melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya naman ay tungkol samga suliraning panlipunan o pampolitika. Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa operang Italya sapagkat magkahalo angdiyalogong ginagamit dito--- patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tauhan Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya’y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic. Unti-unting nanghina ang Sarsuwela ng dumating ang ‘bodabil’ (vaudeville) o ‘stage show’. Lalong nawalan ng manonood ang teatrong musikal nang dumating ang mga pelikula. Ipinatigil ng mga Amerikanong mananakop ang mga sarsuwela noon, dahil ginagamit ito ng mga Pilipino para ipakita ang mga kalupitan at dimakatarungang karanasan na dinanas sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila at Amerikano. At sa pagtatapos ng dula ay ipinapakita na ang mga Pilipino ay nagwawagi laban sa banyagang mga mananakop. Noong 2011 kinilala ng National Commission for Culture and Arts na isa sa mga pamanang kultura ang sarsuwela. Kinilala din ng UNESCO ang sarsuwela bilang pambansang teatro at opera ng Pilipinas. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay. SEVERINO REYES Si Severino Reyes ay mas kilala bilang “Lola Basyang”ay itinuturing na “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag ang liwayway noong 1923, si Severino Reyes ang unang patnugot nito.Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat .Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela. MGA ELEMENTO NG SARSUWELA 1. Iskrip o nakasulat na dula- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. 2. Gumaganap o aktor- Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigaybuhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. 3. Tanghalan- Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng silid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din. 4. Tagadirehe o Direktor- Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. 5. Manonood- Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo, yugto at bahagi ng dula. Suriin ang sarsuwelang Walang Sugat ni Severino Reyes at maglahad ng mga papel na ginagampanan ng mga tauhan upang mapataas ang kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon. A. Pamagat ng akda: B. Mga Pangyayaring nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura ng mga Pilipino sa iba’t ibang rehiyon 1. Panliligaw 2. Pinagkasunduang kasal ng mga magulang 3. Huling kahilingan ng mamamatay C. Maglahad ng papel na ginagampanan ng akda upang lubos na mapahalag D. Magbigay at iugnay ang tema ng akda sa programang pantelebisyong iyong napanoodahan ang kultura ng mga Pilipino. 6.Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan. DULA ay maituturing na isang sining. Sa pamamagitan ng masining na pagsasatao ng mga karakter ay napaabot nito sa mga manonood o mambabasa ang damdaming nais nitong iparating. Bunga na rin ng impluwensiya ng mga bansang sumakop sa bansa, gayundin ng mga bagong kaalaman at karanasan ng mga manunulat, idagdag pa ang kahilingan ng mga manonood ay nagkakaroon ng mga pagbabago sa anyo ng mga dulang pangtanghalan URI NG DULA AYON SA ANYO 1. Komedya-Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema,at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas. 2. Trahedya-Dulang ang tema’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabilugan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot. 3. Melodrama o Soap Opera-Dulang sadyang namimiga ng luha sa manonood ng parang wala nang masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa arawaraw 4.Tragikomedya- Dulang magkahalo ang katatawanan at kasawian na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso parang magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’ynagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida. 5.Saynete-Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop sa atin ng mga Espanyol. Ang paksa nito ay nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo,sa kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. 6.Parsa- kapag puro katatawanan lamang kahit walang saysay ang kuwento,at ang mga aksyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan o maghampasan at magbitiw ng kabalbalan. 7.Parodya- Kapag ito naman ay mapanudyo ,ginagayaang ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag- uugali ng tao bilang isang anyong komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakasasakit ng damdamin ng pinag-uukulan. 8.Proberbyo- kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kuwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa