Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Kabanata IV

PANAHON
NG
PROPAGANDA
KAPALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1872
hanggang 1892. Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano
Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza),noong ika- 17 ng Pebrero,
1872. Pinagbintangan silang kasangkot sa himagsikang naganap sa Cavite
noong ika- 20 ng Enero, 1872 sa pamumuno ni La Madrid.

Sa mahigit sa tatlong daang taon ng paniniil, pag hamak, suliranin sa


sekularisayon (pag babago ng lipunan mula sa nagisnan nito) at maling
pamamalakad ng pamahalaan ay namuo ang damdaming makabayan.

Ang mga ma-intelektwal na bumuo ng diwang makabayan na pawang naging


repormista ay sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena,
Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, Pedro Serrano Laktaw,
Isabelo Delos Reyes, Pedro Paterno at iba pa.
KILUSANG PROPAGANDA
SIMULAIN AT MITHIIN:
LAYUNIN:
1. Pagsanib sa Masonaria.
1. Panumbalikin ang pagkakaroon ng
kinatawang Filipino sa kortes ng Espanya. 2. Mga asosasyong laban sa pamamalakad
ng mga prayle.
2. Pagkaka- pantay-pantay ng mga Filipino
at Kastila sa ilalim ng batas. 3. Pagtatatag ng samahang binubuo ng mga
Filipino at Kastilang may pagmamalasakit
3. Gawing lalawigan ng Espanya ang sa kapakanan ng mga Filipino.
Pilipinas.
4. Paglalathala at pagpapalimbag ng mga
4. Sekularisasyon ng mga parokya sa pahayagan, aklat ng mga polyetong
Kapuluan. kinapapalooban ng kanilang pagtuligsa sa
mga maykapangyarihan, o ng kanilang mga
5. Kalayaan ng mga mamayang Filipino sa
hinihinging pagbabago.
pamamamahayag, pananalita, pagtitipon o
pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang
mga hinaing.
Mga Propagandista
at Repormista
Si JOSE RIZAL
at ilan sa
kaniyang mga
sinulat
NOLI ME TANGERE AT EL
Labing-isang taon (11)FILIBUSTERISMO
pa lamang si Rizal nang maganap ang walang katarungang
pagpatay sa tatlong paring martir (GOMEZ, BURGOZ, AT ZAMORA) pagpapatapon at
pagpapabilibid sa mga taong isinangkot sa pag- aalsa, nguni't hindi niya ito nalimot
kailanman. Sa layong gisingin ang natutulog na damdamin ng mga Filipino ay inihandog
niya sa kaniyang bayan ang Noli Me Tangere, at ang karugtong nitong El Filibusterismo.

Ang dalawang nobelang ito'y tuwiring naglalahad ng sakit ng lipunan, maling


pamamalakad ng pamahalaan at simbahan, depekto ng edukasyon sa Kapuluan,.
paninil ng mga mapagsamantala at pagnanasang pakinggan ng mga
maykapangyarihan ang hinaing ng bayan.

Itinuturing itong "pinakadakilang dokumentong sosyal ng Pilipinas" at "ebanghelyo


ng pagkamakabayang Filipino"
Sa Mga Kababaihang Taga- Hinggil sa Katamaran ng Mga
Malolos Filipino

Sanaysay na napalathala sa La Solidaridad,


Isang sulat na bumabati sa mga
ang pahayagan ng Kilusang Propaganda. Ang
kababaihang taga-Malolos dahil sa
layunin ng may-akda ay sagutin ang
kanilang paninindigan at pagnanais na
paninirang puri ng mga banyaga. Hindi niya
matuto. May lakip itong mga tagubilin
itinatatwang may katamaran ang Filipino
tungkol sa pagkapantay-pantay ng tao,
nguni't masusi niyang ipinaliwanag ang
pagkakaisa, paggalang sa sarili at kapwa,
pinag-ugatan nito. Binanggit niya ang
kahalagahan ng paninindigan,
dalawang pangkalahatang kadahilanan: Una,
pagtitimbang- timbang sa wastong
ang maling patakaran o pamamalakad ng mga
pagsamba at paalaala sa mga tungkuling
Kastila at ikalawa, ay gawa na rin ng mga
dapat gampanan ng isang kabiyak at ina
Filipino. Idinugtong niyang "edukasyon at
ng tahanan.
kalayaan" ang lunas upang magbagong-ugali.
Kundiman- Tulang nagpapahayag darating ang
pagkakataon ang inaping baya'y ililigtas bumaha man
Pilipinas sa loob ng sandaang taon ng dugo.

Isang sanaysay na inilathala sa sol. Isang pag Awit ni Maria Clara- Buhat sa isang kabanata ng
papauna sa haharapin ng pilipinas, ngunit Noli Me Tangere. Ang tulay pagsisiwala't ng kaniyang
panghuhulang batay sa mga pangyayaring naganap damdamin tungkol sa sariling bayan .
at nagaganap sa loob at labas ng bansa. Dito'y
inihanay niya ang kasagutan sa mga ibat ibang
"Mi Ultimo Adios" - Kahulihulihang tula ni
katanungan.
Rizal. Ang tulang ito'y may mga salin sa iba't-
Sa ikatlong bahagi ng sanaysay ay binigyang-diin ibang wika sa daigdig, sa Ingles, Aleman,
niya ang sumusunod: "Ang pagbabago'y kailangang Italyano, Pranses, Ruso, Bahasa at iba pa. Ang
magmula sa itaas upang maging kasiya-siya at Pilipinong unang nagsalin sa Tagalog ay si
tahimik, nguni't kung magmumula sa masa'y Andres Bonifacio.
magiging marahas at madugo.“
Pinatutula Ako- Tulang nalathala sa La
"Brindis"- Isang talumpati at tagayang alay sa
dalawang nanalong pintor na Filipino sa Madrid, Solidaridad at sa La Independencia, inulit sa
sina Juan Luna at Felix Resurrecscion Hidalgo Republika Filipina at sa iba pang mga
pahayagan sa Pilipinas.
MARCELO H. DEL PILAR AT
ILAN SA KANIYANG MGA AKDA
-Isang manananggol at
namamahayag na napatanyag
sa bansag na “Plaridel”

-Siya rin ang nag tatag at


pinamatnugutan ang
“Diyaryong tagalog”
Sa mataas na pananagalog ni Marcelo H. Del Pilar ay ginising niya ang kamalayan ng karaniwang
pakikiisa. Sumulat siya ng mga polyetong nanlilibak sa mga prayle at nagbubunyag ng mga
katiwaliang nagaganap laban sa mga Filipino .

Kabilang sa kanyang mga sinulat ang mga sumusunod:


Caiigat Cayo - Libritong ikinalat ni Del - Pilar na nagtanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal. Ito'y
sagot sa "Caiingat Cayo" ni Padre Jose Rodriguez.

Dasalan at Tuksuhan - Isang parodyang gumagagad sa nilalaman ng aklat-dasalan. Halimbawa


ng isang bahagi, "Amain Namin.“

"Amain namin sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo malayo sa amin ang kasakiman mo,
quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning
iyong inarao-arao at patawarin mo kami sa iyong pag-ungal para ng taua mo kung kami'y
nacucualtahan, at huwag mo kaming ipahintulot sa inyong manunukso at iadya mo kami sa
masama mong dila. Amen.
Ang Cadaquilaan nang Dios - Isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapaliwanag ng kaniyang
sariling pagkilala sa kadakilaan ng Diyos

Dupluhan - Mga sinulat na patula." Naglalarawan ng kalagayan ng bayan.

