Mga Isyu Sa Paggawa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Mga Isyu sa

Paggawa
MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)

Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon ng isyu ng paggawa sa bansa

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod:

• Naipaliliwanag ang dahilan at epekto ng pagkakaroon ng unemployment at


underemployment;

• Nasusuri ang batas tungkol sa epekto ng mura at flexible labor sa bansa;

• Nabibigyang halaga ang mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino.


Unemployment and Underemployment
May mataas na demand para sa globally standard na paggwa t pagtugon
na isinasagawa ng ating pamahalaan tungkol sa hamon ng globalisasyon sa
paggawa.
Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas taon-
taon. Ayon sa pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang kabuuang OFW dahil sa
kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho. Sa katunayan, ang OFW
ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito sa
bansa.
Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-taon ay nasa
687,000 ayon sa Philippine Labor Employment (PLEP 2016). Hindi
makasasapat kahit ikumpara sa mha bagong pasok na puwersa sa paggawa na
umaabot mula sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon.
Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay sa paglaki ng
unemployment at underemployment ay ang paglaki ng bilang ng mga job-mismatch
dahil sa hindi nakakasabay ang mga college graduate sa demand na kasanayan at
kakayahan na entry requirement ng mga kompanya sa bansa.
Ipinapahiwatig nito na maraming kurso sa mga Higher Education Institutions
(HEIs) at mga kolehiyo sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga
pribadong kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga
manggagawa. Ayon sa ulat ng isang grupo ng mga manggagawa tinatayang aabot ng
1.2 milyon na college at vocation graduates ang nahihirapan sa pagkuha ng mga
trabaho dahil sa patuloy na mismatch sa kanilang kasanayan at kakayahan mula sa
kanilang tinapos na kurso sa kakailanganing kasanayan at kakayahan na hinihingi ng
mga employer sa bansa at sa labas ng bansa.
Mga Dahilan ng suliraning Kawalan ng
Trabaho (Unemployment)
• Kawalan ng oportunidad upang makapagtrabaho
• Kakulangan sa akademikong paghahanda dulot ng mababang kalidad ng
sistema ng edukasyon
• Paglaki ng populasyon
Mga kaganapan kung bakit mayroong suliranin sa
paggawa at kawalan ng
trabaho (Unemployment)
• Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho sa dating trabaho.

• Ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.

• Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng panahon at okasyon.

• Naganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng industriya
sanhi ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer

• Gustuhin mo pang ipagpatuloy pa pero hindi ka na kailangan.


Mga Uri ng Unemployment
1. Voluntary
Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtratrabaho.
2. Frictional
Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang
ipinatigil ang trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga.
3. Casual
Nangyayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na
panahon.
4. Seasonal
Nangyayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na
panahon (Halimbawa: Tuwing magpapasko).
5. Structural
Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa
ekonomiya kaya hindi na rin kailangan ang mga nagtrabaho at namumuhunan.
6. Cyclical
Nagkakaroon nito kapag ang industriya ng mga mangaggawa ay nakaranas ng
business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng unemployment.
Mga dahilan ng suliranin sa Paggawa at Trabahong
Hindi Angkop sa Pinag-
aralan o (Underemployment).
1.Isa sa mga sagabal sa pagkakaroon ng trabaho ay yong hindi tugma ang kanilang
pinag-aralan o kuwalipikasyon sa dapat nilang pasukang trabaho. Ang ibang
nakapagtapos ng pag-aaral ay namamasukan na lamang sa trabahong mas mababa kaysa
sa kanilang pinag-aralan okwalipikasyon.
2. Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho. Ayon sa pag-aaral
nahihirapan ang mga establisyemento na punan ang mga bakanteng posisyon sa
kanilang kompanya, ang dahilan ay kawalan ng kinakailangang kasanayan. May
malaking proporsyon ng “hindi tugma o mismatch” sa pagitan ng pagsasanay at aktwal
na pagtratrabaho.
3. Isa pang dahilan ng suliranin sa paggawa ay ang hindi pagbibigay ng wastong
pasahod at kaunting benepisyo ang ibinibigay ng mga kapitalista sa mga manggagawa,
kasama ang hindi maayos na kondisyon sa pinagtratrabahuan o (poor Working
Conditions).
4. Kabilang sa dahilang ng kawalan ng trabaho ng mga Pilipino ay ang Katamaran.
Makikita natin na maraming nagistambay at maghapong walang trabaho.
5. Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga
lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang
produkto sa pamilihang lokal
“ Mura at Flexible Labor”
“mura at flexible labor” - Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o
mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code - patakarang pinaghanguan ng
flexible labor.
Investment Incentive Act of1967 - ilunsad ang malayang kalakalan at
pamumuhunan sa ilalim ng patakarang neo-liberal.
RA 5490 - para itayo ang Bataan Export Processing Zone ( BEPZ) at iba pang
Economic Processing Zone ( EPZ) bilang show case ng malayang kalakalan.
Omnibus Investment Act1987 at Foreign Investment Act of 1991 - batas nagpapatibay
sa mga patakarang neo-liberal. Ang mga batas na ito na nagbigay ng buong laya sa daloy
ng puhunan at kalakal sa bansa ay nagsilbing malawak na impluwensiya ng mga
kapitalista upang ilipat lipat ang kanilang produksyon sa mga itinayong branch
companies sa panahong may labor dispute sa kanilang itinayong kompanya.
Sinusuga noong Marso 2, 1989 ang Labor Code - (PD 442) ni dating Pangulong
Marcos na kilala ngayong RA 6715 (Herrera Law) na isinulong ni dating Senator
Ernesto Herrera. ginamit ng mga kapitalista ang probisyon ng batas paggawa hinggil sa
kaswal, kontraktwal, temporary, seasonal, on the job training at ang probisyon ng Article
106-109 hinggil sa pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing hindi bahagi ng
produksyon gaya ng security guard, serbisyong janitorial, at messengerial. Isinunod ang
iba’t bang bahagi ng operasyon ng kompanya gaya ng pagbuburda, paggawa ng patches,
etiketa, at emboss sa garments.
Mga Patakarang Nagpalakas ng Flexible
Labor
1. Department Order no. 10 ng Department of Labor and Employment (DOLE)
– nilalaman nito na maaaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang gampanan
ng mga regular na manggagawa, pamalit sa mga absent sa trabaho, mga gawaing
nangangailangan ng espesyal na kasanayan o makinarya
2. Department Order 18-02 ng DOLE
– isinasaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho ng mga trabaho
at gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa
kanila)at ng kanilang oras o araw ng paggawa, o kung ang pagpapakontrata ay makakaapekto
sa union gaya ng pagbabawas ng kasapi, pagpapahina ng bargaining leverage o pagkahati ng
bargaining unit.
Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga
Manggagawa
• Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa

