Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Introduksyon sa Linggwistika:

Kahulugan ng Sosyolinggwistika at
ang Pagkakaiba- iba ng Pagpapahayag

Rodel C. Gauuan
“May malaking impluwensiya ang
lipunan sa paghahatid ng ating mga
mensahe at damdamin. Ang wika ang
isa sa mga naaapektuhan ng lipunan
sa kalagayang ito.”
Sosyolinggwistika
Mula sa dalawang salitang pinagtambal nang
ganap na “sosyo” na ang ibig sabihin ay
lipunan o sosyodad at “linggwistika” na
nangangahulugan namang maagham na pag-
aaral ng wika.

Pag- aaral sa relasyon ng wika at lipunan. Ito ay


nagpapaliwanag sa pakikipag- usap o paggamit
ng tao ng wika sa iba’t ibang kontekstong
panlipunan. Tinutukoy nito ang gamit at
paggamit ng wika sa lipunan at ang mga
paraan kung paanong ang mga pahayag ay
maaaring mabigyang kahulugan o maunawaan.
“Sociolinguistics is the descriptive study of
the effect of any and all aspects of,
including cultural, expectations, and
context, on the way it is used, and the
effects of language use on society”.

“…The focus of sociolinguistics is the effect


of the society on the language, (…)”

“It also studies how language varieties


differ between groups separated by certain
social variables, e.g., ethnicity, religion,
status, gender, level of education, age,
etc (...)”.
(http://en.wikipedia.org/wiki/
Sociolinguistics).
Sociolinguistic investigation – language study within social
context (Trudgill)

“The aim of sociolinguistic investigation is to


achieve a further progress in the knowledge of
nature and the operation of human language by the
study of language in its social context. Besides, all
Sociolinguistics is language and society but,
however, not all language and society are
Sociolinguistics” (Trudgill, 2000).

Interdisciplinary science (Campoy & Almeida)

“Sociolinguistics is an interdisciplinary science


which is concerned with relationships between
language and society”, (Campoy & Almeida, 2005).
Teksto 1: Usapang Mag- ina

Ray: Hi, Mum!


Mum: Hi, You’re late.
Ray: Yeah, that bastard shootbucket kept us in again.
Mum: Nana’s here.
Ray: Oh, sorry. Where is she?

Salin

Ray: Hi, ‘nay!


Nanay: Hi, late ka na naman.
Ray: Yup! Ang impaktang ‘yun, matagal na namang
nag- dismiss!
Nanay: Narito ang Lola mo.
Ray: *Ha? Sorry po. Nasaan po si Lola?
*Po? Nasaan po siya?
Kaisipang sosyolinggwistika:

Ang pagsasalita natin ay


naiimpluwensyahan ng mga kundisyong
sosyal o kontekstong sosyal. Ang mga
salik sosyal na ito tulad ng kung sino ang
nakikinig at kung saan nagsasalita ay
lubhang nakaaapekto sa paggamit natin
ng mga salita sapagkat iniisip natin na
maaari nating masaktan ang damdamin
ng ibang tao.
Teksto 2: Usapan nina Ray sa Opisina ng Punongguro

Ray: Good afternoon, Sir!


Principal: What are you doing here at this time?
Ray: Mr. Stone kept us in, Sir.

Salin:
Ray: Magandang hapon po, Sir!
P. Guro: Anong ginagawa mo dito sa
ganitong oras?
Ray: Hindi pa kami pinauuwi ni
Ginoong Batongbakal Sir.
Kaisipang sosyolinggwistika:

Ang sosyolinggwistika ay
nakatuon din sa relasyon ng wika sa
konteksto tulad ng lugar ng pinag-
uusapan, at kung sino ang kinakausap.
Sa ating pakikipag- usap, gumagamit
tayo ng mga salitang iba- iba ngunit
iisa lamang ang nais ipahiwatig. Iba’t
ibang paraan ng paggamit ng mga
salita sa iba’t ibang kontekstong
sosyal.
Ano- ano ang mga salita sa Teksto 1 at Teksto 2 ang
nagpapahiwatig ng mahusay o di- mahusay na pakikipag- usap ni
Ray? Ano ang ipinahihiwatig nito sa konteksto ng
sosyolinggwistika?

Hi Ginamit ito ni Ray sa impormal na


pakikipag- usap sa kanyang ina.

Good Ginamit ni Ray sa pormal na pakikipag-


afternoon usap sa punongguro.