“La Soberania Monacal en Filipinas” - (Ang Kapangyarihang Monastiko sa Pilipinas) Sanaysay na


tumutuligsa sa mga prayle at nagpapalayas sa mga ito upang mawala ang mga hadlang sa kaunlaran at
kaligayahan ng Pilipinas.

"Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" - Salin sa Tagalog ng sanaysay ni Rizal "Amor Patrio", na inilathala sa
Diaryong Tagalog at sa La Solidaridad.

"Sagot ng España sa Hibik nang Pilipinas" Tulang may 82 taludtod. Sagot sa tula ng kanyang dating
gurong si Hermenigildo Flores ."Hibik sa Pilipinas sa Inang España". Ito'y naglalayong humingi ng
pagbabago ngunit ipinahahayag na di makapagkakaloob ng anumang tulong ang Espanya. Tunghan natin ang
huling mga saknong:

"Ang Kalayaan" - Bahagi ng kabanata ng aklat na nais niyang sulatin upang maging huling habilin, ngunit di
na natapos pagkat binawian na siya ng buhay ng Maykapal .
GRACIANO
LOPEZ JAENA
AT ANG
KANIYANG MGA
PANITIK
Graciano Lopez Jaena
• Ipinagmamalaking anak ng Jaro
• isang dakilang orador at walang takot na mamamahayag.
• Siya'y kinilala hindi lamang ng kanyag mga kababayan kundi ng mga Kastila
man.
• Sinasabing lahat ay nabighani sa ganda ng kanyang talumpati at pananalita na
kalimita'y tungkol sa abang kalagayan ng Filipinas, pagtatanggol sa mga
Filipino laban sa paninirang puri ng mga banyaga at sa pagsasamantala ng
mga prayle.
• Siya ang naging unang patnugot ng La Solidaridad at tagapag- abuloy ng mga
lathalain sa iba't-ibang pahayagan gaya ng Los Dos Mundos. Circulo Hispano
Filipino, El Porvenir, España en Filipinas at marami pang iba.
• Siya ang nagpatag ng lohiyang "Revolucion" sa Barcelona .
"Fray Botod " - Isang paglalarawang "Ang Lahat ay Pandaraya" - Isang
tumutuligsa sa kabalayan; kamangmangan lathalain tungkol sa isang mayamang
at pagmamalabis ng mga prayle. Ang Filipina na buong pagmamalaking
"botod" sa Hiligaynon ay sinasabi sa kaniyang mga kababayan na
nangangahulugan ng malaking tiyan. siya'y magiging kondesa sapagka't
Nakita ng mga prayle ang kanilang mga magiging maybahay ng isang konde. Na
sarili sa paglalarawan ng may-akda kay ang kaniyang magiging kabiyak ay
Fray Botod buhat sa angkan ng mga maharlika,
subalit nang alamin ng may-akda ang
"Ang Dangal ng Filipinas" - Isang tunay na katauhan ng nasabing Kastila,
talumpating nagbubunyi, sa tatlong nabatid niyang ang ama pala nito ay
Pilipinong nagkamit ng gantimpala sa isang hamak na portero at sapaterong
eksposisyon sa Paris, sina Juan Luna at naninirahan sa isang abang lugar sa
Felix Resurreccion Hidalgo (mga pintor) isang distrito ng Madrid.
at Joaquin Pardo de Tavera, (iskultor).
MARIANO PONCE
Ang tagapamahalang patnugot,
mananalambuhay, at
mananaliksik ng Kilusang
Propaganda, ay nagkubli sa
mga sagisag na Tikbalang,
Kalipulako at Naning.
Ang mga sanay sanay ni Mariano Ponce ay nag-bigay diin sa kahalagahan ng edukasyon;
ipinagtanggol ang kaniyang mga kababayan sa pag-upasala ng mga banyaga at inilahad ang
mga karaingan ng bayan.

Ang kaniyang mahalagang naiambag sa panitikang Filipino ay:

"Mga Alamat ng Bulakan" - Katipunan ng mga alamat at kuwentong-bayan ng kaniyang


lalawigang sinilangan.

