paglilingkod/ serbisyo ng mga kasapi ng komunidad LAYUNI N 1. Natutukoy ang mga naglilingkod sa komunidad. 2. Nauunawaan ang mga serbisyong ibinibigay ng mga naglilingkod sa komunidad. 3. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga naglilingkod sa komunidad. Bumuo ng grupo ng may 5 miyembro. Buuin ang larawan na aking ibibigay. Isagawa Idikit sa pisara ang larawang nabuo. Isulat kung ano ito. Sagutin Ano-ano ang mga larawang inyong nabuo?Basahin natin ang inyong mga isinulat. Ang mga larawang nabuo ay kapitan, pulis, guro, magsasaka at mangingisda. Alam mo ba kung ano ang tawag natin sa kanila? Sila ay mga kasapi ng KOMUNIDAD Ang Mga Paglilingkod/ Serbisyo ng Mga Kasapi ng Komunidad Mga Taong Nagbibigay ng Ating mga Pangangailangan MANGINGISDA – nanghuhuli ng mga yamang tubig tulad ng isda upang tayo ay may mabili sa palengke at makain. MAGSASAKA – nagtatanim ng palay, prutas at gulay upang tayo ay may makain. Mga Taong Nagbibigay ng mga Serbisyo GURO – nagtuturo sa mga bata ng pagbabasa at pagsusulat KARPINTERO – gumagawa at nagkukumpuni ng bahay. TUBERO – nag-aayos ng mga sirang linya ng tubig BASURERO – nangunguha ng mga basura sa kabayahan KAMINERO – naglilinis ng kalsada at daanupang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran ng komunidad. Mga Taong Nagbibigay ng Proteksyon PULIS – nagpapanatili ako ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. BUMBERO – tumutulong sa pag-apula ng sunog. KAPITAN – namumuno ng isang komunidad. BRGY. TANOD – tumutulong sa pulis at kapitan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan. Mga Taong Nangangalaga sa Kalusugan DOKTOR AT NARS – nagtutulungan upang gumaling ang mga may sakit tulad ng Covid19. Barangay Health Workers – nangangalaga ng mga kalusugan ng mga tao sa kumonidad. Ang lahat ng ito ay malaki ang na-i- tutulong sa komunidad. Kung wala sila sa ating komunidad walang mag-aalaga sa ating kalusugan at tutulong sa ating mga pangangailangan. Kaya nararapat lamang na atin silang pahalagahan at pasalamatan.
Paano mo sila mapapahalagahan?
GAWAIN BILANG 1 Bumuo ng grupo na may 4 na miyembro. Ipakita ang paggalang at pagpapahalaga sa mga sumusunod na sitwasyon sa pamamagitan ng pantomime. SITWASYON 1 Nasalubong mo ang iyong guro sa palengke. SITWASYON 2 Sinabihan ka ng inyong barangay tanod na magsuot ng face mask. SITWASYON 3 Kumakatok ang basurero sa inyong gate para kunin ang basura. SITWASYON 4 Sinaway ka ng pulis dahil sa maling tawiran ka tumawid. SITWASYON 5 Binigyan ka ng inyong barangay health worker ng libreng bitamina. GAWAIN BILANG 2 Isulat sa whiteboard ang titik T kung angpangungusap ay wasto at M naman kung mali. 1. Ang guro ang nagtuturo ng mga asignatura, nagbibigay ng gabay sa pang-araw-araw na gawain at kagandahang asal. 2. Ang doktor ang nagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran sa pamamagitan ng paglilinis sa kalsada at daan. 3. Ang pulis ang nagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad. 4. Ang kapitan ng barangay ay naglilingkod para sa kaayusan at kaligtasan ng komunidad. 5. Ang barangay health worker ay naglilingkod para sa pangkalusugang pangangailangan ng nasasakupang komunidad. Pangkatang Gawain Panoorin ang maikling kuwento. Pagkatapos ay pumili ng 1 sa mga sumusunod na gawain ayon sa inyong nais at interes. Ang Mga Bagong Bayani (Maikling Kuwento para sa mga FRONTLINERS) - YouTube GAWAIN A Isulat a 5 pangungusap ang inyong reaksiyon o damdamin tungkol sa napakinggang kuwento. GAWAIN B Iguhit ang kasapi sa komunidad na ipinakita sa kuwento. Isulat o iulat ang serbisyo nito. GAWAIN C Gumawa ng poster o slogan tungkol sa paggalang at pagmamahal sa mga kasapi ng komunidad. PAGLALAHA T Sinu – sino ang mga nagbibigay serbisyo sa ating komunidad? PAGTATAY A Gawin ang Thumbs up kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Thumbs down kung hindi. 1. Hinuhuli ng bumbero ang lumalabag sa batas. 2. Mabilis ang pulis sa pagpatay ng sunog. 3. Sinisiguro ng kaminero na malinis ang kapaligiran ng komunidad. 4. Tinutulungan ng nars ang doktor sa pangangalaga sa mga maysakit. 5. Tumutulong ang tubero sa kapitan ng barangay sa pagpapanatiling kaayusan ng kapayapaan sa komunidad. MARAMING SALAMAT