Q2 Module 8 Panukalang Proyekto

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

Panukalang Proyekto

Isulat ang titik T kung tama ang nakasaad sa bawat pahayag at


titik M naman kung mali.
1. Kailangang sumulat ng panukala ng proyekto bago ito
maisagawa.
2. Kung sakaling kailangan nang isagawa ang proyekto
maaari na itong isagawa ng mabilisan.
3. Kasingkahulugan ng panukala ang salitang proposal.
4. Layunin ng isang panukalang proyekto na magresolba
ng isang tiyak na problema o suliranin.
5. Kapag wala ng oras, maaari ng isagawa ang isang
panukalang proyekto kahit wala pa itong aprubal.
Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication
Empowerment Collective, isang samahang tumutulong
sa mga Non-Governmental Organizations (NGO) sa
paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo,
ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag
ang mga plano o adhikain para sa komunidad o
samahan. Kung gayon, ang panukalang proyekto ay
nangangahulugang isang kasulatan o mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at
magpapatibay nito.
Ginagawa ang isang panukalang o project
proposal kapag kailangan itong marebyu
ng isang indibidwal o grupo para sa
kanyang aprubal. Ang aprubal ay
kailangan para mabigyang hudyat ang
opisyal sa pagsisimula ng proyekto.
Karaniwang naghaharap ng mga
panukalang proyekto para sa pinansyal na
suporta sa paggawa nito.
Maaari itong isagawa ng isang departamento ng
isang kompanya upang aprubahan ang kanilang
nais na gawin, ng isang non-governmental
organization para sa kanilang mga programa, ng
isang opisyal sa pamahalaan para sa kanyang
proyekto, o ng isang pribadong asosasyon o
indibidwal para sa pagpapatupad ng kanilang
mga proyektong binabalak. Inihaharap nila ang
kanilang mga panukalang proyekto sa mga
indibidwal, komite, organisasyon o opisinang
makapagbibigay-tulong sa implementasyon ng
mga proyektong isasagawa.
Dahil kritikal ang preparasyon ng isang
panukalang proyekto, makabubuting
malinaw sa isipan ng nagsasagawa
nito kung ano ang maituturing na
panukalang proyekto at kung ano
naman ang hindi. Mahalaga ring
malaman niya kung paano ito
inihahanda para maging malinaw at
mahusay ang pagkakabuo nito.
Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang
proyekto ay detalyadong deskripsyon ng isang
serye ng mga aktibidad na naglalayong
maresolba ang isang tiyak na problema.
Idinagdag pa niya na sa isang panukalang
proyekto, makikita ang detalyadong pagtalakay
sa dahilan at pangangailangan sa proyekto
(project justification), panahon sa paggawa ng
proyekto (activities and implementation
timeline), at kakailanganing resorses (human,
material and financial resources required).
Hindi maituturing na proyekto ang mga
dating aktibidad na nauulit sa eksaktong
pamamaraan at peryodikong isinasagawa,
ang mga aktibidad na walang malinaw na
layunin, ang mga aktibidad na maaaring
maulit o mailipat kahit saan at sa ano pa
mang oras, at ang mga regular na aktibidad
ng organisasyon (Nebiu, 2002).
Mahalagang matiyak kung gayon na ang
panukala ay hindi isa sa mga nabanggit na
ito.
Mga Tagubilin sa Pagsulat ng Panukalang
Proyekto