Bastard at Ginamit ni Ray upang ipakita ang


sootbucket kanyang pagkadismaya sa kanyang guro.
Kaisipang sosyolinggwistika:

Pinipili nang maayos ang mga


salitang ginagamit ayon sa mga tao na
kinakausap natin. Ang pagpili ng
angkop na salita ay nagpapahiwatig ng
relasyon sa ibang tao. Ang mga
salitang ginagamit ay ayon sa kung
gaano natin kakilala ang isang tao.
Paggamit ng iba- ibang salita sa usapan na may
magkakatulad na kahulugan

Teksto 3: Ang sitwasyon ng usapan ni Margaret Walker


sa kanyang trabaho at sa bahay

Every afternoon my friend packs her


bag and leaves her Cardiff office at about 5 o’
clock. As she leaves, her business partner
says Goodbye Margaret, (she replies goodbye
Mark.) her secretary says Goodbye Ms
Walker (she replies goodbye Jill) and the
caretaker says Bye Mrs. Walker, (she replies
Goodbye Andy). As she arrives home, she is
greeted by Hi Mum, from her son Jamie, and
Hello dear, have a good day? From her
mother and simply you’re late again! from her
husband.
Nagagamit ang wika sa usapan upang ipahayag sa iba- ibang
paraan ang iisang kahulugan nito. Ang ganitong paraan ng
paggamit ay matutunghayan sa pagtawag ng isang tao,
pagbati, paglalarawan ng mga bagay- bagay at
pagpapasalamat. Sa Teksto 3, ginamit ang mga sumusunod
na salita upang tukuyin si Margaret Walker:

Margaret Business Informal,


partner
Ms Walker Secretary Very formal

Mrs. Walker Caretaker Formal, dignified

Mum Son Informal,

Dear Mother Informal, affectionate

You Husband Informal, not so


affectionate
Sa sosyolinggwistika, ang pagkakaiba- iba ng paggamit ng mga salita
upang tukuyin ang iisang kahulugan ay nagbibigay ng impormasyon
sa konteksto ng lipunan o lugar na kinabibilangan o kaya ng
relasyon ng mga sangkot sa pag- uusap.

Name Speaker When


Robert Grandparents Home
Teachers Letters
Doctor School
Mother Surgery, hospital
Parents (when annoyed)

Robie Mother Most of the time


Father
Bob Mother When feeling affectionate
Rob Friends Most of the time
Brothers
Sisters
Robert Harris Parents When parents are annoyed
Mr. Harris Strangers Letters, shops
Domingo Kakilalang di gaaanong malapit sa kanya

Domeng Kakilalang malapit sa kanya

Domz, Kakilalang malapit na malapit sa kanya


Domzky
Inggo Tawag sa kanya sa bahay, pinsan, kapatid,
magulang
‘Robin’ Bansag, ng mga nakakikilala sa kanya na hindi
niya alam
Kuya Sa nakababatang kapatid niya

Sir Sa paaralan, trabaho


Mr. dela Cruz
Sir dela Cruz

Pastor Dahil sa paraan ng kanyang mabagal na


pagsalita
Kaisipang sosyolinggwistika:

Sa kultura nating mga Filipino, kaugnay ng


sosyolinggwistika, ang paggamit ng
salita upang tukuyin ang isang tao ay
naaapektuhan sa kultural na kalagayang
panlipunan, pagkakakilala sa isang tao,
ugaliin ng isang tao at gawi at ayon sa
mga layunin sa nais nating ipahiwatig.
Iba’t ibang paraan ng pagsasabi ng kaisipan
• Teksto 4: Usapan ng malapit na magkakilala

Sam: You seen our ‘enry’s new


‘ouse yet? It’s in ‘alton you
know.

Jim: I have indeed. I could hardly


miss it Sam. Your Henry now
owns the biggest house in
Halton.
Sa konteksto ng sosyolinggwitikang Filipino:

ba‘ay, ‘alimaw, Kapampangan, kusang pumipilantik ang dila


‘aligi na walang ‘h’ bagamat sa pagsulat ay kasama
ang ponemang ‘h’
ahao /aw/ Gaddang, kusang hindi binibigkas ang ‘h’

wæn, win, wîn, wēn Ilocano, baryasyon ng ‘oo’, ‘damit’, at


kawæs, badu, luput ‘dumi’ sa iba’t ibang kontekstong
rugit, wara etnolinggwistiko

nakain, kinain, Tagalog, baryasyon ng ‘oo’ sa iba’t ibang


kumain kontekstong etnolinggwistiko
Kaisipang sosyolinggwistika:
Ang pagbigkas ng mga salita ay isa sa mga karaniwang pinagtutuunan ng pansin ng sosyolinggwistika sapagkat mabilis

Kaisipang sosyolinggwistika:

Ang pagbigkas ng mga salita ay isa


sa mga karaniwang pinagtutuunan ng
pansin ng sosyolinggwistika sapagkat
mabilis nitong naipakikilala ang
impormasyong sosyal (tulad ng
kinabibilangang lugar o pangkat etniko).
May baryasyon sa pagbigkas ang bawat
pangkat ng tagapagsalita.
Teksto 5: Katangian ng mga salitang
panlinggwistika / sosyolinggwistika

(a) Refuse should be deposited in the


receptacle provided.
(b) Put your rubbish in the bin.

