Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Kaunlaran ng Wikang

Pambansa ng Pilipinas
Noong:
1937
1940
1954
ANO NGA BA ANG WIKANG
PAMBANSA NG PILIPINAS?

????????????
Wikang Pambansa ng Pilipinas
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Noong 1987, sa
bisa ng Saligang Batas ng 1987, itinakda na ang wikang Filipino ang
opisyal na wikang pambansa ng bansa. Ito ay batay sa Tagalog, ang
dating opisyal na wika. Ang pagpapalit sa katawagang "Pilipino" bilang
tawag sa wikang pambansa ay naglalayong ipakita na ito ay isang
wikang pambansa na binubuo ng iba't ibang wika mula sa iba't ibang
rehiyon sa Pilipinas. Ang pagtukoy sa wikang ito bilang "Filipino" ay
naglalarawan ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakakilanlan ng
sambayanang Pilipino.
Mga naganap noong 1937
Sa kasaysayan ng Wikang Pambansa
Ng Pilipinas
1937
Noong 1937, si Manuel L. Quezon ay nagsilbing Pangulo ng
Commonwealth ng Pilipinas. Siya ay naging pangunahing tagapagtatag
ng wikang pambansa at may malaking bahagi sa pagtataguyod ng wikang
Filipino bilang wika ng bansa. Noong Enero 12, 1937 ay hinirang ng
Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng
Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas
Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333

Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:


Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo
Cecilio Lopez (Tagalog) - Kalihim at Punong Tagapagpaganap
1937
Mga Kagawad :
Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Kagawad
Filemon Sotto - (Visayang Cebu) - Kagawad
Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) - Kagawad
Casamiro F. Perfecto (Bikol) - Kagawad
Hadji Butu (Muslim) - Kagawad
Lope k. Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad ( Visayang Cebu)
1937
Nobyembre 09, 1937
Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas
Komonwere Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay
ng isang resolusyon na roo'y ipinahahayag na ang Tagalog ang "siyang
halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt
Blg. 184", kaya't itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
1937
Disyembre 30, 1937
nilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.

Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito'y


nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita'y hindi
magiging mahirap ang Tagalog sa mga di- Tagalog dahil kahawig ito ng
lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:
1937
59.6% sa Kapampangan
31.3% sa Ilokano
48.2% sa Cebuano
46.6% sa Hiligaynon
49.5% sa Bikol

9 to 10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas,


baybay at kahulugan sa pangunahing wika natin
Mga naganap noong 1940
1940
Noong Abril 1, 1940
Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos
nito ang:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat
sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga
Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
1940
Hunyo 7, 1940
Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang
opisyal na ang pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940.

Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi Napagtuunan ng


panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa
mailuklok bilang pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay.
Mga naganap noong 1954
1954
Marso 26, 1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula
sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng
Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng
pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
THANK YOU!
All Rights Reserved @2023 Group 1
Kerby, Leanne, Rhian Mae Tarnate, Princess Ruwela, Yvonne
Sunshine, jibreel, Patric

You might also like