Naranasan mo na bang magtampo sa iyong kaibigan? Paano mo ito ipinabatid sa kaniya? Sa pamamagitan ba ng tahasang pagsasabi o sa iyong mga aksiyon lamang? Nakakasakay ka ba sa mga biruan? Paano mo nalalamang biro lamang ang sinasabi ng iyong kausap? Nakiusap ka na ba sa iyong guro sa anomang pagkakataon sa iyong buhay-mag-aaral? Paano mo ito ginagawa? Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbubuo ng mga pangungusap batay sa itinatakda ng gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng wika. Mahalaga ring matutuhan ang kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkikila sa mga biro, at pagpapadaloy ng usapan. Samakatuwid, kailangang matukoy ng isang tao ang maraming kahulugan na maaaring dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon (Lightbown at Spada 2006). Halimbawa, ang tanong na, “Sa iyo ba ang bag?” ay maaring mangahulugan ng: (1) pagtiyak sa kung sino ang nagmamay- ari ng bag: (2) papuri o pagkutya sa estilo ng bag; o (3) pagkainis sa nakakalat na bag. Ang ganitong kakayahang komunikatibo ang nais nating itampok sa araling ito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kakayahang pagkatuto. Ano ang kakayahang Pragmatiko? Ayon kina Lightbown at Spada 2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may paggalang. Ibig sabihin, ang isang taong may kakayahang pargmatiko ay mabisang nagagamit ng yaman upang makapagpahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di- sinasabi, at ikinikilos ng kausap. Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act. Para sa pilosopo sa wika na si J.L. Austin (1962; sipi kay Hoff 2001), ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita” o speech act. Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangako, at iba pa. Tatlong Sangkap ng Speech act. 1. Illocutionary force. Ito ay sadya o intensiyonal na papel. Halimbawa nito, pakiusap, utos, pangako. 2. Locution. Ito ay isang angyong lingguwistiko. Halimbawa, patanong, pasalaysay. 3. Perlocution. Ito ang nagiging epekto sa mga tagapakinig. Halimbawa, pagtugon sa hiling, pagbibigay-atensiyon. Tingnan natin ang isang senaryo. Isang kostumer sa restoran ang nagpahayag sa weyter ng ganito: “Mayrroon ba kayong tubig na walang yelo?” Sa nasabing halimbawa, ang illocutionary force ng kostomer ay ang paghiling na madalhan siya ng inuming tubig na walang kasamang yelo. Ipinadaloy niya ito sa locution na patanong. Ang epekto nito, o perlocuionary, ay ang pagsunod ng weyter sa kaniyang kahilingan. Sa kaso ng pagkatuto ng ikalawang wika, na tinatawag na interlanguage paragmatics (Bardovi-Harlig 1999; sipi kay Lightbown at Spada 2006), ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na wika at nagsimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensyon sa pamamagitan ng iba’t ibang speech act. Bahagi ng larangang ito ang pananaliksik na isinagawa nina Bardovi- Harlig at Hartford (1993) hinggil sa paraan ng pagtanggi at pagbibigay-suhestiyon ng mga estudyanteng taal at di-taal na tagapagsalita ng Ingles sa mga sesyon ng akademikong pagpapayo sa isang unibersidad sa Amerika. Naobserbahan nila sa pag-aaral na ito ang pagkakaiba sa pakikipag-usap na ginagawa ng mga estudyanteng taal at di-taal na tagapagsalita ng Ingles sa kanilang mga propesor hinggil sa pagpili ng kukuning kurso. Anila, kapansin-pansin ang pagiging pasibo ng di- taal na tagapagsalita sa usapin ng pagbibigay ng suhestiyon kumpara sa mga taal na tagapagsalita. Mas malaki rin ang tendensiya ng pagtanggi sa suhestiyong ibinibigay ng tagapayong propesor ng mga di-taal na tagapagsalita. Dagdag parin nito, diektang ipinahahayag ng di- taal na tagapagsalita ang kaniyang pagtanggi kumpara sa taal na tagapagsalita na ipinadadaan sa isang alternatibong suhestiyon ang hindi pagsang-ayon. Halimbawa, sa mungkahing kurso ng tagapayo, ang isang di-taal na tagapagsalita ng Inglesh ay magpapahayag ng, “I think I am not interested in that course,” na kaiba sa sasabihin ng taal na tagapagsalita na nagbibigay pa ng suhestiyon sa anyong, “I think this other course would better meet my needs.” Sa nabanggit na sitwasyon, mahihinuha kung gaano kahalagang linangin ang kakayahang pragmatiko upang unayon sa hinihingi ng konteksto at makamit ang inaasahang resulta mula sa kausap. Berbal at Di-Berbal na komunikasyon Sa paglinang ng kakayahang pragmatiko, mahalagang isaisip ang pag-iral ng dalawang uri ng komunikasyon. Iba’t ibang uri ng di-berbal na komunikasyon 1. Kinesa (Kinesics) 2. Proksemika (Proxemics) 3. Pandama o paghawak (Hatics) 4. Paralanguage 5. Katahimikan o kawalang-kibo. Lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o dili kaya ay magparating ng tampo o sama ng loob. 6. Kapaligiran. Tumutukoy sa pinagdarausan ng pakiki-usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang intensyon ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap. Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino Napaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa kagawiang pangkomunikasyon ng mga tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Sa pamamagitan, natatantiya ng isang mag-aaral ng wika kung ang kaniyang sasabihin ay maaaring maging lubhang tuwiran o napapalooban ng tamang pagkikila at paggalang sa kausap Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002), kaniyang binibigyang-diin ang pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang ating pagbabahagian ng mga kahulugan kahit sa pamamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito sa kung paano nating itinuturing ang katahimikan o kawalang-kibo bilang malalim na pag-iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan. Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon. Ito ay isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakikiramdam at matunog na pagbabasa ng mga himaton; o ng mga verbal na palatandaang kaakibat nito”. Maaaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-berbal, o kombinasyon nito. Kadalasang ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang sa damdamin at dangal ng isang tao. Mga salitang kaugnay ng pahiwatig (Maggay 2002) 1. Mga salitang di-tuwirang pagtuykoy o palihis na pagtatama o pagpupuntirya: a. Pahaging – isang mensaheng sinasadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid. b. Padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang kinauukulan nito. 3. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan. c. parinig- malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid. d. Pasaring- mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang mensaheng nakasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan. 3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama. a. Paramdam – isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadagdag, pagbabagsak ng mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba pa. b. Papansin- isang mensaheng may layuning humingi ng atensyon na kadalasang naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa sa pananamit at pagkilos, sobra- sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin. 4.Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napatatamaan siya. a. sagasaan- pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwan tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may masaktan: “dahan-dahan at baka makasagasa ka”. b. paandaran- mekanismo ng pahiwatig na kadalang nakapokus at umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran”. Gawain: Pagtatalumpati • Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang talumpati. Sa loob ng limang minuto, ipahayag ito sa klase nang may angkop na tono at kumpas. Paksa: 1. Paglalaan ng maraming oras ng mga estudyante sa online games 2. Pakikipagrelasyon ng kabataan 3. Nightlife o paglilibang sa gabi Rubriks Bilang sariling pagtatasa, sagutin ang sumusunod na rubrik kaugnay ng ginawang talumpati.
Nagsisimula Nagtatangka Mahusay Napakahusay Punto
Kategorya 0-4 5-8 9-12 13-15
Kahandaan Hindi naiaangkop
ang talumpati sa Bahagdang naiaangkop ang Naiaangkop ang talumpati sa Ganap na naiaangkop ang talumpati sa tagapakinig; hindi talumpati sa tagapakinig; tagapakinig; nakakukuha ng tagapakinig; nakakukuha ng nakatutok ang mga atensiyon nakakukuha ng atensiyon tagapakinig at litaw kaunting atensiyon ang interes sa talumpati Kaalaman sa Hindi maayos; ang pagpapaliwanag; May tangkang maipa liwanag ang Nakapagpapaliwana g ng mga ideya; Maayos na naipaliliwanag ang Paksa halos walang ideya; may nakapagbabahagi mga ideya; maraming naibabahaging naibabahaging ilang ng bagong naibabahaging bagong kaalaman at bagong kaalaman at kaalaman at bagong kaalaman at sanggunian kaunting kumikilala sa mahusay ang sanggunian sanggunian pagkilala sa sanggunian Kahusayan Mahina sa gramatika at sa May ilang pagkakamali sa Angkop ang gramatika at ang Mahusay ang gramatika at ang mga pagpili ng angkop gramatika at sa mga salitang salitang ginagamit; na salita; hindi pagpili ng angkop ginagamit; maayos maayos na maayos maayos ang na salita; maayos- ang pagbigkas; hindi ang bigkas ng mga pagbigkas ng mga ayos ang pagbigkas kinakab salita; litaw ang salita; halatang ng mga salita; tila ahan kumpiyansa sa kinakabahan kinakabahan pagsasalita