Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Aralin 1.

Pagsusuri ng Maikling
Kuwento
Gusto mo bang i-edit ang presentation na ito?

Gumawa ng kopya at i- Mag-download ng offline


edit sa Google Slides. na kopya at i-edit sa
1. Sa menu tab, i-click ang File at
Microsoft PowerPoint.
pagkatapos ay ang Make a 1. Sa menu tab, i-click ang File at
copy at Entire Presentation. pagkatapos ay ang Download as.
2. I-type ang pangalan ng file. 2. Piliin ang uri ng file. Piliin ang
Do you want to edit this presentation?
3. Piliin kung saan ito isi-save sa
iyong Google Drive.
Microsoft PowerPoint (.pptx).
3. Hintayin na ma-download ang file
4. I-click ang OK. sa iyong local disk.
5. May magbubukas na bagong 4. Sa sandaling makompleto ang
tab. Hintayin na kompletong pag-download, buksan ang file at
mag-load ang file sa bagong tab. i-edit gamit ang Microsoft
6. Kapag nag-load na ang file, i-edit PowerPoint o anumang offline na
ang presentation na ito gamit program para sa presentation.
ang Google Slides.
Layunin sa Pagkatuto

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay nakapagsusuri ng binasang


maikling kwentong mula sa Pilipinas.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan ang


kasanayan sa pagkatuto na itinakda ng DepEd:

● Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na


telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan (F9PD-Ia-b-39).
● Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda
(F9PN-Ia-b-39).
Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan ang


kasanayan sa pagkatuto na itinakda ng DepEd:

● Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:


- Paksa
- Mga tauhan
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor
- iba pa (F9PS-Ia-b-41).
PictoKwento!

1. Suriin ang mga ipakikitang larawan sa susunod na slide.


2. Dapat na maibigay ang wastong pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa mga larawan ayon sa mabubuong
paghihinuha ng mga pangyayari. Gamitin ang mga bilang
mula isa hanggang apat.

3. Sa kuwaderno, isulat ang maikling pagsasalaysay ng mga


nangyari sa kuwento.
PictoKwento!
Sagutin:

1. Ano ang mga pangyayaring inilalahad ng bawat


larawan?
2. Ano-ano ang iyong naging batayan sa paghihinuha ng
pagkakasunod-sunod ng mga tagpo sa mga larawan?
3. Paano naaapektuhan ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ang saysay ng isang kuwento?
Pagganyak

Dugtungang Kuwento!

Panuto: Mula sa paksang ibibigay ng guro, bubuo ang


bawat mag-aaral ng sariling kuwento. Tatawag ang guro ng
isang mag-aaral na magsisimula ng kuwento, ang mag-aaral
na bumuo ng panimula ang siyang tatawag ng susunod na
magdurugtong ng pangyayari sa kaniyang sinimulan.
Pagganyak

Dugtungang Kuwento!

Gayundin ang mangyayari sa mga susunod na maglalahad


ng kuwento hanggang sa magkaroon ng wakas ang akda.
Kung mabilis na nagwakas ang unang sinimulan na
kuwento, maaring magsimula ng isa pang bagong paksa ng
kuwento.
Pagganyak

Sagutin:

● Bakit siya o sila ang iyong napili?

● Sa iyong palagay, nararapat ba silang ituring na kayamanan


sa buhay?
Mahahalagang Tanong

1. Bakit isinasagawa ang pagsusuri ng mga akda?

2. Bakit mahalagang matutuhan ang mga hakbang sa pagsuri


ng maikling kuwento?

3. Ano ang maitutulong nito sa inyo bilang mag-aaral?


Gawain

Opsiyon 1: E-koment-mO

1. Bumuo ng listahan ng mga pamantayan ng isang mahusay na


maikling kuwento batay sa dati nang nalalaman. Kailangang
makapagtala ng lima o higit pang pamantayan.
2. Bawat mag-aaral, tumukoy ng isang kuwentong nabasa na at
maituturing na mahusay ang pagkakasulat o pagkakasalaysay.
Isulat at bigyang-paliwanag ang sagot sa isang buong papel.
Gawain

