Komunikasyong Teknikal

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

MGA PANANAW,

KAHULUGAN, AT
KASAYSAYAN NG
KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL
KASAYSAYAN NG
KOMINUKASYONG TEKNIKAL
Alam mo bang dalawang libong taon na ang nakalilipas nang pormal na
pinasimulan ang propesyonalismo ng pagsulat? Ito ay tinugunan at nilunasan ng
mga naunang guro at pilosopo gaya nina Plato, Aristotle, at iba pa.
Natukoy sa mga pag-aaral na ang komunikasyong teknikal ay nagmula sa
mga Sumerian subalit kinilala si Sextus Julius Frontinus bilang isang awtor nito. Ito
ay dahil sumulat siya ng manwal para sa gusali at paraan ng pagpapanatili nito
noong A.D.97. Samantala, si Pliny the Elder naman na isang administrator at
sundalong Romano ay naisulat ang The Natural History, isang kalipunan ng mga
natural at siyentipikong kaalaman. Isa lamang ito sa maraming dokumentong
naisulat niya noong mga panahon pinamamahalaan niya ang iba’t-ibang tanggapan
sa Gaul, Aprika, at Espanya.
KASAYSAYAN NG
KOMINUKASYONG TEKNIKAL
Si Reginald Scot sa panahon ng Renaissance ng Ingles ay nakabuo
ng mga teknikal na manwal para sa paghahalaman na nakatulong sa
marami upang malaman ang proseso ng naturang gawain. Lakip din
nito ang mga ilustrasyon na mabisang nakatulong sa mga taong
gumagamit nito. Nagpatuloy ang halaga ng komunikasyong teknikal
hanggang sa ikalawang digmaang pandaigdig dahil nakatulong ito sa
mga sundalo na matutuhan ang proseso at pagkakasunod-sunod ng
paggamit ng kanilang mga sandata.
Komunikasyong teknikal (Martinez et al. (2011)
- Ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso.
-Ang mahusay na komunikasyong teknikal ay nararapat na tiyak, malinaw, at maikli.
-Mahalaga rin isaalang-alang ang awdiyens, layunin at konteksto tungo sa mabisang
komunikasyon.
-Sa kasalukuyan, sinasaklaw rin ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video,
audio slides, at iba pang uri ng multimedia na kagamitan.
Sulating teknikal
-Ay isa lamang sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na
nagtataglay ng mataas na antas ng kasaysayan mula sa isang disiplina.
 Sa katunayan, isa sa mga hinahanap na katangian ng mga
kompanya sa pagkuha ng empleyado.
 Kung kaya ikaw man ay
abogado, akawntant, doktor, guro, inhinyero, politiko, pulis,
siyentista, negosyante, o eksperto sa information technology, ang
kasanayan sa komunikasyong teknikal ay isang mahigpit na
pangangailangan.
 Hindi lamang nakatuon sa pasalitang kasanayan, kundi lalo’t higit
sa pasulat na korespondensiya gaya ng:
liham, memorandum, iba’t-ibang uri ng ulat, mga presentasyon,
publisidad promosyon, at marami pang iba.
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
 Isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon
 Karaniwang inihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin bagaman
ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo, pormat, sitwasyon,
nilalaman, at gamit na siyang pangunahing elemento ng ng
komunikasyong teknikal.
 Maituturing ding applied na uri ng komunikasyon na ang mensahe
ay nakalaan lamang para sa inaasahang tagatanggap nito na
nangangailangan ng agarang pag tugon o paglunas sa isang
suliranin.
MGA KONGKRETONG
HALIMBAWA NG
KOMUNIKASYONG
 May bagong mobile phone ka ba?
TEKNIKAL
 Binasa mo ba ang user’s manual nito?
 Ikaw ba ay conscious sa iyong pigura?
 Siguradong binabasa mo ang label ng mga pagkain o multi-vitamins na
binibili mo kung ang mga ito ba ay may malaking benepisyo sa iyong
kalusugan.
 O baka naman ay may bago kayong pinakaiingatang appliances sa
bahay?
 Masusi mo bang pinag-aralan ang manwal na ito?
 Tinatawag itong komunikasyong teknikal dahil ang kalikasan ng
mensaheng inilalahad ay nasa anyong espesyalisado.
 Higit na kinakailangang maging payak ang mensahe upang
madaling maunawaan ng mambabasa .
 Pangunahing binibigyang-diin nito ang pagiging malinaw, tiyak,
maikli, at madaling basahin at unawain.

Dahil ang komunikasyong teknikal ay isang proseso ng mahusay na


pamamahala ng mensahe upang makapagbigay-tugon o solusyon sa suliranin.
ILANG HALIMBAWA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
blog Grant proposal Siyentipikong sarbey
Papel katalog Polyeto website
Handbook Materyal para sa Procedure manual
presentasyon
Dokumentong User manual ebalwasyon
pampagsasanay
Ginabayang ulat
reperensiya
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
 Awdiyens – nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang
tagapakinig, manonood o mambabasa.
 Layunin – ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala ng
mensahe.
 Estilo – kinapapalooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung
papaanong mahusay na maipadala ang mensahe.
 Pormat- tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipapadala.
 Sitwasyon- pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng mensahe.
 Nilalaman- ditto nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng
komunikasyon.
 Gamit - ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang
mensahe.
MGA KATANGIAN NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
 Oryentasyong nakabatay sa awdiyens – ang pangunahing prinsipyo sa
pagbuo ng komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa awdiyens. Sa katangiang
ito, ang mensahe ay kinakailangang mula sa pananaw ng awdiyens at hindi sa
manunulat. Ito ang malaking kaibahan nito sa iba pang uri ng sulatin na naka sentro
ang himig at damdamin sa sumulat.
 Nakapokus sa subject – sa pagsulat ng komunikasyong teknikal, higit na
binibigyang-pansin ang pangunahing paksa ng usapan dahil dito ibinabatay ang lahat
ng impormasyong sangkot sa pagtalakay. Layunin nitong puspusang matalakay at
maisa-isa ang inaasahang proseso na tutulong sa awdiyens na maisagawa ang
inaasahan sa kaniya.
MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

 Kumakatawan sa manunulat – ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano


at sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong kaniyang kinabibilangan.
Tumutukoy rin ito sa kung anong imahe ang nais ipakita ng manunulat na
sumasalamin sa samahang kabahagi siya. Tinatawag din itong branding na
nagsisisilbing pagkakakilanlan o identipikasyon.
 Kolaborasyon – maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng
anumang uri ng komunikasyong teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba’t-ibang
indibidwal na may magkakaibang kasanayan sa pagbuo ng komunikasyong
inaasahan.
Halimbawa:
pagbuo ng mobile phone manual, nangangailangan ng paglahok ng maraming eksperto
tulad ng system analyst, layout artist, graphic specialist, technical communicator, at iba
pa. Bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng kasanayang lubos na inaasahan upang
makabuo ng mabisang manwal.
MGA SUSING PATNUBAY SA KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL SA MODERNONG PANAHON

Interaktibo at Angkop

Pokus sa Mambabasa

Nakabatay sa Kolektibong
Komunikasyong Teknikal Gawain

Biswal

Etikal, Legal at Politikal


na Katanggap-tanggap
Pandaig-digan at Tawid-
Kultural

You might also like