Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

bionote

GROUP 1- AKADEMIKONG
PAGSULAT ( BIONOTE )
ANO NGA BA ANG
BIONOTE?
bionote

 Maituturing na isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng


personal profile ng isang tao. Para rin itong talambuhay ngunit higit
na mas maikli ang bionote at mas detalyado naman ang talambuhay.

 Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang


academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal,
aklat, websites at iba pa ( Duenas at Sanz).
bionote

 Ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume o anumang kagaya


nito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin.

 Maaari itong maging pormal o impormal ayon sa layunin o


pangangailangan ng manunulat.
bionote
 Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sapagsulat ng
personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyongtalambuhay o tinatawag sa
Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay okatha sa buhay ng isang tao o biography.
Parang ganito rin ang bionote ngunit itoay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay
Duenas at Sanz (2012) sakanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang
bionote ay tala sabuhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career
namadalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulatingpapel,
websites, at iba pa.
 Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, oanumang kagaya
ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isangpropesyonal na layunin. Ito rin
ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkolsa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites.Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa
madla sa pamamagitan ngpagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at
maging ng mganagawa o ginagawa sa buhay.

5 presentation title 20XX


mga katangian ng
bionote
Katangian ng bionote:

 Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at


isulatlamang ang mahahalagang impormasyon,
 Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit
ngpangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa
sarili.Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa
UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory
saparehong pamantasan
 Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market -
kailangangisaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang
targetna mambabasa ay mga administrador ng paaralan , kailangang
hulmahinang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.

7 presentation title 20XX


Katangian ng bionote

 Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at ibapang


obhetibong sulatin, talagang inuuna ang
pinakamahalagangimpormasyon sa bionote.

8 presentation title 20XX


Katangian ng bionote
 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili lamang ng
mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalistat chef “.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan , halimbawa hindi na kailangan
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef.

 Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan - Kung may PhD


halimbawa at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.

9 presentation title 20XX


Katangian ng bionote:

 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masamakung


paminsan-minsa ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung itonaman ay
kailangan upang matanggap sa inaplayan o upang ipakita saiba ang
kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo angimpormasyon.

10 presentation title 20XX


mga dapat tandaan sa
pagsulat ng bionote
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE:
 Gawing maikli ang isusulat na bionote. Bubuuin lamang ito ng
200na salita kapag gagamitin sa resume at 5-6 na pangungusap
namankung ito ay gagamitin sa networking site.

 Simulan ito sa pagbanggit ng mga personal na detalye tungkol


saiyong buhay. Itala ang mga interes, tagumpay na nakamit
ngunitpumili lamang ng 2 o 3 na pinakamahalaga.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE:
 Gumamit ng ikatlong panauhan upang maging obhetibo
angpagkakasulat ng bionote.

 Gawing simple ang pagkakasulat ng bionote. Gumamit ng mga


payakna salita upang madali itong maintindihan ng mga mambabasa
atmakamit ang pinakalayunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa
ibasa maikli at tuwirang paraan.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE:
 May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na
magingkawili-wili ito sa mga babasa, gayunman iwasang maging
labis sa paggamitnito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan
kung ano at sino ka.

 Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong


bionote.Maaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin
upang matiyakang katumpakan at kaayusan nito.
mga hakbang sa pagsulat ng
bionote
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NG BIONOTE:
 Tiyakin ang layunin sa pagsulat ng bionote sapagkat ito
angmagsisilbi mong gabay kung anong mga impormasyon ang dapat
na isama.

 Pagpasyahan ang haba ng susulating bionote sapagkat kadalasanay


may kahingian ang mga organisasyong humihingi nito.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
NG BIONOTE:
 Simulan ito sa pangalan sapagkat kapag pangalan ang unangnakita
sa bionote ay mayroon na kaagad katauhan ang taongipinakikilala, at
unang mairerehistro sa kamalayan ng mgamambabasa ang pangalan
ng ipinakilala.

 Ilahad ang propesyong kinabibilangan upang maitaas mo ang


antasng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.

 Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay na may kinalaman satarget


na mga awdiyens.
Mga hakbang sa pagsulat ng bionote:

 Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye dahil mahalaga na


mayelement of surprise upang mapukaw ang interes ng mga
mambabasa.

