Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKATIBO
NG MGA PILIPINO

(KAKAYAHANG PRAGMATIK
AT ISTRATEDYIK)
Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis”, ang salitang
“komunikasyon” naman ay hango sa Kastila, at naging panumbas sa Tagalog
ang katawagang pakikipagtalastasan. Ang communis ay nangangahulugang
panlahat o para sa lahat.

Ang wika ang siyang tanging sandata o susi upang maisakatuparan ang
anumang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.Nagiging kasangkapan
ito upang maiparating ang anumang saloobin o ideya sa pamamagitan ng
komunikasyon. Upang mabatid ang kahulugan ng komunikasyon, naririto ang
iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga manunulat tungkol sa komunikasyon.
Ang mga ito ang magbibigay sa atin ng linaw kung ano nga ba ang papel na
ginagampanan nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao at ano ang kaugnayan
ng wika sa makapangyarihang salitang ito.
URI NG
KOMUNIKASYON
Di verbal
kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan
upang maiparating ang mensahe sa kausap. Ayon sa pag- aaral ni Albert Mehrabian,
propesor sa Clarl Universiy, na lumabas sa kanyang aklat na Silent Messages: Implicit
Communication of Emotions and Attitudes, isang aklat hinggil sa komunikasyong di
verbal, 7% raw ng komunikasyon ay nanggagaling sa mga salitang ating binibigkas, 38% ay
nanggagaling sa tono ng ating pagsasalita, at 55% ay nanggagaling sa galaw ng ating
katawan. Sa madaling salita, 7% lang ng nais nating iparating ang nanggagaling sa ating mga
salita. Ang resulta ng kanyang pag-aaral ay ginagamit at itinuturo rin sa ilang judicial
institutes sa America, bagama't marami ang hindi sumasang-ayon sa kanyang natuklasan.
Ayon sa ilang eksperto, kadalasan ang pag-aaral ni Mehrabian ay hindi nauunawaan. May
katotohanan man ito o hindi, isang aral ang iniiwan nito sa atin na kung anuman ang
mensaheng nais nating ipahatid ay hindi masasabi lahat ng salita. Kaya kung minsan,
ang ilang maseselang bagay na maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon ay mas
mabuting sabihin nang personal.
Mahalaga ang di verbal na komunikasyon sapagkat
inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at
kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan ng
mensahe, at pinananatili nito ang resiprokal na
interaksiyon ng tagapagpadala at tagatanggap
ng mensahe.
Iba't Ibang Pag-aaral sa mga
Anyo ng Di Verbal na
Komunikasyon
1. Kinesika (Kinesics)
Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo
bumigkas ng salita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin
ang mensaheng nais nating ipahatid.

Halimbawa, sa ikalawang larawan ay nakita mo na nang sumenyas ang


traffic enforcer sa motorista na alam niyang ang ibig sabihin nito ay
hinto. Kapag ang isang tao ay idinikit nang patayo ang kanyang
hintuturong dalirik alam nating ang ibig sabihin nito ay kailangang
tumahimik Kadalasan ginagamit din natin ang mga kumpas.
2. Ekspresyon ng mukha (Pieties)

Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang


maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. Sa paghahatid ng
mensaheng di verbal, hindi maipagwawalang-bahala ang
ekspresyon ng mukha. Ang ekspresyon ng mukha, kadalasan,
ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi man ito sinasabi. Sa
ekspresyon ng mukha ay mahihmoha natin ang
nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya, malungkot,
galit, at natatakot.
3. Galaw ng mata (Oculesics)
Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng ating
mga mata ang nararamdaman natin. Sinasabing ang mata ang
durungawan ng ating kaluluwa, nangungusap ito. Ipinababatid ng
ating mga mata ang mga damdaming nararamdaman natin kahit
hindi natin ito sinasalita. Ang panlilisik ng ating mata ay
nangangahulugang galít tayo, ang panlalaki ng ating mga mata kung
minsan ay nagpapahayag ng pagkagulat, ang pamumungay naman
kung minsan ay nagpapahiwatig ng pang-aakit. Maipakikita rin ng
galaw ng ating mga mata ang pagnanais upang makipag-usap.
4. Vocalics
Ito ay ang pag-aaral ng mga di lingguwistikong
tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Kasama rito
ang pagsutsot, buntonghininga, at iba pang di
lingguwistikong paraan upang maipahatid ang
mensahe. Tinutukoy rin nito ang tono, lakas, bilis, o
bagal ng pananalitang nagbibigay linaw sa verbal na
komunikasyon.
5. Pandama o Paghawak (Haptics)
Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama
na naghahatid ng mensahe. Isang anyo rin ito ng
di verbal na komunikasyon. Ang pagtapik sa
balikat, ang paghablot, pagkamay, o pagpisil, ito
ay mga paraan upang mapabatid ang isang
mensahe.
6. Proksemika (Proxemics)
Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng
espasyo, isang katawagang binuo ng
antropologong si Edward T. Hall (1963). Ito ay
tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap.
Sinasabing may kahulugan ang espasyong
namamagitan sa magkausap. Ang magkausap ay
may iba't ibang uri ng proxemic distance na
ginagamit sa iba't ibang pagkakataon.
Ang distansiyang ito ay maaaring magpahiwatig kung
anong uri ng komunikasyon ang namamagitan sa
magkausap. Una, ang pag-uusap na intimate ay makikita
sa magkausap na may distansiyang 0 hanggang 1.5 feet.
Ikalawa, sinasabing personal ang pag-uusap kapag 1.5
hanggang 4 feet ang pagitan. Ikatlo, kapag 4 hanggang
12 feet ang pagitan, ito ay sinasabing social distance.
Ang ikaapat ay tinatawag na public kung saan ang
pagitan ay 12 feet, karaniwang makikita ito sa mga
nagtatalumpati.
7. Chronemics
Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung
paanong ang oras ay nakaaapekto sa
komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay
maaaring kaakibat ng mensaheng nais
iparating.
Ang pagdating nang maaga sa isang job
interview ay nangangahulugang may disiplina
ang nag-aaplay at interesado siya sa inaaplayan.
Ang pagtawag sa telepono sa dis-oras ng gabi ay
maaaaring mangahulugan ng pang-iistorbo o
maaaring emergency ito.
Kakayahang
Pangkomunikatibo ng
mga Pilipino Kakayahang
Pragmatik
Ang mga kakayahang komunikatibo ay magkakaugnay, inisa-
isa natin ang pagtalakay rito upang lubos na maipaliwanag at
maunawaan. Kung ang isang tao ay may kakayahang
pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng
sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.
Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang
kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto. Sa
pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensiyon
ng nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe nito ng
tagapakinig.
Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa
pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan, sapagkat
nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon
ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang
kahulugan nito. Nararapat ding maláman na may iba't
ibang salik pa na dapat isaalang-alang sa pag-unawa,
kasama na rito ang intelektuwal na kalagayan ng
decoder, kalinawan ng encoder, at ang pagtatagpo ng
kani-kanilang interpretasyon.
KAKAYAHANG
PRAGMATIK
(SPEECH ACT)
Pinaniniwalaan ng teyoryang ito na nagagamit
ang wika sa pagganap sa mga kilos at kung
paanong ang kahulugan at kilos ay naiuugnay sa
wika (Clark, 2007). Sa pagpapaliwanag ni Yule
(1996 & 2003) ang mga speech act na ito ay mga
kilos na ginanap paumanhin, pagrereklamo, sa
paanyaya, pangako, o pakiusap
Tatlong Akto ng Speech Act Sa bawat
speech act, may tatlong magkakaibang
akto na nagaganap nang sabay-sabay.
Ang mga ito ay tinatawag niyang
locutionary act, perlocutionary act, at
illocutionary act.
Locutionary act
Ang batayang akto ng pahayag o
ang paggawa ng isang makabuluhan
na linggwistikong pahayag.
Illocutionary act
Tumutukoy sa intension at gamit ng pahayag.
Ang paggawa ng mga lingguwistikong
pahayag ay hindi lamang ginawa nang walang
dahilan. May nasasaisip na tiyak na
paggagamitan ng mga ito.
Perlocutionary act
tumutukoy sa epekto ng
mismong pahayag.

You might also like