Tekstong Persweysib o Nanghihikayat

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

TEKSTONG PERSUWEYSIB

O NANGHIHIKAYAT
MODYUL 4
MGA TIYAK NA LAYUNIN:
• Nakakaunawa ng mga batayang konsepto ng
tekstong nanghihikayat;
• Nakagagamit sa pang-araw-araw na buhay
ng mga kasanayan sa pagbabasa ng tekstong
nanghihikayat upang maging mapanuri; at
• Nakasusulat at nakagagawa ng mga maikling
patalastas upang mapabuti pa ang kalagayan
ng sarili at komunidad.
ALAM MO BA?
PROPAGANDA DEVICES
• Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang
produkto o iboto ang isang kandidato ay
isang bagay na dapat ay masusing pinag-
iisipan.
• Ito ay kinakailangang nakapupukaw ng
atensiyon upang mapansin.
ALAM MO BA?
PROPAGANDA DEVICES
• Name-calling- ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang
taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang
hindi tangkilikin tulad ng pekeng sabon, bagitong kandidato,
trapo, atbp.
• Glittering Generalities- ito ay magaganda at nakasisilaw na
pahayag ukol sa produktong tumutugon sa mga paniniwala
at pagpapahalaga ng mambabasa. Hal.: Mas makatitipid sa
bagong ____. Ang inyong damit ay mas magiging maputi sa
_____ puting puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
• Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na
personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikatan. Hal.:
Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ.- Grace
Poe; Manny Pacquiao gumagamit ng _____
kapag nasasaktan.
• Testimonial- Kapag ang isang sikat na
personalidad ay tuwirang nag-endorso ng
isang tao o produkto.
• Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa
kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o
tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto o serbisyo.
• Card Stacking- Ipinakikita ang lahat ng
magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian. Hal.:
ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng
pamilya, nakatitipid sa oras, mura na, masarap pa.
(maraming tagong asin, nagdudulot ng sakit, kakaunti
ang sustansiya…)
• Bandwagon- Panghihikayat kung saan
hinihimok ang lahat na gamitin ang isang
produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang
lahat ay sumali na. Hal.: Buong bayan ay nag-
e-LBC peso, padala na.
ANO ANG
TEKSTONG
PERSUWEYSIB?
TEKSTONG PERSUWEYSIB
• Ito ay may subhetibong tono sapagkat
malayang ipinahahayag ng manunulat ang
kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa
isang isyung may ilang panig.
• Nakabatay sa opinyon at ginagamit upang
maimpluwensiyahan ang paniniwala, pag-
uugali, intensiyon,a t paninindigan ng ibang
tao.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
• Hindi na isinasaalang-alang ang
kasalungat na pananaw
• Mas matimbang ang pag-apela sa emosyon
at ang karakter ng nagsasalita kaysa sa
katotohanan ng ebidensiya at katwiran.
• Talumpati at mga patalastas
ANO ANG LAYUNIN NG PERSUWEYSIB?
• Umapela o mapukaw ang damdamin ng
mambabasa
• Makuha ang simpatya at mahikayat na umayon sa
ideyang inilalahad
• Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng
pagkuha ng damdamin o simpatya
• Mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at
makumbinsi na ang punto ng manunulat ang siyang
tama
• Isang Griyegong pilosopo
Aristotle
• Naniniwala sa kahalagahan
ng panghihikayat
• Naniniwala sa 3 elemento
ng panghihikayat upang
mahimok ang mga
tagapakinig na
maunawaan at paniwalaan
ang palagay o panig ng
tagapagsalita
ANO-ANO ANG MGA
ELEMENTO NG
TEKSTONG
PERSUWEYSIB?
Ikaw ba ay eksperto sa
larangan ng paksang iyong
tinatalakay? May ETHOS
kredibilidad ka bang
magsulat o magsalita tungkol
dito?