Ayon sa American Red Cross (2006), kapag


susulat ng isang panukalang proyekto,
kailangang gawin ang sumusunod:
1. Magplano nang maagap.
Wala pa ring kasinghalaga ang sapat na
oras sa pagpapalano sa isang proyekto.
Kung maagap ang pagpapalano,
binibigyangpagkakataon ng
nagsasagawa nito na makausap ang
mga stakeholder, matalakay ang
kanilang pangangailangan at masuri
ang panukalang proyekto nang may
sapat na oras.
2. Gawin ang pagpaplano nang
pangkatan.
Kung may kasama sa panukala,
makabubuting bigyan ng tungkulin ang
bawat isa upang maging kolaboratibo
ang paghahanda. Mabibigyan din nito
ang bawat isa ng pagkakataong maging
aktibo sa pakikilahok sa bawat gawain
sa proseso ng pagpaplano at pagsulat
ng panukalang proyekto.
3. Maging realistiko sa gagawing
panukala.
Minsan, dahil sa kawalan ng mahusay na
pagpaplano, nagiging di-realistiko ang
panukala. Dapat maisaalang-alang ng
nagpapanukala kung ano ang posibleng
makamit batay sa mga nag-eeksis na
resorses. Tandaan na ang nilalaman ng
panukala ay laging SMART (specific,
measurable, attainable, realistic at time-
bound)
4. Matuto bilang isang organisasyon.
Matuto sa sariling karanasan at sa karanasan
ng iba. Kung may pagkakataong balik-
tanawan at suriin ang resulta ng mga
naipanukalang proyekto sa organisasyong
paghaharapan ng panukala ay gawin ito. Sa
paggawa nito, mas mabibigyan ng ideya ang
proponent kung paano at ano ang mga
konsiderasyon ng organisasyon o indibidwal
sa pagtugon sa mga naihahaing panukala sa
kanila.
5. Maging makatotohanan at
tiyak.
Huwag maging masaklaw sa mga
pahayag sa panukala. Kailangang
maging tiyak sa mga ipinapanukala.
Kaakibat ng pagiging tiyak ng mga
ito, kailangan ding maging
makatotohanan ang bawat
elemento ng panukala.
6. Limitahan ang paggamit ng teknikal
na jargon.
Ang mga teknikal na jargon ay para sa
mga teknikal o espesyalisadong
indibidwal. Makabubuti sa isang proposal
na isulat ito sa isang wikang
pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat.
Huwag dapat ipalagay na naiintindihan ng
nagbabasa ng panukala ang lahat ng mga
teknikal jargon na ginamit sa pagsulat.
7. Piliin ang pormat ng panukalang
malinaw at madaling basahin.
Marahil, hindi lamang iisang proposal ang
naipadala sa organisasyon o sa indibidwal na
target ng isang panukala. Kung gayon,
makabubuting ang pormat na napili ay yaong
malinaw at madaling basahin. Makatutulong
ito ng malaki sa taong nagbibigay
ebalwasyon sa panukala. Mas bibigyang
pansin din ang isang panukalang malinaw at
madaling maunawaan ang nilalaman.
8. Alalahanin ang prayoridad ng
hinihingian ng suportang pinansyal.
Maliban sa kawalan ng sapat na pagpaplano,
ang kadalasang dahilan ng dipag-apruba sa
isang proposal ay ang di-magkatugmang
prayoridad ng organisasyong pinaglalaanan
ng panukala sa mismong panukalang
proyekto. Dahil dito, tiyakin na ang layunin ng
panukalang proyekto ay isa sa mga top of the
list na prayoridad ng hinihingian ng suportang
pinansyal o ng magaapruba sa panukala.
9. Gumamit ng mga salitang kilos sa
pagsulat ng panukalang proyekto.
May kakaibang lakas kung mga salitang kilos
ang gagamitin sa mga pahayag sa
panukalang proyekto. Dahil kailangan ng pag-
aapruba, mas mabuting may dating maging
ang mga salitang gagamitin. Kabilang sa mga
salitang kilos na maaaring gamitin ang
simulain, ikumpara, maghandog, mangulo,
magorganisa, suportahan, magpakahulugan,
gumawa, gumamit at iba pa.
Sa pagsasaalang-alang sa mga ito,
matutulungan kang maghanda ng
isang panukalang proyektong may
malaking pagkakataon na mapili o
maikonsidera ng pinag-aalukan. Sa
pagbibigay halaga sa mga gawaing
ito, mas makatitiyak kang magiging
epektibo ang proposal.
Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication


Empowerment Collective, isang samahang
tumutulong sa mga non-governmental organizations
(NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa
pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang
proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o
adhikain para isa komunidad o samahan.
Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawain ihaharap sa tao
o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at
magpapatibay nito.
Ayon naman kay Besim Nebiu,may-akda ng
Developing Skills of NGO Project Proposal
Writing , ang panukalang proyekto ay isang
detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
Mahalagang maging maingat sa pagpaplano
at pagdidisenyo ng panukalang proyekto.Kaya
naman, masasabing ang paggawa nito ay
nangangailangan ng kaalaman,kasanayan, at
maging sapat na pagsasanay.
• Una sa lahat , ito ay kailangang maging
tapat na dokumento na ang pangunahing
layunin ay makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago. Ayon kay Bartle
(2011), kailangang nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat ng positibong
pagtugon mula sa pinag-uukulan nito.
Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon pagyayabang o panlilinlang,
sa halip ito ay kailangang maging tapat at
totoo sa layunin.
Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang
Proyekto
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa
kanilang aklat na “A Guide to Proposal Planning
and Writing,” sa pagsasagawa ng panukalang
papel, ay kailangang magtalay ng talong
mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:
1.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto,
2.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
3.Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga
Makikinabang nito.
1.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
• Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad,
samahan, paaralan, klasrum, o kompanyang
pag-uukulan ng project proposal upang
makatulong at makalikha ng positibong
pagbabago.
• Gawing tiyak ,napapanahon, at akma ang
gagawing panukalang proyekto.
• Ang pangangailangan ang magiging batayan
ng isusulat na panukala.
• Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na
mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong
makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa
pamayanan.
• Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong
panukalang proyekto, ang magiging paksang
araling ito. Dito mo tutukuyin ang kaukulang
pangangailangan ng iyong pamayanan. Batay dito,
maaari mo nang mailahad ang layunin ng iyong
proposal. Dapat ay nakasaad din kung bakit mo
ipinapalagay na ito ay mahalagang
pangangailangan.
•Ang bahaging ito ay dapat na maikli
lamang ngunit malinaw at direkta
ang punto. Dapat na nakapaloob
dito ang paglalarawan ng iyong
pamayanan at kung paanong
makatutulong sa pangangailangan
ng pamayanan ang panukalang
proyektong iyong ibinigay.
Pagsulat ng katawan ng Panukalang
proyekto
Ito ay binubuo ng:
• 1.Layunin -Kailangang maging tiyak at
isulat batay sa inaasahang resulta ng
panukalang proyekto. Ayon kina
Jeremy Miner st Lynn Miner (2005),
ang layunin ay kailangang maging
SIMPLE
• Specific – bagay na nais makamit o mangyari sa
panukalang proyekto
• Immediate – tiyak na petsa kung kailan ito
matatapos
• Measurable – may basehan o patunay na
naisakatutuparan ang nasabing proyekto
• Practical- solusyon sa suliranin
• Logical- paraan kung paano makakamit ang
proyekto
• Evaluable – nasusukat kung paano makatutulong
ang proyekto.
2.Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala
ang mga layunin ay maaari nang buoin ang
talaan ng mga gawain o plan of action na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin. Mahalagang
maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito
kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gawain.
Dapat maging makatotohanan at
kailangang ikonsidera ang badyet sa
pagsasagawa nito.
Makakatulong kung gagamit ng tsart o
kalendaryo para markahan ang
pagsasagawa ng bawat gawain. Suriin ang
plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng
breakwater o pader para sa Barangay
Bacao.
3.Badyet – pinakamahalagang bahagi ng
anumang panukalang proyekto. Ang badyet ay
ang talaan ng mga gastusin ( tulad materyales
at sweldo sa manggagawa ,allowance sa
magbabatay at iba pa )ng na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito
ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa
mga gugugulin. Maaaring magsagawa ng
bidding sa mga kontraktor na kadalasan ay may
panukalang budget para sa gagawing proyekto.
Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidder
na pagpipilian . Ibigay o ipagkatiwala ang
proyekro sa kontraktor na magbibigay ng
pinakamababang halaga ng badyet.Sa mga
karagdagang kagamitan o materyales ,mas
makabubuti kung maghahanap muna ng murang
bilihann para makatipid din sa mga gastusin.
Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng
badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng
sweldo ng mga manggagawa ,allowance para
sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito,
Mga dapat tandaan sa paggawa ng badyet para
sa panukalang proyekto ayon sa mga datos
mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng
panukalang proyekto na may pamagat na “
Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto “
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/0
2

Narito ang halimbawa ng badyet na


maaaring gamitin sa pagpapagawang
breakwater ng Brgy.Bacao.
Ano ang natutuhan mo sa paghahanda ng isang
panukalang badyet? Sa palagay mo
ba ay mahirap itong gawin? Hindi mahirap ito
kung isasaisip mo ang mga sumusunod:
1. Gawing simple at malinaw ang iyong
badyet. Dapat na malaman agad ng
ahensiyang magtataguyod ang mga
bahagi nito. Ang mahahalagang detalye
ng gastusin ay dapat na malinaw ang
pagkakasaad.
2. Ayusing mabuti ang iyong panukala.
Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin
ayon sa klasipikasyon ng mga ito.
Siguraduhing nakahanay ang mga halaga
upang madaling sumahin
3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang
nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang
mga bagay na kailangan sa panukala at
ang halagang kanilang tinutustusan upang
makasama ang iyong panukala sa kanilang
itataguyod. Sa ganitong paraan mas malaki
ang tsansang maaprobahan ang iyong
proyekto. Maaari ka ring manghingi ng
kopya ng mga naaprobahan nilang mga
proyekto upang maikumpara ang gawa mo.
4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa
huling sentimo. Ang mga ahensiyang
nagtataguyod ng mga proyekto ay
kadalasang gumagawa ng pag-aaral para
sa itataguyod nilang proposal.
5. Siguraduhing tama ang lahat ng
kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng
iyong integridad at karapat-dapat na
pagtitiwala para sa iyo.
Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga
Makikinabang nito

Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo


ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin hal. Mga bata,
mamamayan, kababaihan, magsasaka, mahihirAp
na pamilya, mga negosyante at iba pa. Maaari na
ring isama sa bahaging ito ang katapusan o
kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito, ay
maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat
aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto
Balangkas ng Panukalang Proyekto
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - hinango sa
inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin
2. Nagpadala- tirahan ng sumulat ng paanukalang
proyekto
3. Petsa- araw kung kailan ipinasa ang panukalang
papel isinama na rin kung gaano katagal gagawin ang
proyekto
4. Pagpapahayag ng Suliranin- nakasaad ang
suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay
ang pangangailangan.
5. Layunin – dahilan okahalagahan kung bakit isagawa
ang panukala
6. Plano na dapat gawin- talaan ng pagkakasunod-
sunod ng mga gawaing para pagsasakatuparan ng
proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na
gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- kalkulasyon ng mga guguling gagamiti sa
pagpapagawa ng proyekto
8. Paano mapakinabangan ng pamayanan o
samahan ang panukalang proyekto- konklusyon
ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha
nila mula rito.

You might also like