Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Polynesia ang tawag sa maraming isla na makikita sa gitna at

timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng


Melanasia at Micronesia. Higit na malaki kaysa pinagsamang
lupain ng Melanasia at Micronesia, ito ay binubuo ng Hawaii,
New Zealand, Tonga, Easter Island, Austral Islands, Tuvalu,
Tuamotu, Wallis at Futuna, French Polynesia, Tokelau, Samoa,
American Samoa, Marquesas, Niue, Cook Islands, Society
Islands, at Pitcairn.
Ang isang pamayanan ay aabot hanggang 30 pamilya. Tohua
ang tawag ng sentro nito na kadalasang nasa gilid ng mga
bundok. Sa Tohua tinatanghal ang mga ritwal at pagpupulong at
napapaligiran ito ng tirahan ng mga pari at mga banal na
estruktura.
Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga
Polynesian. Naniniwala rin sila sa banal na kapangyarihan o
mana na nangangahulugang “bisa” o “lakas” at maaaring nasa
gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.
Upang hindi mawala o mabawasan ang mana, sinusunod ang mga
batas. Halimbawa, ang pangkaraniwang tao ay bawal pumasok sa isang
banal na lugar. Nakabukod at bawal makihalubilo sa babae at pili lang
ang dapat kainin upang hindi mawala ang mana ng mga lalaking
naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain.
Ang tawag sa mga pagbabawal o prohibisyong ito ay tapu at maaring
patawan ng kamatayan ang paglabag nito.
Micronesia
Ang Micronesia ay binubuo ng mga maliliit na isla ng Marshall
Islands, Caroline Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati),
Marianas Islands, at Nauru.

Matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya ang


maliit na pulo at atoll ng Micronesia. Matatagpuan malapit sa
mga lawa o dagat-dagatan pero sa bahaging hindi gaanong
tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin ang mga
sinaunang pamayanan para madali silang lumabas at maglayag sa
karagatan.
Pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay ng mga
Micronesian. Ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at
Yap ay may kaalaman din sa paggawa ng simpleng
palayok.
Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Bato at shell
ang ginagamit bilang paraan ng palitan sa Palau at Yap at mga
batong ginawang pera (stone money) ay ginagamit din ng
Palau. Nagpapalitan ng turmeric na ginagamit bilang gamot at
pampaganda ang matataas (high-lying islands) at
nakipagpalitan ng mga shellbead, banig na yari sa dahon ng
pandan, at magaspang na tela na galing sa saging at gumamela
ang mabababang pulo (lowlying coral atolls). Ang tela
ginawang palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan
Ang sinaunang relihiyon ng mga
Micronesian ay animismo. Nag-aalay sila ng
unang ani sa isang rituwal para sa mga
makapangyarihang diyos.
Melanesia
Matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia
ang Melanesia, hango sa “maiitim ang mga tao na nakatira
dito“ na kasalukuyang binubuo ng Vanuatu (dating New
Hebrides), New Guinea, Papua New Guinea, Fiji Islands, New
Caledonia, Solomon Islands, at Bismarck Archipelago.
Kadalasan nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa ang mga
sinaunang pamayanan na pinamumunuan ng mga mandirigma.
Ang mga Papuan ay nahubog sa katapangan, paghihiganti,
karahasan, at karangalan na mga alituntunin ng mga
mandirigma.
Nagtatanim din sila ng sago palm na
pinagkukunan ng sago at pandan maliban sa taro at
yam na pangunahing sinasaka sa Melanesia.
Nabubuhay din sila sa pangingisda, pag-aalaga ng
baboy, at pangangaso ng mga marsupial at ibon. Mga
baboy, palayok, apog, yam, asin, kahoy, at ang mga
gawang bangka ang karaniwang kinakalakal ng mga
taga pulo.
Laganap sa Solomon Islands at Vanuatu ang paniniwala
sa mana. Ang mga sinaunang Melanesian ay naniniwala
rin sa animism kung saan ipinababatid ng diyos ng
kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa
labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan.
May sariling katangian at kakayahan ang mga isla sa Pacific at
namumuhay sila sa pakikipagkalakalan sa iba-ibang isla at
kontinente.

Sa kasalukuyan, nakaimpluwensiya sa mga


mamamayang naninirahan sa mga isla sa Pacific at sa
mga karatig bansa nito sa Timog-Silangang Asya ang
Melanesia bagama’t hindi ito kasing-unlad, kasing-tanyag
at kasing-yaman ng mga kabihasnan at imperyo sa
Europa, America at Africa.

You might also like