PANGHIHIKAYAT PATHOS
LOGOS

Nailahad mo ba ng malinaw Mapupukaw mo ba ang


at lohikal ang iyong damdamin ng mga
mensahe? makikinig?
1.ETHOS: ANG KARAKTER, IMAHE, O REPUTASYON
• Naiuugnay sa “etika” o “imahe”
• Tumutukoy sa karakter o kredibilidad ng nagsasalita o
manunulat batay sa paningin ng nakikinig
• Ito ang siyang magpapasiya ng dapat pagkatiwalaan ang
nagsasalita o hindi.
• Taglay ang magandang pag-uugali,
maayos kausap, may mabuting
kalooban at maganda ang hangarin
• May sapat na kaalaman at kakayahan
sa paksa
• Ang halalan o malayang pagpili ng mga manunungkulan sa
pamahalaan ay haligi ng demokrasya. Ngunit ngayon, ito ay
nawawalan ng saysay sa kadahilanang ginawa na itong
hanapbuhay ng mga politiko na nagmamalabis sa kanilang
kapangyarihan kapag naluklok na sa puwesto.
• Kailangang maging mulat ang mga mata ng lahat sa
ganitong uri ng politiko. Iwasang muli’t muli tayong
malinlang ng ganitong uri ng mga tao.
• Sa pagsapit ng halalan, ipagsanggalang natin ang pagiging
sagrado ng mga balota. Huwag nating hayaang mapunta ito
sa kamay ng mga manlilinlang na tanging kaban lamang ng
bayan ang pinupuntirya. Maawa tayo sa mga Pilipino at sa
susunod na salinlahi.
• Bantayan natin ang ating mga boto.
2. LOGOS: ANG OPINYON O LOHIKAL NA PAGMAMATUWID

• Tumutukoy sa “pangangatwiran”
• Pagiging rasyonal ng isang manunulat o tagapagsalita
• Nangangailangan ng tiyak na katibayan
• Gumagamit ang may-akda ng mga piling piling salita na
nagtataglay ng kapangyarihang mapaniwala ang mga
mambabasa
2. LOGOS: ANG OPINYON O LOHIKAL NA PAGMAMATUWID

• Panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman


• Kailangang mapatunayan ng manunulat na batay sa mga
impormasyon at datos ang kanyang mga puntong
inilalatag.
• Malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging
makatwiran ng mga estratehiya gamit ang retorikal na
pangangatwiran: pabuod at pasaklaw
• Hindi gaanong nakahihikayat ang masyadong siyentipiko
o teknikal na pagpapaliwanag
3. PATHOS: EMOSYON NG MAMBABASA/TAGAPAKINIG
• Tumatalakay sa emosyon o damdamin
• Ang tao ay may kakayahang gumawa ng sariling desisyon
dahil mayroon siyang pag-iisip
• May malaking impluwensiya ang emosyon sa pagdedesisyon
at paghuhusga tulad ng galit, awa at takot, atbp.
• Emosyon ang pinakamabisang
motibasyon upang kumilos ang isang tao.
• Karaniwang ginagamit sa larangan ng
pulitika at patalastas
DAPAT TANDAAN…
• Ang wastong pagkakaroon ng 3 elemento ng
panghihikayat ay mabisang paraan upang
mahimok ang tagapakinig na maunawaan at
paniwalaan ang palagay ng isang
tagapagsalita. (Aristotle)
• May responsibilidad ang manunulat o
tagapagsalita na ibigay ang wasto at totoong
impormasyon at magkaroon ng kredibilidad
ANO-ANO ANG MGA GABAY SA
PAGBASA NG
TEKSTONG PERSUWEYSIB?
A. KREDIBILIDAD NG MAY-AKDA
• Gaano kakilala ang pinagmulan
ng teksto at ano ang pagkaka-
kilala sa kaniya?
• Masasabi bang may kredibilidad
ang may-akda para magsulat
tungkol sa paksa?
• Maituturing bang maalam o awtoridad sa
larangang kaniyang tinatalakay?
• Paano naapektuhan ng imahe o karakter ng
manunulat ang layunin ng teksto?
• Katiwa-tiwala ba ang may-akda na sumulat
tungkol sa kaniyang paksa?
B. NILALAMAN NG TEKSTO
• Tungkol saan ang teksto?
• Ano-ano ang pangunahing ideya tungkol sa paksa?
• Anong panig, kaisipan o ideya tungkol sa paksa
ang pinanghihimok?
• Ano-ano ang ginamit na suportang ideya para
dito?
• Ano-ano ang batayang ginamit upang
masabi ito ng may-akda?
• Saan galing ang mga batayang ito? Ito ba
ay hango sa mga katotohanan o kuro-kuro
lamang?
B. NILALAMAN NG TEKSTO
• Mayroon bang mga detalye o posisyon na tila hindi
masyadong nasuportahan ng matitibay na
ebidensiya o katwiran? Ano ang mga ito at paano
ito ginamit upang makahikayat?
• Ano ang kasalungat na panig nito na maaaring
isagot sa posisyon ng teksto?
• Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang
pagsulat?
• Mayroon bang mga tanong o usaping hindi
tinalakay ngunit dapat ay nabanggit
manlang? Ito kaya ay sadyang hindi
tinalakay? Kung oo,bakit?
C. PAGTUKOY SA ELEMENTONG PATHOS SA
PANGHIHIKAYAT
• Anong damdamin ang napukaw sa pagbasa ng
teksto?
• Alin-aling bahagi ng teksto ang nakapukaw ng
damdaming ito?
• Gamit ang damdaming ito, anong
kaisipan,ideya o aksiyon ang
hinihikayat ng teksto na
paniwalaan o gawin ng mambabasa?
• Balanse ba ang pag-apela sa emosyon sa
mga binanggit na impormasyon sa
nilalaman ng teksto?
D. BISA NG PAGNHIHIKAYAT NG TEKSTO
• Ano ang ipinahihiwatig na uri o katangian ng
mga mambabasa na kinakausap ng may-akda
ng teksto?
• Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento
ng panghihikayat upang makumbinsi ang
mga
mambabasa?
• Ikaw ba o ang target na
mambabasa ay nahikayat,
nahimok kumilos o napaniwala ng
teksto?Paano?
ANO-ANO ANG MGA PAGHAHANDA
PARA SA PAGSULAT NG TEKSTONG
PERSUWEYSIB?
• Pag-aralan ang target na tagapakinig o
mambabasa;
• Pag-isipang nang mabuti ang wastong
paglalatag ng mga isyu;
• Linawin kung ano ang layunin ng isusulat
na teksto;
• Anong posisyon, aksiyon, o ideya ang nais
mong paniwalaan o tanggapin;
• Anong damdamin ang nais na mangibabaw
o mapukaw sa kanila;
• Magsaliksik kaugnay nito
kasama na ang mga
kasalungat na posisyon
bilang paghahambing;
• Magbigay din ng iba pang panig para sa
pagpapatibay ng sariling posisyon;
• Mahalaga ang wasto, may batayan, at
mabuti ang layunin at nilalaman ng mga
impormasyong ipalalaganap.
• Gumamit ng angkop na pang-uri o pang-
abay para sa payak na paglalarawan
gayundin sa masining
• Kailangang mag-iwan ng malinaw na
impresyon
• Magdagdag ng paglalarawan ng emosyon
upang tumagos sa damdamin
• Basahing muli at siguruhing organisado
ito.
1. Ano ang layunin ng
tekstong persuweysib?
2. Bakit sinabing subhetibo
ang tono ng tekstong
persuweysib?
3. Saan karaniwang
ginagamit ang tekstong
persuweysib?
4. Ano-ano ang tatlong paraan
ng pangungumbinsi ayon kay
Aristotle? Alin ang sa palagay
mo ang pinakamabisang
gamitin sa mga kabataang tulad
mo? Bakit?
5. Kung susulat ka ng isang
tekstong persuweysib, ano-ano
ang dapat mong isaalang-alang?
Maraming
Salamat sa
inyong pagtutok.

You might also like