Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

9

ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)


PAKSA: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
NG EKONOMIKS
QUARTER 1 WEEK 1
INIHANDA NI:
JAYSON P. SOLLORANO, EdD
Most Essential Learning Competency (MELC):

Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
lipunan.

Nakagagawa ng pasya Napahahalagahan ang


Naiaayos ang mga
sa mga gawaing may katuturan ng
konseptong may
kaugnayan sa pang ekonomiks bilang
kaugnayan sa
araw-araw na bahagi ng pamumuhay
ekonomiks.
pamumuhay ng tao.
Gawain Bilang 1 : Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang


tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang


salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ___________________.
A. Pagtitipid
B. Pakikipagkalakalan
C. Pamamahala ng Tahanan
D. Pamamahala ng Negosyo
Gawain Bilang 1 : Paunang Pagtataya

2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:

A. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
B. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
C. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
D. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan
ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan
Gawain Bilang 1 : Paunang Pagtataya

3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks.


Alin ang HINDI kasama sa pangkat?

A. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?


B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
C. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
Gawain Bilang 1 : Paunang Pagtataya

4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman


tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan
sa mga ito dahil ___________________.

A. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman


B. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
C. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
D. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
Gawain Bilang 1 : Paunang Pagtataya

5. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? Ito ay ____

A. Matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap


B. Tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon
C. Pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan
D. Pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan
Gawain Bilang 1 : Paunang Pagtataya

Susi sa Pagwawasto
Gawain Bilang 1 : Paunang Pagtataya

Susi sa Pagwawasto:

1. C
2. D
3. D
4. D
5. D
Gawain Bilang 2 : Over Slept
Gawain Bilang 2 : Over Slept

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Nalagay ka na ba sa sitwasyong katulad ng nasa laraan?
Sa anong uri ng sitwasyon? Ipaliwanag?
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng
maraming sitwasyon at kailangan mong pumili?
Ipaliwanag.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Ekonomiks
- ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na
nag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-yaman.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Ekonomiks
Nagmula sa salitang Griyego
OIKO BAHAY
OIKONOMIA
NOMOS PAMAMAHALA
Ayon kay Nicolas Gregory
Mankiw, “ang ekonomiya at
sambahayan ay maraming
pagkakatulad.”
SAMBAHAYAN PAMBANSANG
EKONOMIYA

PAGKAKATULAD
NAGPAPLANO NAGPAPLANO
Paano hahatiin ang mga Paano hahatiin ang
gawain? pambansang kita?
NAGPAPASYA/ NAGPAPASYA/
NAGDEDESISYON NAGDEDESISYON
Paano hahatiin ang mga limitadong Anong produkto ang gagawin?
pinagkukunang yaman sa kabila ng walang Paano gagawin?
katapusang kagustuhan at pangangailangan Para kanino?
sa ng tao. Gaano kadami?
Lumalabas ang mga katanungang nabanggit dahilan sa
suliranin sa KAKAPUSAN.

Ano nga ba ang kakapusan?


Kakapusan
- Ito ay tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan
limitado o hindi sapat (insufficient) ang mga
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Kakapusan
Ibig sabihin, may kakapusan dahil may limitasyon ang
pinagkukunang yaman.

Katulad ng likas na yaman (natural resources) at yamang


kapital (capital goods) katulad ng makinarya, gusali, at
kagamitan sa paglikha ng produkto.
Apat na Pangunahing Katanungang Pang-ekonomiya
Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa
apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-
pakinabang sa lahat:

KAKAPUSAN

Ano ang Paano Para Gaano


gagawin? gagawin? kanino? karami?
Gawain Bilang 3: Desisyon/Dahilan

Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum.


Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat
sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ika-apat na kolum
ang dahilan ng magiging pasya.
Gawain Bilang 3: Desisyon/Dahilan

OPTION A OPTION B DESISYO DAHILAN


N
1. Pagpapatuloy Pagtatrabaho
ng pag-aaral sa pagkatapos ng
kolehiyo high school
Gawain Bilang 3: Desisyon/Dahilan
OPTION A OPTION B DESISYON DAHILAN

2. Pagsunod sa mga patakaran Mas pahalagahan


na ipinatupad ng pamahalaan ang sariling
upang mapadali ang sitwasyon kaligtasan at
at mapigil ang karagdagang kagustuhan bago
problema, hindi lamang para sa isaalang alang ang
sarili kundi para sa kabutihang kapakanan ng
panlahat. karamihan
Gawain Bilang 3: Desisyon/Dahilan
OPTION A OPTION B DESISYON DAHILAN

3. Pangangailangan Kagustuhan

4.Pagpapalaganap ng Paniniwala at
positibong balita at pagpalaganap ng mga
mga hakbang upang di kumpimadong balita
makaiwas sa covid-19. (fake news) tungkol sa
mga nangyayari sa
paligid
Gawain Bilang 3: Desisyon/Dahilan

OPTION A OPTION B DESISYON DAHILAN

5. Pakikipagkwentuhan sa Pagbabasa at
kapitbahay at paggamit ng pagsasagot sa
facebook buong araw. Modyul.
Gawain Bilang 4: Mind Mapping

Panuto: Iayos ang ginulong pigura ng mind map. Isulat sa text


box ng mind map ang mga konseptong nakalahad sa
talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang arrows
at lines.
MGA KONSEPTO
Walang katapusang Ekonomiks Kakapusan sa
pangangailangan at pinagkukunang-yaman
kagustuhan ng tao.
Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choices.


