Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

FIL 1

LINGGO 17

RODORA A. BRIGUELA
ANTAS NG KOMUNIKASYON

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

Layunin
• Mailarawan ang mga pagpoproseso ng impormasyon ng
mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

A.) INTRAPERSONAL - pakikipagusap sa sarili;
pinakamababang antas; tumutukoy sa pakikipag-usap
ng indibidwal sa sarili-sa kanyang replektibong pag-
iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay
kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.

B.) INTERPERSONAL - pakikipagusap sa ibang tao;

pakikipagtalastasan sa iba't-ibang indibidwal.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

A C.) PAMPUBLIKO - pakikipagusap sa maraming tao;
ang halimbawa nito ay ang valedictory address

D.) PANGMASA - panglahatan; halimbawa nito ay ang

SONA

E.) PANGORGANISASYON - para sa mga grupo

F.) PANGKULTURA - pakikipagusap tungkol sa kultura

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

TUNGKULIN NG WIKA

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala bilang M.A.K.
Halliday ay isang bantog na dalubguro at lingguwista mula sa
Ingglatera. Inilalarawan ni M.A.K. ang wika na isang semiotikong
sistema hindi bilang isang sistema ng mga simbolo, bagkus bilang
sistematikong lunsaran ng mga kahulugan.

Isa sa mahalagang ambag niya sa larangan ng wika ang pagbuo niya

ng systematic functional linguistics. Ang Systematic Functional
Lingustics (SFL) ay isang modelo ng wika na naglalahad ng relasyon
ng wika at ng istrakturang panlipunan.

Sa kaniyang mga pag-aaral, tinukoy niya ang pitong tungkulin o

gamit ng wika sa lipunan na patuloy na pinag-aaralan sa anumang
larangan ng wika.

Tungkulin o Gamit ng Wika sa Lipunan ayon kay M.A.K Halliday

1. Instrumental

Ginagamit ng tao ang wika upang matugunan ang kaniyang

pangangailangan. Kaniyang sinasabi o sinusulat ang mga bagay na
kailangan niya – bagay man o serbisyo.

Halimbawa:

Pasulat – paggamit ng liham tulad ng paghingi ng permiso

Pasalita – pakikisuyo, pag-uutos, pagsasabi ng mga gusto o
kahilingan

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

2. Personal

Ginagamit ng tao ang wika upang ipahayag ang kaniyang sariling

opinyon, saloobin, o kuro-kuro sa isang isyu o paksang pinag-
uusapan.

Halimbawa:

Pasulat – pagsulat o paglalathala ng mga sanaysay, argumento, o

mga pangulong tudling (editoryal), talaarawan
Pasalita – pagbabahagi ng opinyon sa kausap o pangkat, talumpati

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

3. Interaksyunal

Ginagamit ng tao ang wika upang makipag-ugnayan o makipag-

usap sa iba. Ang paraan ng pakikisalamuha ng tao ay nakadepende
sa relasyon niya sa taong kaniyang kinakausap.

Halimbawa:

Pasulat – text message, liham pangkaibigan, liham para sa iniibig

Pasalita – biruan, kuwentuhan, pagbati

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

4. Imahinatibo

Paggamit ng wika sa isang malikhaing pamamaraan. Ginagamitan

ng imahinasyon ang pagpapahayag ng mga ideya o saloobin.

Halimbawa:

Pasulat – mga kuwento, nobela, pabula, mitolohiya, tula

Pasalita – mga bugtong, tayutay, salawikain, idyoma, balagtasan

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

5. Impormatibo o Representasyunal

Ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag ng impormasyon,

kaalaman, o katotohanan. Ito ay maaaring direkta o tuwirang
paglalahad tulad ng pagtuturo. Maaari din itong sa pamamagitan
ng mga simbolo, talahanayan, grap, o mapa ng konsepto.

Halimbawa:

Pasulat – mga teksbuk, talambuhay, diksyunaryo, pahayagan

Pasalita – pag-uulat, pagtuturo, pagpapaliwanag ng mga konsepto,
pagbabahagi ng mga kaalaman

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

6. Heuristiko

Ginagamit ng tao ang wika upang makakalap o makakuha ng

impormasyon at datos.

Halimbawa:

Pasulat – mga tanong, pasulat na panayam, sarbey

Pasalita – pagtatanong, pakikipagpanayam o interbyu

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

7. Regulatori

Ginagamit ng tao ang wika upang gabayan o kontrolin ang ugali o

asal ng isang tao.

Halimbawa:

Pasulat – mga batas, mga karatulang nagbabawal

Pasalita – pagbibigay ng panuto, pagbibigay babala, pagpapayo,
pagpapaalala

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like