Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN
NG florante at laura
Ang awit at korido ay mga tulang pasalaysay
tungkol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran
ng mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa.
Sapagkat ang mga ito ay lumaganap sa
panahon ng Kastila, ang tunay na layunin ng
mga awit at korido ay ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Sa likuran ng pakikipagsapalaran
ng mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa
itinago ni Balagtas ang tunay niyang layunin sa
pagsulat ng Florante at Laura.
Si Balagtas ay nagtagumpay sa kanyang mithiin. Bilang
patunay, naging inspirasyon siya nina Jose Rizal at
Apolinario Mabini.
Dahil sa Florante at Laura kaya ipinagpatuloy ni Rizal
ang pagsulat niya ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo samantalang nagawa namang maisaulo
ni Mabini ang Florante at Laura kaya nakapagsulat siya
ng sarili niyang bersiyon ng nasabing akda.
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
 Ang awit na Florante at Laura ay isang obra maestra ni
Francisco Baltazar na lalong kilala sa tawag na
Francisco Balagtas.
Ang unang edisyon nito ay nailimbag noong 1838 nang
limampung (50) taong gulang si Balagtas.
Tanging ang aklatan ng Newberry sa Chicago ang may
kopya na edisyon 1870 at 1875.
 Lubha itong naging bantog kaya maraming lumabas na
edisyon nito sa Tagalog at salin sa wikang Ingles ngunit
sa kasawiang-palad, ang mga ito ay nasunog noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Si Balagtas ay isang anak-dalita lamang na taga-
Panginay, Bigaa, Bulacan ngunit totoong may angking
talino at sabik sa pagkatuto.
Namasukan lamang siya bilang utusan sa Tondo
upang makapag-aral sa Maynila. Siya ay
nakapagtapos ng pag-aaral sa taong 1812.
Noong 1835, sa gulang na 47 taon, lumipat siya ng
tirahan sa Pandacan kung saan niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera na kanyang naging kasintahan.
 Dahil ang kanyang karibal sa paniningalang-pugad sa
dalaga na si Mariano Capule ay may sinasabi sa kanilang
bayan, nagawa nitong ipakulong si Balagtas sa
pamamagitan ng isang kasinungalingan at sa tulong ng
kanyang salapi.
Ang Florante at Laura ay pinaniniwalaang batay sa mga
kasawiang naranasan ni Balagtas sa buhay.
Sa loob ng bilangguan sa Maynila sinimulang isulat ni
Balagtas ang nasabing akda na ang buong pamagat ay
“Ang Walang Kamatayang Buhay nina Florante at Laura sa
Kaharian ng Albania.”
Si Balagtas ay umalis ng Pandacan nang makalaya sa
bilangguan at lumipat sa Udyong, Bataan kaya
pinaniniwalaang sa Bataan niya tinapos ang Florante at
Laura at dito rin niya isinulat ang kanyang tulang “Kay
Selya.”
Noong panahon ni Balagtas, mahigpit ang sensura na binubuo ng
mga prayle na tinatawag na Comision Permanente de Sensura. Ang
nasabing komisyon ay itinalaga upang magsuri ng mga akdang
isinusulat ng mga Pilipino.
Sa kamay ng mga mananakop na Kastila, ang mga mamamayang
Pilipino ay walang kalayaan sa pagsasalita at maging sa
pananampalataya. Ang kalagayang ito ng mga Pilipino ang
nakaimpluwensiya kay Balagtas upang tutulan ang maling
pamamahala ng mga Kastila, maling paniniwala sa relihiyon, at iba
pa.
Dahil sa kanyang masining at hindi tuwirang pagpapahayag
(gumamit siya ng ibang tagpuan, mga simbolo, at iba pa) kaya
nakaligtas sa sensura ang kanyang akda.
Ayon kay Sauco (2001), “Ang diwa ng nasyonalismo ay naisatitik sa
Panitikang Pilipino sa pagtalakay ni Balagtas ng pagtuturingang
magkapatid ng Muslim at Kristiyano sa bahagi ng pagliligtas ni
Aladin kay Florante.
Kung susuriing mabuti ang kaisipang napapaloob sa awit ay higit
pa sa nasyonalismo, isang kaisipang global na ang mga tao sa
daigdig ay dapat na magkaroon ng mabuting pagsasamahan –
walang pagtatangi sa kulay, pananalig, at kalagayan sa buhay.”
 Ang awit na Florante at Laura ay may 399 na saknong o
taludturan at bawat taludtod ay may 12 pantig.
Ang mga pangyayaring inilahad ay masasabing
makatotohanan sapagkat maaaring mangyari sa totoong
buhay.

You might also like