Esp 9

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

GAWAIN 3

PANUTO:
SURIIN ANG MGA
SITWASYON. Tukuyin kung
anong uri ng likas na karapatan
ng tao ang nilabag sa bawat
sitwasyon. Ipaliwanag kug
bakit. Pagkatapos, sagutin ang
mga tanong sa ibaba ng gawain.
1. ISANG BUWAN NG KASAMBAHAY SI IDA SA
PAMILYA HERMOSO . SA NAKARAANG ISANG
LINGGO, TATLONG BAHAY SA KANILANG
KAPITBAHAYAN ANG INAKYAT NG
MAGNANAKAW. NATAKOT SI GNG.
HERMOSO DAHIL HINDI NIYA KILALA NANG
GANAP SI IDA. INIISIP DIN NI GNG. HERMOSO
NA BAKA MAKIPAGKAIBIGAN ANG MGA
MAGNANAKAW KAY IDA AT DAHIL DITO,
BAKA PASUKIN DIN ANG KANILANG BAHAY
KAPAG SIYA LANG ANG TAO RITO.NAGPASYA
SI GNG. HERMOSO NA HUWAG NG
PALABASIN NG BAHAY SI IDA, KAHIT BUMILI
SA TINDAHAN SA LOOB NG SUBDIVISION.
2. Nagsabi na ang 32 gulang na si
Mary Jean sa kaniyang ina na mag-
asawa na siya. Napagtapos na niya
ang kaniyang dalawang kapatid at
nasa Junior High School na ang
bunso. Ngunit sinabi ng kaniyang
ina na kailangan munang magtapos
ang huli bago siya magpakasal. Siya
lang ang inaasahan ng kanyang ina.
3. Inilabas ng United Nations ang planong
Sustainable Development na may bisa
hanggang 2030. Isa sa mga tunguhin nito
ang pabibigay permiso sa lahat, kasama
ang kabataan, sa karapatang seksuwal at
pagpapadami (reproductive). Hindi
binanggit sa dokumento ang aborsyon
bilang resulta ng mga karapatang ito.
Hinihingi ng UN ang suporta ng mga
lider ng mga bansa para sa pagpapatupad
ng planong ito.
4. Mula ng lumakas ang kita ng negosyong
catering ni Aling Delia, nangangailangan siya
ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang
sinusweldo niya sa mga ito at libre ang pagkain
nila lalo na kapag may overtime na trabaho.
Ngunit nang nagkatampuhansi Aling Delia at
ang kaniyang asawa, nagpasiya itong bumili ng
condominium upang maiwasan ang stress na
sanhi ng tampuhan nila. Dahil dito, hindi na
tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga
waiter at hindi pa nila ito natatanggap sa
takdang oras.
5. Maraming sako ng bigas ang
nakatago 50 container van ni Mang
Enteng bukod sa nakikita sa
kaniyang tindahan s apalengke. Sa
gitna ng panawagan ng pamahalaan
ng tulong sa pagkain, pera, at damit
para sa mga biktia ng bagyong
Yolanda, 30 sako ng bigas lamang
ang pinadala niya sa Samar at Leyte.
MGA TANONG:
1.Bakit maituturing na paglabag sa
karapatan ng bawat tauhan ang
inilarawan sa basitwasyon?
2.Ano-ano ang maaaring gawin ng
kabataang kasing edad mo upang
pukawin ang kamalayan ng kapuwa
Pilipino sa mga paglabag na ito?

You might also like