Opsiyon 2: Kuwentong Mabuti

1. Magpangkat-pangkat sa tigtatatlong kasapi.


2. Bawat pangkat, magsaliksik sa internet ng sipi ng buod ng
maikling kuwenotng “Ang Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva
Edroza-Matute.
3. Matapos basahin at unawain, maglapat ng kani-kanilang
pagsusuri sa akda batay sa mga elementong taglay ng isang
malikhaing kuwento.
Pagsusuri

Para sa Opsiyon 1: E-koment-mO

1. Ano ang pagkakaiba ng iyong itinalang pamantayan sa


mga elemento ng maikling kuwento na nasa Study Guide?
2. Ano-anong kuwento na ang iyong nabasa na mahusay
ang pagkakabuo?
3. Sa iyong sariling opinyon, paano masasabing mahusay
ang pagkakasulat o pagkakabuo ng isang kuwento?
Pagsusuri

Para sa Opsiyon 2: Kuwentong Mabuti

1. Ano ang mga hakbang na inyong isinagawa sa pagsusuri


ng kuwento?
2. Ano-ano ang iyong napuna sa naging paglalapat ng mga
elemento ng awtor sa sinuring akda?
3. Sa inyong palagay, mayroon bang bahagi ng akda ang
dapat baguhin? Ipaliwanag ang kasagutan.
Paglalapat

● Paano isinasagawa ang pagsusuri ng isang akda?

● Bakit isinasagawa ang pagsusuri ng mga akda?

● Ano ang kinakailangang gawin bago magsuri ng isang


akda?
Pagpapahalaga

Gaano kahalaga ang pagsusuri at pagsulat ng


maikling kuwento sa Panitikang Filipino?
Inaasahang Pag-unawa

1. Nakapagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa ang pagsusuri


sapagkat napagyayaman nito ang diwa ng mambabasa sa
pagtatahi ng mga kaisipang nakapaloob sa akda.

2. Mahalagang salik sa makabuluhang pagsusuri ang mabisang


pagsunod sa mga hakbang sa pagsusuri at wastong
paglalapat ng ideya sa mga salik na sinusuri kaugnay ng isang
akda.
Inaasahang Pag-unawa

3. Nalilinang ng pagsusuri ang kakayahang ilapat ang


kaunawaan ng mag-aaral sa mga ideya at kaisipang napuna sa
akdang pampanitikan, pasalita man, pasulat, o pareho.
Paglalagom

● Ang mga elementong paksang-diwa, kaisipan, tauhan,


tagpuan/panahon, suliranin, tunggalian, banghay, at estilo
ng pagsulat ng awtor ang nagsisilbing pamantayan sa
pagsusuri ng maikling kuwento.

● Binubuo ang banghay ng mga bahaging simula, saglit na


kasiglahan, kasukdulan, kakalasan, at wakas.
Paglalagom

● Ilan sa mga karaniwang estilo sa pagsulat ng maikling


kuwento ang flashback, kronolohikal, at daloy ng kamalayan.
Kasunduan

Magsaliksik ng isang pagsusuri ng maikling kuwentong


Filipino sa Internet at iba pang maaaring sanggunian. Bigyan
ng tatlo o higit pang puna ang ginawang pagsusuri at
ipaliwanag ang bawat isa sa mga ito.
Mga Sanggunian

Austero, Cecilia S., et. al. 2013. Retorika Masining na Pagpapahayag. Lungsod ng Maynila: Rajah Publishing House.

Belvez, Paz M. et. al. 2006. Panitikan ng Lahi. Lungsod ng Maynila: Rex Book Store, Inc.

Infantado, Remedios V. et. al. 2006. Tuklas I: Aklat sa Wika at Panitikan. Lungsod ng Maynila: Magallanes Publishing
House.
Reyes, Alvin Ringgo C. et. al. 2006. Pinagyamang Wika at Panitikan 10 Edisyong K-12. Lungsod Makati: Diwa Learning
Systems, Inc.

Youtube. “Pagsulat ng Lagom/Buod ng Tekstong Nabasa o Napakinggan l Ikatlong Markahan l Filipino l MELC BASED”
huling in-access noong September 29, 2021. https://youtu.be/E-JFrt0QVt0

You might also like