batas na tinatamasa ng mga manggagawang regular


• Hindi sila binabayaran ng separation pay, SSS, PhilHealth at iba pa.
• Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargining

Agreement (CBA) dahil hindai sila kasama sa bargaining unit.


• Hindi sila maaaring magbuo o sumapi sa union dahil walang katiyakan o

pansamantala lang ang kanilang security of tenure


• Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer sa mga
manggagawang nasa empleyo ng isang ahensya.
Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang
Manggagawa
Kung ang mga kapitalista ay mulat sa kalakaran na maging dating bawal na
kontraktuwalisasyon ay ligal na. Kailangan maging mulat bilang uri at maging alerto ang
mga manggagawa para magapi ang patakarang mura at flexible labor.
Kailangan ng pagkakaisa ng hanay ng mga manggagawa tungo sa isang
marangalna trabaho para sa lahat. Pag-oorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang
walang itinatangi – regular man o hindi, kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man
o wala, dapat isulong ang mga isyung magiging kapaki-pakinabang sa uring
manggagawa.
Mas paigtingin ang pag-oorganisa at pagpapakilos sa mga manggagawa sa bago at
mahirap na kalagayan. Pagsulong sa ilang probisyon ng DO 18-A, na angkop para
maisagawa ang bagong kaayusan sa paggawa.
Sa kabilang banda, hindi maitaas ang suweldo, hindi maipagkaloob ang
kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa
sapagkat mahihirapan ang mga namumuhunan, negosyante at may-ari ng Transnational
Corporations (TNCs) na ipagkaloob ang mga ito dahil sa patakarang umiiral sa ilang
bansa na kakompetensiya ng sariling bansa sa produksiyon, katulad ng China na may
mataas na demand ng pangangailangan ng mga pamumuhunan dahil sa mababa, mura at
flexible.
Mga Karapatan ng mga Manggagawa
Ayon sa International Labor Organization (ILO)

• ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
• ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa
halip na mag-isa.
• bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping
trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng
pamimilit o ‘duress’.
• bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong
minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
• bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa
parehong na trabaho.
• ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga
manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at
ligtas.
• ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.
TAYAHIN

Panuto : Basahin at suriin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

______1. Tumutukoy sa kawalan ng trabaho ng isang manggagawa.

A. Employment C. Job order

B. Job-mismatch D. Unemployment

______2. Si Pedro ay graduate sa kursong nursing ngunit siya ay nagtatrabaho bilang isang Law Firm Secretary. Ito ay
halimbawa ng_______.

A. Employment C.Job-order

B. Job-mismatch D.Underemploymet

______3. Suliranin sa paggawa na hindi angkop ang pinag-aralan o kuwalipikasyon

sa dapat nilang papasukang trabaho.

A. Deflation C. Overqualified

B. Inflation D. Underemployment
______4. Paraan ng kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita sa pagpapatupad ng mababang
pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.

A. Mura at flexible labor B. job-mismatch

C. Unemployment D. poor working conditions

______5. Ang unemployment na nangyayari kapag ang trabaho ay napapanahon.

A. Casual B. Frictional C. Seasonal D. Voluntary

______6. Uri ng unemployment na nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa ekonomiya.

A. Casual B. Cyclical C. Frictional D. Structural

______7. Ilan sa mga Pilipino ang istambay dahil sa kawalan ng trabaho. Ano ang magiging bunga nito?

A. Kaalaman C. Kagalingan

B. Kaayusan D. Katamaran
8. Ang kawalan ng trabaho ay suliraning kinakaharap ng mga mamamayan. Ang mga sumusunod ay
solusyon sa kawalan ng trabaho maliban sa___.
A. pagbibigay ng kurso sa TESDA C. pagsasaayos ng sistema ng edukasyon
B. pagpaparami ng mga trabaho D.paglimita sa mga mamumuhunan sa bansa
____9. Ang industriya ng mga manggagawa ay nakaranas ng business cycle.
A. Cyclical B. Casual C. Structural D. Frictional
____10. Lahat ng pahayag sa ibaba ay mga karapatan ng mga manggagawa
maliban sa isa.
A. Malayang makilahok sa mga unyon ng manggagawa.
B. Puwedeng lahat ng anyo ng sapilitang pagtatrabaho.
C. Sapat na sahod sa lahat ng manggagawa.
D. Ligtas sa panganib ang mga manggagawa.

You might also like