ARALIN 1 - Mitolohiya Sa Aprika at Persia

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 64

LIONGO

(MITOLOHIYA MULA SA KENYA)


 Pagkilala sa May-akda

Ang mitong ito ay matanda na at dahil dito ay hindi na nalaman


kung sino ba talaga ang tunay na sumulat o may-akda nito. Ito ay
naging pagmamay-ari na ng mga tao. Si Roderic P. Urgelles ang
nagsalin ng Liongo sa wikang filipino. Ang pagsasaling wika ay
isang napakahalagang bagay upang lubusang maipaintindi ang isang
ideya sa isang nagsasalita ng ibang wika. Isinalin niya ito marahil
mas madali nating maiintindihan ang kwento kung ito ay mababasa
natin sa ating wika. Madali nating malaman kung ano ba talaga ang
nais iparating ng akda.
 Buod
Isa sa pitong bayan na nasa baybayin ng Kenya ay isinilang si
Liongo. Siya ay may angking lakas at mataas din siya tulad ng
isang higante na hindi natitinag ng ano mang armas. Sa likod
ng kanyang laki, ang kahinaan niya na tanging siya at ang
kanyang ina lamang na si Mbwasho ang nakaaalam na kapag
itinurok ang karayom sa kaniyang pusod siya ay mamamatay.
Naging hari si Liongo ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at
Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at
ikinulong niya ito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang
ang parirala nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla
siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang
makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at
piniling mananirahan nalamang kasama ang mga Watwa, mga
naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siya ng mabuti sa paghawak ng
busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng
pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip ngunit
muli na naman siyang nakatakas.
Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na
pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Galla (Wagala).
Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang
bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nagka-
anak si Liongo ng isang lalaki na kalaunan ay nagtraydor sa kanya
at pumatay.
Uri ng Panitikan
Ang Liongo ay isang uri ng mito. Ang mitolohiya
ay pag-aaral sa mga mito at alamat. Ito ay
nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Ang klasikal
na mitolohiya ay naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyosan na sinasamba ng sinaunang
tao. Kahit hindi kapani-paniwala, ito ay
itinuturing na banal at totoong naganap. Ang mito
ay kabilang sa kuwentong-bayan ng Pilipinas. Ang
kalimitang paksa nito ay tungkol sa simula ng
daigdig, mga unang lalaki at babae, at
 LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin ng akda ay magbigay kaalaman patungkol


sa kanilang mga kultura at tradisyon. Naglalayon din
itong magbigay aral at aliw sa mga mambabasa nito.
 Tema/Paksa ng Akda
Ang tema o paksa ng akda ay maihahalintulad din sa ibang mga
kwento na atin ng nabasa. Patungkol sa isang lalaki na itinuturing na
bayani ng mga tao dahil sa angking laki at lakas niya. Ito tungkol kay
Liongo sa kanyang buhay at iba't ibang pagsubok na kanyang
kinaharap kung paano niya ito nilagpasan.
 Mga Tauhan/ Karakter sa Akda

Liongo - Siya ay malakas at kasintaas ng isang higante.


