Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Bahagi ng

Kuwento
Ano-ano ang mga elemento ng
kuwento?
Paano mailalarawan ang mga
tauhan at tagpuan sa kuwento?
May matalik ka bang kaibigan?
Saan kayo madalas
maglaro?
Pakinggan ang kuwentong “Si
Carlo at si Felix”. Sagutin ang
mga tanong tungkol dito.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Kailan at saan nangyari ang kuwento?
3. Ano ang nakita ni Felix habang
natutulog si Carlo? Ano ang ginawa ni
Felix?
4. Kung ikaw si Felix, ano ang gagawin
mo?
5. Ano ang kinatapusan ng kuwento?
Ang kuwento ay isang anyo ng
panitikan na naglalayong maglahad ng isang
mahalagang pangyayari.
Ito ay may elemento at bahagi na
gumagabay sa mambabasa upang
maunawaan nilang mabuti ang kuwentong
binasa.
Halimbawa:
Sabado noon. Isinama ni
Aling Aida sa palengke si
Maricar.
Halimbawa:
Sinabi ni Maricar kay Aling
Aida na sobra ang sukli ng
tindera sa kanila.
KAKALASAN
Halimbawa:
Sinabi at ibinalik ni Aling
Aida ang sobrang sukli sa tindera.
Halimbawa:
Nagpasalamat ang tindera at
binigyan niya ng matamis na atis
si Maricar dahil sa kanyang
katapatan.
Gawain
Kuwento: Si Alitaptap at si Paruparo.
Gawain 1: Iguhit ang panimula ng
kuwento.
Gawain 2: Ibigay ang kasukdulan ng
kuwento.
Gawain 3: Isadula ang kakalasan at
katapusan ng kuwento.
Thumbs-up kung tama ang isinasaad
ng pangungusap at thumbs-down kung mali.
1. Ang mga bahagi ng kuwento ay ang panimula,
kasukdulan, kakalasan at katapusan.
2. Inilalarawan sa panimulang bahagi ang mga tauhan at
tagpuan ng kuwento.
3. Ang kasukdulan ay ang kinahinatnan ng kuwento.
4. Ang kakalasan ang nagiging daan sa wakas ng kuwento.
5. Sa katapusang bahagi unti-unting nalulutas ang suliranin.
Ano ang kahalagahan ng
pagtukoy sa mga bahagi ng
kuwento?
Ano-ano ang mga bahagi ng
kuwento?
Tukuyin kung ang mga sumusunod ay panimula,
kasukdulan, kakalasan o katapusan.
1. Umalis na si Alitaptap at bumalik na rin si
Paruparo sa mga bulaklak.
2. Nagdasal si Paruparo. Maya-maya ay may nakita
siyang papalapit at pakislap-kislap na liwanag.
3. Isang araw, pinaglaruan ng isang bata ang
Paruparo at iniwan itong nakabaliktad.
4. Dumating si Alitaptap. Ipinaliwanag ni Paruparo
kung bakit siya nakabaliktad at tinulungan siya
ni Alitaptap.
Takdang-aralin
Magbasa ng maikling kuwento. Isulat sa
kuwaderno ang panimula, kasukdulan,
kakalasan at katapusan ng kuwentong
iyong binasa.

You might also like