(c) Please tender exact fare and state


destination.
(d) Give me the right money and tell me
where you’re going.
Sa mga pangungusap, kapansin- pansin ang
katangiang panlinggwistika na ginamit upang
ipahiwatig ang magkakatulad na kaisipan:

refuse – rubbish
receptacle – bin
put – deposited
tender – give
exact fare – right money
Dalawang mahahalagang katangiang
panlinggwistika ang makikita sa
mga salitang nabanggit:

1. Angkop na pagpili ng mga salita


(vocabulary choices)
2. Sintaks (Syntax)
Teksto 6: Baryasyon ng wika sa Pilipinas
kaugnay ng usaping sosyolinggwistika
Ang Pilipinas ay isang bansang may maraming dayalekto. Ang mga
kapuluan nito mula Luzon, Visayas at Mindanao ay ay may mga
etnikong wika na ginagamit na tangi sa mga katutubong
tagapagsalita nito. Ang Pilipinas ay may pambansang wika at
tinawag itong Filipino. Ang Filipino ay batay sa wikang Tagalog
na siyang pinakamalawak na gamitin sa buong bansa maliban sa
ito ay itinadhana sa konstitusyon. Ito ay may baryasyon sa
Bataan, Maynila, Bulacan, Nueva Ecija, Rizal at sa iba pang
bahagi ng Visayas. Ang Tagalog ay katulad pa ng iba pang
etnikong wika sa bansa na may baryasyon. Sa Luzon naman ay
may wikang Ifugao na may baryasyong Tuwali, Ayangan at
Kankanai samantalang sa Rehiyon naman ng ilocos ay may
Ilocano na may iba- iba ring baryasyon.
Kaisipang sosyolinggwistika:

Ang baryasyon ay usaping sosyolinggwistika na tumutukoy sa


wika ayon sa konteksto ng gumagamit nito. Ang baryasyon ay
nangyayari dahil sa iba’t ibang salik panlipunan. Ang
baryasyon samakatwid ay tumutukoy sa iba’t ibang paraan ng
pagsasalita (linguistic styles), diin (accents), dayalekto
(dialects), at iba pang mga wikain na may kaugnayan o kaya ay
pagkakatulad sa pagbigkas sanhi ng sosyal na kalagayan.

Ayon kay Liwanag (2012) Ang baryasyon ng wika ay ang


pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa
partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na
makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon o
varayti ng wika. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na
ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay
nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.
Ang Salik Panlipunan sa linggwistika
(Linguistics social
factors)
Dimensyong sosyal sa linggwistika
(Linguistics social dimensions)

(a) Kaugnayan ng tagapagsalita sa kausap (Social distance


scale), nagbibigay diin sa kung gaano kakilala o kalapit
(relationship) ang kausap. Halimbawa ay ang paggamit ni
Ray ng sir, sootbucket, mum at ang paggamit ng Ms
Walker, Margaret at dear.


• Intimate Distant

High Solidarity Low solidarity


(b) Relasyon ng tagapagsalita sa kausap (status scale),
kung sino ang kausap: kapatid, magulang, katrabaho at
iba pa. Tumutukoy sa kung anong antas ng lipunan
kabilang ang mga nag- uusap. Halimbawa ay ang
paggamit ng Sir ni Ray nang kausap ang punongguro ay
nangangahulugang mas mataas ang kinabibilangang
antas ng lipunan ang punongguro kaysa kay Ray.

Superior High Status

Subordinate Low status


(c) Katangian ng lugar na pinag- uusapan
(formality scale), kung ano ang kalagayan ng
lugar sa na pinangyayarihan ng usapan:
maingay, tahimik, walang tao, maraming tao at
iba pa. maaari ring tumukoy sa mismong lugar
tulad ng simbahan, bahay, opisina, kalsada at
iba pa.

Formal High Formality

Informal Low Formality


(d) Paksa at layunin ng usapan (functional scale),
kung tungkol saan ang usapan at ang tunguhin
nito. Referencial kung tiyak na tumutukoy sa
mga impormasyon sa usapan, at Affective kung
tumutukoy sa paghahatid ng damdamin sa
kausap.
Referrential
High Low
information information
content content
• Affective
High Low
affective affective
content content
Sa kabuuan, ang sosyolinggwistika ay naglalayon na
talakayin at ilarawan ang mga baryasyon ng wika at
dito’y sinisikap maipaliwanag kung bakit nangyayari
ang mga baryasyong ito.

Ang mga hakbang upang maipaliwanag ang mga ito


ay ang mga sumusunod:
(a) Maliwanag na pagtukoy sa mga kasangkot na
baryasyong panlinggwistika (tunog, bokabularyo,
gramatika, dayalektong sangkot, at iba pang mga
wika)
(b) Matukoy nang mahusay at wasto ang iba’t ibang
salik panlipunan na maaaring ginagamit ng
tagapagsalita at kung bakit niya ito nagagamit
(kalagayan, lugar, sitwasyon at mga sangkot na
kausap)

You might also like