"Pagpugot kay Longino" - Isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos,


Bulakan.

Bukod sa talambuhay ng mga dakilang Filipino, na nalathalang dugtungan sa La


Solidaridad ay sinulat din niya ang mga sumusunod :
• Sobre Filipinas
• Ang mga Filipino sa Indi Tsina
• Ang Oaniyikan ng Kilusang Propaganda
ATONIO LUNA AT ANG
KANIYANG MGA AKDA
- Kilala sa ilalim ng sagisag na Taga-ilog.
- isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon sa
Espanya, ay sumanib sa Kilusang Propaganda
at nag-ambag ng kaniyang mga sinulat sa La
Solidaridad. Karamihan sa paksa ng kanyang
akda ay tungkol sa kaugalian ng mga Pilipino
at ang iba'y tumutuligsa sa pamamalakad ng
mga Kastila.
MGA AKDA NI ANTONIO LUNA
“LA TERTULIA PILIPINA” (Ang piging ng mmga filipino) – nag
sasaad ng kahigtan at kabutihan ng kaugaliang Filipino kaysa Kastila.
“LA MAESTRA DE MI PUEBLO” – Pumipintas sa Sistema ng
edukasyon para sa mga kababaihan.
“TODO POR EL ESTOMAGO" - Tumutuligsa sa mga patakaran sa
pagbubuwis.
“IMPRESIONES" - Paglalarawan sa ibayong kahirapang dinaranas ng
isang mag-anakang naulila sa amang kawal.
DR. PEDRO
PATERNO
Ang isa pang iskolar, mananaliksik,
dramaturgo at nobelista ng pangkat ay sumapi
na rin sa kapatiran ng mga Mason at sa
Asociacion Hispani-Filipino upang itaguyod
ang layunin ng mga repormista. Ang
karamihan sa sinulat niya ay tungkol sa
paksang panrelihiyon at panlipunan. Siya ang
unang manunulat na Filipinong nakalaya sa
sensura sa panitikan noong mga huling
panahon ng Kastila.
MGA SINULAT NI DR. PEDRO PATERNO
"A Mi Madre" - (Sa Aking Ina) Nagpapahayag ng kalungkutan kung wala ang ina. Kaniya
itong hinahanap-hanap.

"Ninay“ - Kaunaunahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang


Pilipino.

"La Cristianismo y la Antigua Civiliza- tion Tagala" - Nagsasaad ng impluwensiya ng


kristiyanismo sa kabihasnan at kalinangan ng mga Tagalog. Gayunman sinabi niyang marami
pa ring kaugaliang Filipino ang hindi napapawi ng Kristiyanismo.

"La Civilizacion Tagala", "El Alma Filipino" at "Los Itas" - Mga pananaliksik na
nagpapaliwanag na tayong mga Filipino'y may katutubong kultura.

"Sampaguitas y Poesias Varias“ - Katipunan ng kaniyang tula.


• Isang nobelista; makata, mananalaysay at "Ama ng Pahayagan".

• Nagtatag at namamugot sa pahayagang “El Resumen”

• Tinuligsa niya ang mga pang-aapi at katiwaliang ginagawa ng mga may kapang-
yarihang Kastila kaya't siya'y ipinatapon sa Aprika. Nakabalik sa Filipinas noong
dumating ang Amerikano at siya'y nagtatag ng pahayagang "El Grito del Pueblo" at
"Ang Tinig ng Bayan." Sa dalawang wika'y ipinaabot niya ang hangaring magsarili
ng mga Filipino.

• kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal.