 Isama ang contact information (e-mail, social media account,


atnumero ng telepono sa trabaho o personal na numero).

 Basahing muli at suriin ang ginawang bionote.


 Isulat ang pinal na sipi nito. Maaaring ipabasa muna ito bagogamitin
upang matiyak na maayos at wasto ang mga
impormasyongnakapaloob sa ginawang bionote.
Upang mas lalo mong maunawaan ang aralin ay
basahin mo ang isang halimbawa ng bionote sa
ibaba. Ito ay bionote ng isang tanyag namanunulat sa
Filipino na si Bienvinido Lumbera.
Bionote ni Bienvenido Lumbera
Isinulat ni Rommel Rodriguez

Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan, si BienvenidoLumbera ay ipinanganak noong


Abril 11, 1932 sa Lipa, Batangas. Nag-aralsa Unibersidad de Santo Tomas noong 1950 at sa Indiana
University noong1967. Naging propesor din siya sa Osaka University at University of Hawaiisa Manoa,
gayundin din sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.
Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Bien sa larangan ng sining atpanitikan. Nakapaglimbag na
siya ng mga panandang-taon na antolohiya, nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales of the Manuvu,
Nasa Pusoang Amerika at Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw. Pinarangalan siyabilang Pambansang
Alagad ng Sining at nagkamit na rin ng gawad mula saRamon Magsaysay Awards para sa pamamahayag.
Sa kabila ng buhay sa sining, hindi nakaligtaan ni Bien ang halaga atugnayan ng kanyang pagiging
iskolar, guro at artista sa lipunan at bayan.Kinikilala ang kanyang ambag sa larangan ng pagtatayo ng
mgaorganisasyong nagtataguyod ng pambansang demokrasya. Bukod sapagiging Professor Emeritus sa UP
Diliman, siya rin ang Chairman Emeritusng Concerned Artists of the Philippines at Congress of Teachers/
Educatorsfor Nationalism and Democracy. Siya rin ang naging tagapanguna sapagkakatatag ng Alliance of
Concerned Teachers, Philippines nanangangalaga naman sa kagalingan ng mga guro sa Pilipinas.
Bionote ni Bienvenido Lumbera
Isinulat ni Rommel Rodriguez

Maraming beses na rin nakasama si Bien sa mga pambansang kilos-protesta. Patuloy siyang
nakikibahagi sa pagsulong ng makatuwirang sahodat karapatan ng mga manggagawa. Inilapat niya sa
kanyang mga akda angbuhay at himagsik ng mga magsasaka. Naging lunan ng kanyang mgakaranasan
noong batas military ang mga obrang tula at awitin. Sa lahat ngito, isang dakilang patunay sa Bien na ang
sining ay marapat lamangmagsilbi sa mga uring inaapi at pinagsasamantalahan, habang ito rin
aymabisang paraan upang himukin ang mamamayan na makiisa tungo sapaglaya ng bayan.

21 presentation title 20XX


Tunghayan ang isa pang halimbawa ng Bionote
hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag ,koordineytor
at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”
“Pinagyamang Pluma”
Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science inElementary and Secondary Education
magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa Philippine
NormalUniversity . Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng dalawampu’t limangtaon at nakapanglingkod
bilang homeroom chairman , koordineytor ngFilipino at Sibika / HeKaSi at Assistant principal for Academics
sa St. PaulCollege Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang kumperensyangpangguro sa iba’t ibang bansa
tulad ng Amerika , Singapore ,China( Macau) at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya
samga kumperensyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyangpagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa
pagiging trainer-facilitator ngmga seminar-workshop na pangguro sa iba’t ibang panig ng bansa.
Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association ofSchools , Colleges , and Universities
o PAASCU. Kontribyutor din siya sailang magasing pambata gayundin sa mga magasin at journal na
pangguro.Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mulasa Maykapal ay ang
pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong suplingsiya niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga aklat na
kanyang iniaalay salahat ng mga batang Pilipino.
PANSININ:
Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod:

Pangalan ng may-akda , kursong natapos (graduate at post-graduate),


karangalang makamit, trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan,
mgakumperensyang nadaluhan, kontibyutor, angkop na kasanayan,
akreditor, manunulat, at iba pa.

You might also like