Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

ANO BA ANG

BALAGTASAN
?
ALIN ANG NAKAHIHIGIT
SA DALAWA: DUNONG O
SALAPI?
Isang Balagtasan
Mahalagang Tanong
Paano dapat gamitin ang mga
kaloob ng Maykapal- ito man
ay karunungan o materyal na
kayamanan?
SIMULAN NATIN
“LIFE IS NOT A SERIES OF CHANCES
BUT A SERIES OF CHOICES.”
Ito ay isang katotohanang dapat maunawaan
ng bawat isang tao. Ang ating pipiliing
desisyon sa kasalukuyan ang siyang
maghahatid sa atin sa uri ng buhay sa
hinaharap.
SIMULAN NATIN
Bilang panimulang gawain, ilahad ang iyong
mga dahilan sa mga gagawin mong pagpili sa
sumusunod na sitwasyon.
BALAGTASAN
Ay isang uri ng patulang
pagtatalo sa pagitan ng
dalawang magkaibang panig
tungkol sa isang paksa.
BALAGTASAN
Karaniwan itong ginaganap sa
ibabaw ng tanghalan. Ang mga
makata o mambibigkas na
nagsisiganap ay nagtatagisan ng
mga katwiran sa matulain at
masining na pamamaraan.
BALAGTASAN
Tinawag na Balagtasan ang unang
patulang pagtatalo na ginanap sa
bulwagan ng INSTITUTO DE
MUJERES noong Abril 6, 1924
bilang parangal kay Francisco
Balagtas na siyang kinikilalang
“Ama ng Panulaang Tagalog.”
Ang balagtasan, tulad ng
ilang akdang pampanitikan ay
nagtataglay ng mahahalagang
elemento. Ang bawat isa sa mga
elementong ito’y nararapat
malinang nang husto sa kabuoan
ng akda upang higit itong
mapahalagahan ng mga
mambabasa o manonood.
Mga Elemento
ng Balagtasan
Ang mga elemento ng balagtasan
ay ang mga sumusunod:
1. Tauhan
2. Pinagkaugalian
3. Paksa/Isyung pagtatalunan
4.Mensahe/Mahalagang kaisipan
A. Mga Tauhan ng Balagtasan
1. LAKANDIWA
/LAKAMBINI
Ito ang namamagitan sa
dalawang panig na nagtatagisan
ng mga katwiran sa matulain at
masining na pamamaraan.
2. MAMBABALAGTAS
Mga makata o
mambabalagtas ang tawag sa
panig na nagtatalo sa balagtasan
kung saan ang isa ay sang-ayon
at ang isa naman ay sa panig ng
di sang-ayon sa paksang
pinagtatalunan.
MGA KATANGIANG DAPAT
TAGLAYIN NG ISANG
MAMBABALAGTAS
1. Marunong at
sana'y tumindig sa
harap ng madla
2. May magandang
kaasalan sa pakikipagtalo,
hindi pikon.
3. May pagsasaalang-alang
at pitagan sa kanyang
katalo, sa lakandiwa at sa
mga nakikinig.
3. MGA MANONOOD
Ang mga tagapakinig na
minsa'y sila ring nagbibigay
ng hatol sa mga narinig na
paglalahad ng mga katwiran
ng magkabilang panig.
B. PINAGKAUGALIAN
Gaya rin ng ibang tula,
taglay rin ng balagtasan ang
mga katangian ng tulang
Pilipino: tugma, sukat at
indayog.
TUGMA - ang tawag sa
pag-iisang tunog ng
mga huling pantig sa
huling salita ng bawat
taludtod ng balagtasan.
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng
dalampasigan.
SUKAT - ang
tawag sa bilang ng
pantig sa bawat
taludtod.
Pantig- paraan ng
pagbasa.
Halimbawa:
Pag-i-big- 3 pantig
Pag-ka-in- 3 pantig
Inaabangan ko doon sa Kanluran, (12)
Ang huling silahis ng katag-arawan, (12)
Iginuguhit ko ang iyong pangalan, (12)
Sa pinong buhangin ng dalampasigan. (12)
INDAYOG - ang sining
ng pagbigkas na siyang
nagbibigay-kariktan sa
balagtasan na siyang
umaakit sa mga
tagapakinig.
C. PAKSANG
PAGTATALUNAN
Ito ang pinakatema o
isyung pagtatalunan ng mga
mambabalagtas. Kalimitang
ito ay mga napapanahong
isyung nagdudulot ng
malalaking katanungan sa
mga mamamayan.
Ang kalimitang paksain o
isyung pinagtatalunan sa
balagtasan ay mga paksang may
kinalaman sa politika,
ekonomiya, kultura, pag-ibig,
kalikasan, lipunan, edukasyon
at maging karaniwang bagay.
PAKSANG MAY
KINALAMAN SA
POLITIKA
"Sino ba ang Higit na
Nakatutulong sa Pag-unlad
ng Bansa - Mamamayan o
Pamahalaan?"
PAKSANG MAY
KINALAMAN SA
KULTURA
"Dapat ba o Di- Dapat Uliranin
ang mga Katangiang Pilipino?"
PAKSANG MAY
KINALAMAN SA
EKONOMIYA/KULTURA
"Dapat Ba o Hindi Dapat
Magtrabaho sa Ibang Bansa ang
mga Kababaihan?"
D. MENSAHE O
MAHALAGANG
KAISIPAN
Isa pa sa mahahalagang
elemento ng balagtasan ay
ang paghahatid nito ng
malinaw na mensahe sa mga
nakikinig o nanonood.
Upang malinaw na maihatid ang
mensaheng nais iwan sa mga
nakikinig o manonood, may
mahalagang tungkuling
ginagampanan ang galaw, kumpas at
ekspresyon ng mukha sa
pagpaparating ng damdaming nais
ipadama ng mambibigkas sa kanyang
mga tagapakinig.

You might also like