Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Aralin 14

Paggawa ng
Organikong Pataba
(Composting)
Composting
Ito ang paraan ng paggawa ng
organikong abono na nagmula sa
mga sariwa o mga nabubulok na
mga basura tulad ng mga balat
ng prutas/gulay, dahon ng
halaman at mga dumi
ng mga hayop.
Pamamaraan sa
paggawa ng
compost pit
1. Humanap ng medyo
mataas na lugar.
2. Hukayin ito ng 2 metro
ang haba, luwang at lalim.
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga
pinutol na damo,basurang
nabubulok at mga pinagbalatan ng
gulay at prutas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop
tulad ng baboy, manok,at baka.
5. Sabugan ito ng abo at patungan ito
ng lupa.
6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-
sunod ng damo,
nabubulok na basura, dumi ng hayop,
abo, at lupa hanggang sa mapuno
ang hukay.
7. Patagalin ng 3 buwan o higit pa
upang mabulok. Kunin ang mga
compost sa
pamamagitan ng pagsasalandra gamit
ang metal screen na maliliit ang
mga butas.
Basket composting
Isang paraan din ito ng
pagpapabulok ng mga basura sa
sisidlan naman at hindi sa
hukay.
Mga paraan sa paggawa
ng basket
composting.
1. Pumili ng lalagyan na yari sa
kahoy o yero na sapat ang laki
at haba. May isang metro ang
lalim.
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-
patong na tuyong dahon, dayami,
pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga
hayop, at lupa tulad din ng compost pit
hanggang mapuno ang lalagyan.
3. Diligan ang laman ng
sisidlan at lagyan ng
pasingawang kawayan
upang mabulok kaagad ang
basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng
bubong ang sisidlan upang hindi ito
pamahayan ng langaw at iba pang peste.
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at
haluin ang laman ng sisidlan para magsama
ang lupa at ang nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.
TANDAAN
Ang organikong abono ay nakapagpapaganda
sa kalidad ng lupa. Ito ay makukuha sa
paggawa ng compost.
Sagutin ang sumusunod:
a. Bakit kailangang paghiwalayin ang mga
nabubulok sa hindi
nabubulok na basura?
b. Anong kabutihan ang naibibigay ng
paggamit ng organikong
abono?
c. Mahalaga bang sundin ang mga hakbang
na ito sa paggawa
ng compost pit o compost heap? Bakit?
Isulat sa sagutang papel ang titik T kung tama ang ipinahihiwatig ng
pangungusap at M kung mali.
___ 1. Ang tubig ay mahalaga sa buhay ng halaman.
___ 2. Ang organikong abono ay maaaring makuha sa madaling
pamamaraan.
___ 3. Ang halaman ay kailangan bungkalin ng isa o dalawang beses
isang linggo.
___ 4. Ang compost pit ay inilalagay sa maayos na lugar para
madaling makita ng mga tao.
___ 5. Pinagpapatung-patong na damo, nabubulok na basura, dumi
ng mga hayop, apog o abo, at lupa ang tamang paglalagay sa
compost heap/pit.

You might also like