Bayani ng mga mamamayang Swahili at Pokonio sa
silangan ng Kenya.
Mbwasho - Siya ang ina ni Liongo.
Sultan Ahmad - Siya ang pinsan ni Liongo at hinirang na
bagong hari ng Pate.
Watwat - Sila ang mga nananahan sa kagubatan.
Tagpuan/Panahon
Sinaunang sibilisasyon ng bansang Kenya - Dahil ang Liongo
ay isang uri ng mito, maari nating sabihin na ito ay naganap
noong unang panahon o noong unang sibilisasyon ng Kenya.
Kenya -Isa sa pitong bayan sa baybayin nito ang pinagmulan
ni Liongo.
Ozi at Ungwana -Ilang mga lupain na pinaghaharian ni
Liongo na matatagpuan sa Tana Delta.
Tagpuan/Panahon
Shanga sa Fosa - o Isla ng Pate lupain na sakop rin ni Liongo.
Bilangguan - pinagkulungan kay Liongo
Kagubatan - tinirhan ni Liongo pagkatapos makatakas kasama
niya dito ang mga Watwa.
NILALAMAN/BALANGKAS NG
PANGYAYARI
 Simula - May isang sanggol na lalaki ang ipinanganak sa pitong
bayan sa baybayin ng Kenya. Siya ay may natatanging lakas at
may isang lihim na kahinaan.
 Saglit na kasiglahan- Ito ay ang pagiging hari ni Liongo ngunit
isang araw ay pinalitan siya ng kanyang pinsan na si Sultan
Ahmad.
 Tunggalian- ( tunggaliang tao laban sa tao ) nang si Liongo ay
ibinilanggo at ikinadena ng kanyang pinsang si Haring Ahmad
dahil nais niya na mawala ito.
 Kasukdulan - nang si Liongo ay nakakulong inawit ng mga
tao sa labas ng bilangguan ang kanyang mga kanta, dahil
sa ingay ay nakalag ang mga tanikala niya. Kaya naman
siya ay nakatakas at nanirahan sa kagubatan at nagsanay.
 Kakalasan- nang si Liongo ay nagtagumpay sa isang
paligsahan kung saan ang hari nito ay nagpasyang ipakasal
ang kanyang anak na babae kay Liongo upang mapabilang
ang bayani sa kaniyang pamilya.
 Wakas- Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na
kalaunan ay nagtaksil at pumatay sa kaniya.
 Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda

Ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda ay kakaiba. Ito ay


nagbibigay aral tulad ng "huwag agad-agad magtitiwala",
" mayroon talagang mga tao na ayaw o galit sayo", "kahit
kadugo mo ay maaari ka paring traydurin.“ Ito ay may
kakaibang pagtatapos na hindi karaniwang maiisip ng mga
mambabasa.
 Istilo ng Pagkakasulat ng Akda/ Teoryang
Pampanitikan
 Teoryang Klasismo
- ito ay dahil ang kwento ng akdang Liongo ay ang tipikal na
kwento ng mga bayani na malakas at hindi madaling
masugatan. Ang ganitong mga istorya ay hindi kailanman
naluluma o nalalaos.
 Teoryang Realismo

-ito ay dahil sa akdang ito ginamit ng kanyang pinsang si


Haring Ahmad ang kanyang kapangyarihan upang ipadakip si
Liongo.Ang ganitong mga pangyayari ay totoong nagaganap.
Maraming may mga kapangyarihan ang inaabuso ang
kanilang lakas.
DEBATE
-Ito’y isang
pakikipagtalong may
estruktura.
 Isinasagawa ito ng dalawang
grupo o pangkat na may
magkasalungat na panig
tungkol sa isang napapanahong
isyu.
 Proposisyon(sumasang-ayon)
 Oposisyon(sumasalungat)
MGA KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG
ISANG DEBATER
1. NILALAMAN – may malawak na kaalaman ang
isang debater patungkol sa panig na kanyang
ipinagtatanggol.
2. ESTILO – makikita ditto ang husay ng debater sa
pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang
gagamitin.
-papasok din dito ang linaw at lakas o
taginting ng kanyang tinig, husay ng tindig at
kumpiyansan sa sarili.
DALAWANG URI O FORMAT NG DEBATE

1. DEBATENG OXFORD
2. DEBATENG CAMBRIDGE
“Dapat ba o hindi dapat galawain o
sirain ang kalikasan upang
magbigay-daan sa pag-unlad o sa
mga proyektong makabubuti sa
buhay ng mga mamamayan?”
PAGSASALING-WIKA
Ang isasalin ay ang diwa ng
talata at hindi ang bawat
salitang bumubuo rito.
ang
Pagsikat

Ulila
Nagpagulong -gulong

Hiyawan

Mahiwaga
Panuto: Isalin sa Filipino ang kasunod na talata na mula sa tekstong “Maaaring
Lumipad ang Tao”. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

The watchman told his master what they had


witnessed, “It is a lie, it is made of light”. But the
watchman did not speak because he knew the
truth.
The watchman told his master what they had
witnessed, “It is a lie, it is made of light”.
But the watchman did not speak because he
knew the truth.

You might also like