Sa pagproseso ng pagpili mula sa mga choices ay kailangan ng
matalinong pagdedesisyon, may kaalaman dapat sa konspto ng
trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking.
Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Trade-Off Opportunity Cost Incentives Marginal Thinking


Matalinong Pagdedesisyon

Trade-Off
Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay
kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off, sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya.

Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?


Matalinong Pagdedesisyon

Opportunity Cost

Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative


na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster,
2012).

Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng


pag-aaral na ipinagpalibang gawin.
Matalinong Pagdedesisyon
Incentives
Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o
serbisyong pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi
pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga
insentibo na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo

Halimbawa: Pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng


mas maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo. Maaari ring karagdagang
allowance kapalit ng mataas na marka.
Matalinong Pagdedesisyon
Marginal Thinking

May kasabihan sa Ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang


ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man
ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing desisyon
sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at mataas na marka ay
masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.
Mahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Trade-Off Opportunity Cost Incentives Marginal Thinking

Matalinong Pagdedesisyon
Pamprosesong mga Tanong:

1. Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga


konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal
thinking?

2. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang


pagdedesisyong ginawa ng tao?
Gawain Bilang 5: Pagsulat ng Repleksiyon

Panuto: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga


natutuhan at reyalisasyon sa kahulugan ng Ekonomiks sa iyong
buhay bilang mag-aaral, bilang kasapi ng pamilya at lipunan.
Panghuling Pagtataya

1. Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga


pinagkukunang-yaman ng mga tao?

a. Dumadami
b. Limitado
c. Walang Katapusan
d. Walang Saysay
Panghuling Pagtataya
2. Ang salitang ekonomiks ay mula sa salitang Griyego na
oikonomia, na kung saan ang oikos ay nangangahulugang
_________, at nomos ay tumutukoy naman sa pamamahala.
A. Bahay
B. Buhay
C. Kita
D. Pamamahayag
Panghuling Pagtataya
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa apat na
pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang
sa lahat?

A. Ano ang gagawing produkto o serbisyo?


B. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
D. Magkano ang inaasahang tubo sa gagawing produkto at
serbisyo?
Panghuling Pagtataya

4. Alin sa sumusunod na suliranin ang kaakibat ng buhay dahil sa


pagkakaroon ng limitadong kakayahan ng tao, likas na yaman at
yamang kapital?

A. Kahirapan
B. Kakapusan
C. Kamangmangan
D. Katamaran
Panghuling Pagtataya
5. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan?

A. Ang kakapusan ay panandalian lamang.


B. Ang ating likas na yaman ay walang limitasyon.
C. Ang lahat ng tao ay nahaharap sa pagpili at pagdedesisyon.
D. Ang kakapusan ay nararanasan lamang ng mangilan-ngilang
mahihirap.
6. Malaki ang bahaging ginagampanan ng Ekonomiks sa lipunan.
Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?

A. Sa tulong ng pagsusuri sa Ekonomiks, napaghahagdan-hagdan


ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang
mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang
sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
6. Malaki ang bahaging ginagampanan ng Ekonomiks sa lipunan. Alin sa
mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?

C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay


mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na
masira ang mga yamang likas sa daigdig.
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks, nakatutuklas ng paraan
upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at
kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng Ekonomiks bilang isang agham
panlipunan?

A. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming


mahihirap
B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa
C. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita
D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at
makapaglingkod sa ibang bansa
Panghuling Pagtataya

8. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong


isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?

A. Desisyon
B. Dinaluhang okasyon
C. Opportunity cost ng desisyon
D. Tradisyon ng pamilya
9. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? Ito ay
____.

A. matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning


pangkabuhayan na kinakaharap
B. ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa
kaniyang pagdedesisyon
C. ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan
D. ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan
Panghuling Pagtataya
10. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa
palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa
Ekonomiks?

A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.


B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
C. Maisasaulo ang mga konsepto sa Ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
D. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa
iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
Panghuling Pagtataya

Susi sa Pagwawasto
Panghuling Pagtataya Answer Key:
1. B
2. A
3. D
4. B
5. C
6. D
7. B
8. C
9. D
10. D

You might also like