin sa pamamagitan


ng pandama.
- Paramdam
- Papansin
4. Mga salitang nagpapahayag na waring nasasaling o
di kaya’y nagpapahiwatig ng isang bagay na ayaw o
kinayayamutan.
- Sagasaan
- Paandaran
POLISEMI AT
HOMOPHONE
• Ang POLISEMI ay mga salita na may dalawa o higit
pang kahulugan na magkaugnay (Pagkalinawan, et
al., 2004).

• Mayroong Limang (5) na halimbawa:


•1. tubo
a. usbong (may mga bagong tubo na ang mga
halaman.)
b. profit o ganansiya (malaki ang tubo o
ganansiya niya sa pagtitinda ng mga isda at gulay.)
c. taga (dumating na ang mga taga Ifugao.)
d. sugarcane (isang uri ng halaman.)
•2. mahal
a. paggiliw, pag-ibig (Sino ba ang mahal mo?)
b. expensive (Mahal ang sibuyas sa Ifugao.)
•3. labi
a. tira (Pagkaing tira ang ibinibigay ni
Sammy sa mga batang pulubi.)
b. labi (remain) (Inuwi sa probinsiya ang
labi ng sundalong nasawi.)
•4. mura
a. hilaw o bubot (Huwag munang pitasin ang
mangga dahil bubot pa ito.)
b. musmos (Mura pa ang isipan ni Sabel.)
c. pusyaw (Murang asul ang damit ni Liza.)
•5. linang/maliwanag
a. bukid/bukiran (Galing ang mag-ama
sa kanilang linang.)
b. mapabuti/ masanay (Magbasa lagi
upang malinang ang iyong kaalaman.)
HOMOPHONE
• Ito ay mga salitang pareho ang tunog o anyo, subalit magkaiba
ang kahulugan (Pagkalinawan, et al., 2004).

Halimbawa:

1. Lobo
- ballon (Umiyak ang bata dahil pumutok ang kaniyang
lobo.)
- wolf (Mabangis na hayop ang lobo.)
• 2. talon
- waterfalls (Matatagpuan sa lungsod Iligan ang
talon ng Maria Cristina.)
- jump (Tumalon siya mula sa ikaanim na
palapag ng kanilang gusali.)
• 3. masa
- dough (Ihanda mo na ang masa ng
tinapay.)
- people / mass (Malakas ang puwersa ng
masang Pilipino.)
• 4. dama
- abay (Magaganda ang mga dama ng
prinsesa.)
- laro ng checker (Marunong ka bang
maglaro n g dama?)
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like