Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Fil 12:

INTRODUKSYON SA PAGSASALIN
Kasaysayan ng Pagsasalin sa Pilipinas
Unang Yugto
• Panahon ng Kastila
• Nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin sa Pilipinas noong
Panahon ng Kastila.
• Binigyang-diin sa yugtong ito ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
kung saan nabibigyang-tuon ang pangangailangang panrelihiyon ng
mga akdang Tagalog at iba pang mga katutubong akdang
makarelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng paglalaganap
ng Iglesia Catolica Romana.
Ikalawang Yugto
• - Panahon ng mga Amerikano
• Nagtuluy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga
piyesang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila,
kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang
pambansa ng mga nasusulat sa Ingles.
• Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal sa
mga teatro na siyang pinakapopular na libangan ng
mga tao sapagkat wala pa noong sinehan o
telebisyon.
Ikalawang Yugto
• Panahon ng mga Amerikano
• Mapapansin din ang dami ng mga salin
sa iba’t ibang genre ng panitikan
sapagkat sa Panahon ng Amerikano
nagsimulang makapasok sa Pilipinas
nang maramihan ang mga iyon mula sa
Kanluran.
Ikalawang Yugto
• - Panahon ng mga Amerikano
• Nang pumalit ang Amerika sa España bilang mananakop
ng Pilipinas, nagbago na rin ang papel na ginagampanan
ng pagsasaling-wika. Kung ang pangunahing paraang
ginamit noong panahon ng kastila ay krus o relihiyon at
espada para masakop ang Pilipinas; edukasiyon naman
ang kinasangkapan ng mga Amerikano. Ang mga Pilipino
ay napilitang pag-aralan ang pagsasalita at pagsulat sa
Ingles.
Ikatlong Yugto
• Patakarang Bilingual
• Sa ikatlong yugto ng kasiglahan ay nakadiin sa
pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang
pampagtuturong nakasulat sa Ingles.
• Ang mga kagamitang pampaaralan ay tumutukoy
sa mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at
iba pa.
Ikatlong Yugto
• Patakarang Bilingual
• Ito ay nakaangkla sa Patakarang Bilinggwal sa ating
sistema ng Edukasyon Department Order No.
52.series of 198, na nagsasaad na “Ang
Pambansang Wika sa bansa ay Filipino at kailangan
itong pagyamanin at pagyabungin batay sa mga
umiiral na mga wika sa bansa at iba pang wika”.
Ikatlong Yugto
• Patakarang Bilingual
• Higit na marami ang mga kursong ituturo sa
Filipino kaysa Ingles, nangangahulugan na
lalong pasiglahin ang pagsasalin sa Filipino ng
mga kagamitang pampagtuturong nakasulat sa
Ingles.
Ikaapat na Yugto
• - Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikan Di-Tagalog
• Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong panitikang di –Tagalog.
• Kailangang-kailangang isagawa ang ganito kung talagang hangad
nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na “pambansa.”
Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na
isinagawa ng LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng
SLATE (Secondary Language Teacher Education ng DECS at PNU noong
1987 sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation.
• Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at
Pagsasalin.
Partisipasyon:

Ano-ano ang pitong (7)


pangunahing wikain ng ating
bansa?
• Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang
komperensya ang kinikilalang mga pangunahing
manunulat at iskolar sa pitong pangunahing
wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon,
Bicol, Samar-Leyte, Pampango, Pangasinan.
Pinagdala sila ng mga piling materyales na
nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang
magamit sa ikalawang bahagi ng proyekto.
• Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang
linggong workshop-seminar na nilahukan ng mga
piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga
edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong
bernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga
pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature,
Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na
wikain ng bansa.
• Sa kabuuan, kapansin-pansin ang naging
makabuluhang pagkakahabi ng kasaysayan ng
pagsasalin sa buong mundo hanggang umabot ito
maging sa Pilipinas. Maraming magandang dulot
ito ngunit patuloy pa ring kumakaharap sa
maraming suliranin.
GAWAIN1:
• Gumawa ng AKROSTIK ng PAGSASALIN na naglalaman ng kahulugan,
katangian at pagpapahalaga sa mga natutunan.
Pamantayan:
Nilalaman -10
(Kaayusan ng paglalahad gamit ang mga detalye o impormasyon)

Kalinisan at Kalinawan -5
Kabuuang impak - 5_
Kabuuan: 20

You might also like