Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Sa Matandang Panahon
Panitikan Sa Matandang Panahon
MATANDANG
PANAHON
Inihanda nina: Sheralyn M. Mazo at Mardylhen V. Monsanto
Kaligirang
Kasaysayan
Ang kaligirang pangkasaysayan ay
tumutukoy sa dahilan o pangyayari na
sinaunang naganap o ginawa na siyang
tumuloy sa kung ano o bakit ganito ang
isang bagay, tao, pangyayari at iba pa.
Ang pinag-ugatan ng isang bagay pati na ang
mga bagay na hanggang ngayo ay
nakakaapekto sa isang bagay.
Bago pa man dumating ang mga
kastila at maging ang iba pang
dayuhan ang ating mga ninuno ay
may sarili ng panitikan na
nagtataglay ng kasaysayan ng ating
lahi.
Sinasabi na noong unang
panahon,nagkaroon ng
iba’t- ibang migrasyon sa
Pilipinas na siyang
pinagmulan ng ating mga
ninuno.
Negrito o Ita
Sila ang mga unang
nanirahan sa Pilipinas.
Sinasabing nakarating sila sa
lugar na ito sa pamamagitan
ng tulay na lupa. Sila ay
nangaso at namitas ng mga
bunga para mabuhay. Ang
kanilang panitikan ay
binubuo ng mga awitin at
pamahiin.
Indonesyo
Ang mga unang sapit na Indonesyo ay
mapuputi at manilaw-nilaw ang balat
dahil may lahing Mongol at Kaukau.
Sila’y marunong nang mamahay ng sarili,
magtanim ng halaman at mangisda.
Makalipas ang 4000 taon ay dumating
naman ang ikalawang sapit na Indonesyo.
Naiiba ang kanilang hitsura sa nauna at
mas nakahihigit sa kalinangan.
Sila ay may sarili nang sistemang
pamahalaan, may mga hanapbuhay,
marunong magluto ng pagkain at
may dalang panitikan gaya ng epiko,
kuwentong bayan, alamat, pamahiin
at pananampalatayang pagano.
Sinasabing sila ang mga ninuno ng
mga Ipugaw.
Malay
Tatlong pangkat ng mga Malay ang
nakarating sa Pilipinas. Dumating
ang unang pangkat ng mga 200 taon
bago namatay si Kristo at 100 taon
pagkamatay ni Kristo. Sila ay
nagdala ng kanilang
pananampalatayang pagano at
awiting panrelihiyon. Tumira sila sa
kabundukan ng Luzon at naging
ninuno ng mga Igorot, Bontok at
Tinguanes.
Dumating naman ang ikalawang pangkat
mula 100 hanggang 1300 taon pagkamatay
ni Kristo. May dala silang wika, alpabeto,
awiting bayan, kuwentong bayan, mga
alamat at mga karunungang bayan. Sila rin
ang nagdala ng barangay at naging ninuno
ng mga Tagalog, Bisaya , Ilokano at iba pa.
Ang ikatlong pangkat ay mga Malay na
Muslim. Nagdala sila ng epiko, alamat,
kuwentong bayan at pananampalatayang
Islam. Sa panahong ito ay nagsimula nang
makipagkalakalan ang Pilipinas sa mga
karatig-bansa nito. Dahil nagkaroon rin
ng palitan ng kultura sa kalakalan,
nagdala ito ng mga impluwensya sa
panitikan.
Intsik
Dahil sa dalang wika kaya mahigit
600 salitang Intsik ang naging bahagi
ng wikang Pilipino. Ilan sa mga ito ay:
susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa,
bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw,
kuya, diko at sangko.
Bumbay
Halimbawa:
Alamat ng mga Tagalog
Alamat ng Pinya
MITO
Halimbawa:
Si Malakas at si Maganda
Buwan at Araw
PABULA
Halimbawa:
“ Ang Langgan at ang Tipaklong
KWENTONG BAYAN
Binubuo ng mga kwento tungkol sa buhay,
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at
katatawanan na kakapulutan ng magandang aral sa
buhay.
Halimbawa:
Bulan at si Adlaw
PANAHON NG EPIKO
Tulang pasalaysay na karaniwang tungkol sa
pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng
isang bayani.
Halimbawa:
Biag ni Lam-Ang (Iloko)
Bidasari (Moro)
Kumintang (Tagalog)
Hari sa Bukid (Visaya)
AWITING BAYAN
Illi, Illi,
Illi, Illi,
Wala di ri imong nanay
Kadto tienda, bakal papay
Illi,illi, tulog anay
Mga Karunungang Bayan
Madalas nagpapalitan ng kaisipang-
bayan ang mga katutubo sa kasal,
piyesta, binyagan at burol.
BUGTONG – maiklig tula na nagpapahula ng isang
bagay sa pamamamagitan ng paglalarawan.
Halimbawa:
Isang butil palay,
Laganap sa buong bahay
-ilaw
Bahay ko sa gulod,
Iisa ang tukod
-kabute
SALAWIKAIN – isang patalinhagang pahayag na
ginagamit ng matatanda noon upang mangaral at
akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
Halimbawa:
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Hindi makararating sa pinaroroonan.
Halimbawa:
Malakas ang loob,
Mahina naman ang tuhod
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may 5 baboy na inaalagaan
si Mang Juan pero lumandag ang isa. Ilan ang
natira?
- 5 pa rin dahil lumundag lang naman yung isa
KAISIPAN- karaniwang ginagamit sa panunukso o
pagpuna ng kilos ng isang tao.
Halimbawa:
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad
Salamat!