Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Aralin: Mga Suliraning

Pangkapaligiran-
Pagkasira ng mga Likas
na Yaman
By: Sir Reggie O. Ilag
Layunin:
• Natutukoy ang kahulugan ng
deforestation
• Naiisa-isa ang dahilan ng deforestation
sa Pilipinas
• Napapahalagahan ang Likas na yaman
ng Pilipinas bilang pangunahing
pinagkukunang yaman sa Pilipinas
PANIMULA
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng
maraming likas na yaman. Tinatayang 15% ng
kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa
direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa
nito ay ang 62 pagtatanim at pangingisda. Mahalaga
din ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng
produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng
industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga
computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa
mula sa mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga
ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa.
•Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at
nauubos ang likas na yaman ng
Pilipinas dahil sa mapang-abusong
paggamit nito, tumataas na demand ng
lumalaking populasyon, hindi
epektibong pagpapatupad ng mga
programa at batas para sa
pangangalaga sa kalikasan, at mga
natural na kalamidad.
Ang likas na yaman ng Pilipinas sa
kasalukuyan…
• Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng
forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay
naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003.
• Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang
ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw
mula sa dating 10 kilo.
• Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng
matabang lupain sa huling sampung taon
Suliranin sa Yamang Gubat
• Ito ang tahanan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili
ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang
balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay
maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
• Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad
ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing
pangangailangan ng tao.
• Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa
mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula
sa kagubatan (Philiipine Tropical Forest Conservation
Foundation, 2013).
Ano ang Deforestation?

• Ayon sa Food and Agriculuture


Organization ng United Nations, ang
deforestation ay tumutukoy sa
matagalan o permanenteng
pagkasira ng kagubatan dulot ng
iba’t ibang gawain ng tao o ng mga
natural kalamidad (FAO, 2010).
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests
(2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng deforestation sa
Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
1. Illegal logging - Ilegal na pagputol sa mga puno sa
kagubatan. Ang kawalan ng ngipin sa pagpapatupad ng mga
batas sa illegal logging sa Pilipinas ang nagpapalubha sa
suliraning ito.
Epekto
• Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng
iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at
pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop. Sa katunayan
noong 2008 ay mayroong 221species ng fauna at 526
species ng flora ang naitala sa threatened list (National
Economic Development Authority, 2011)
2. Migration – paglipat ng pook panirahan.
Epekto
• Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn
farming) ang mga lumilipat sa kagubatan at
kabundukan na nagiging sanhi ng
pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng
sustansya ng lupain dito
3. Mabilis na pagtaas ng populasyon
Epekto:
• Ang mabilis na pagtaas ng populasyon
ng Pilipinas ay nangangahulugan ng
mataas na demand sa mga pangunahing
produkto kung kaya’t ang mga dating
kagubatan ay ginawang plantasyon,
subdivision, paaralan, at iba pang
imprastruktura.
4. Fuel wood harvesting -paggamit ng puno bilang
panggatong. Isang halimbawa ay ang paggawa ng
uling mula sa puno.
Epekto:
• Ayon sa Department of Natural Resources na
lumabas sa ulat ng National Economic
Development Authority (2011), tinatayang
mayroong 8.14 milyong kabahayan at industriya
ang gumagamit ng uling at kahoy sa kanilang
pagluluto at paggawa ng produkto, ang mataas na
demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan ng
pagputol ng mga puno sa kagubatan.
5. Ilegal na Pagmimina
Epekto:
• Apektado ang kagubatan sa pagmimina
dahil kadalasang dito natatagpuan ang
deposito ng mga mineral tulad ng
limestone, nickel, copper, at gold.
Kinakailangang putulin ang mga puno
upang maging maayos ang operasyon
ng pagmimina.
•Nagdudulot din ng panganib sa
kalusugan ng tao at ng iba pang nilalang
sa kagubatan ang mga kemikal na
ginagamit sa pagpoproseso ng mga
nahukay na mineral. Ayon sa DENR,
mayroong 23 proyekto ng pagmimina
ang matatagpuan sa kabundukan ng
Sierra Madre, Palawan, at Mindoro.
Climate Change
• Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index
(Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015),
naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa
sampung bansa na pinakanaapektuhan ng
Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas,
dumadalas, at nagiging unpredictable ang
pagkakaroon ng mga natural na kalamidad
tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan
na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate
change.
Ano ang Climate Change?
• Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate
Change (2001), “Climate change is a
statistically significant variation in either the
mean state of the climate or in its, variability,
persisting for an extended period (typically
decades or longer). It may be due to natural
internal processes or external forcing, or to
persistent anthropogenic changes in the
composition of atmosphere or in land use.”
• Sinasabi na kahulugan na ang climate
change ay maaaring isang natural na
pangyayari o kaya ay maaari ding
napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng
tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang
patuloy na pag-init ng daigdig o global
warming dahil sa mataas na antas ng
konsentrasyon ng carbon dioxide na
naiipon sa atmosphere.
•Nanggagaling ito mula sa
usok ng pabrika, mga iba’t
ibang industriya, at
pagsusunog ng mga
kagubatan.
•Lumabas sa pag-aaral nina Domingo
at mga kasama (2008), na
nararanasan na sa Pilipinas ang
epekto ng climate change. Patunay
nito ang madalas at matagalang kaso
ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng
malalakas na bagyo, malawakang
pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot,
at forest fires.
•Nagkakaroon din ng suliranin sa
karagatan dahil sa tinatawag na coral
bleaching na pumapatay sa mga coral
reef na siyang tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat, nagdudulot din
ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling
mga isda at pagkawala (extinction) ng
ilang mga species.
• Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas
ay ang panganib sa food security dahil
pangunahing napipinsala ng malalakas na
bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang
produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil
sa pagkasira ng mga kalsda, bodega, mga
kagamitan sa pagtatanim at pag-aani,
irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan,
at pagkamatay ng mga magsasaka at
mangingisda.
•Nagiging mataas din ang bilang ng
mga nagiging biktima ng sakit
tulad ng dengue, malaria, cholera
dahil sa pabago-bagong panahon
at matinding init.
•Mayroon ring ilang mga mamamayan ang
napipilitang lumikas sinira ng malakas na
bagyo ang kanilang mga tahanan o kaya
ay natabunan ng lupa dahil sa landslide,
samantalang ang iba naman ay kinain ng
dagat ang dating lupa na kinatatayuan
ng kanilang mga tahanan.
Thank you for Listening!

You might also like