PASCUAL
POBLETE Mga akdang kaniyang isinulat at mga isinalin sa Tagalog ay ang:
• "Ang Conde ni Monte Cristo" ni Alexander Dumas

• "Lucrecia Triciptino“ at "Buhay ni San Isidro Labrador" ni Francisco Butina

• "Ang Kagilagilalas na Buhay ni Juan Soldado.“

• "Mga Manunulat sa Wikang Tagalog"


JOSE MARIA PANGANIBAN
• Tagapag-ambag ng mga sanaysay at
lathalain sa pahayagan ng mga
propagandista, sa ilalim ng sagisag na
Jomapa at J.M.P

• Kilala sa pagkakaroon ng "Memoria


fotografica".

• Bumibigkas din ng mga talumpating


aring ihanay sa mga talumpati ni
Lopez Jaena.
Isinilang siyá noong 1 Pebrero 1863 sa Mambulao, Camarines Norte
kina Vicente Panganiban at Juana Enverga. Ang kaniyang ina ang
nagturo sa kaniya ng kartilya, katon, at katekismo. Nang mamatay
ang kaniyang ina, pinag-aral siyá ng kaniyang ama sa isang seminaryo
sa Naga, Camarines Sur at nakatapos ng kursong Pilosopiya noong
1882. Sa tulong ng direktor ng kaniyang pinasukang seminaryo,
nakapag-aral siyá sa Colegio de San Juan de Letran. Pagkaraan ay
kumuha siyá ng medisina sa Universidad de Santo Tomas. Noong
1887, isinulat niya ang Anatomia de Regines na kinilála bilang isa sa
mahusay niyang katha. Ang mga isinulat niya tungkol sa general
pathology, therapeutics at surgical anatomy ay pinarangalan din. Ang
isang antolohiya ng kaniyang mga akda ay tinipon ni Padre Gregorio
Echevarria, rektor ng Universidad de Santo Tomas, at ipinadalá sa
Exposicion General de Filipinas sa Madrid noong 1887.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Universidad de
Barcelona sa España noong 1888. Hábang nása España, nabása
niya ang mga isinulat ng mga Filipinong propagandista. Naging
dahilan ito upang sumapi siyá sa grupong Asociacion Hispano-Filipina
at La Solidaridad. Sumulat siyá tungkol sa malîng sistema ng
edukasyon sa Filipinas at ang hangarin ng malayang pagpapahayag
ng saloobin ng mga Filipino. Kinilala mismo ni Jose Rizal ang
kaniyang husay sa pagsulat at dakilang adhika para sa bansa .

Ang ilan sa mga artikulong isinulat niya ay:


-“El Pensamiento,” “La Universidad de Manila” “Su Plan de
Estudio,” at “Los Nuevos Ayuntamientos de Filipinas.”
Tula at maikling kuwento
na kaniyang isinulat: Nang magkaroon ng tuberkulosis,
humingi siya ng tawad kay Rizal na
hindi na siya makatutulong pa sa
• “Ang Lupang Tinubuan,” kilusan. Namatay siya sa Barcelona
• “Noches en Mambulao,” noong 19 Agosto 1890 sa kaniyang
tinitirahan sa Rambla de Canaletas
• “Sa Aking Buhay,” 2. Noong 1 Disyembre1934, sa
• “Bahia de Mambulao,” pamamagitan ng Act No. 4155 ay
• “La Mejerde Oro,” ipinangalan sa kaniya ang bayan ng
Mambulao, Camarines Norte. Sa
• “Amor mio,” tulong ng historyador na si Domingo
• “Clarita Perez,” Abella ay naibalik sa Filipinas ang
• “Kandeng.” kaniyang mga labí mula sa
• "A Nuestro Obispo“. Barcelona.
PEDRO SERRANO LAKTAW
• Isa sa mga pangunahing Mason na kasama ni Antonio
Lunang umuwi sa Filipinas upang bumuo ng Masonarya.

• Ang Lohiyang "Nilad" ang kaniyang itinatag. Kaugnay ng


Kilusang Propaganda, ito'y naglayong magkaroon ng
demokratikong pamunuan, kalayaan at karapatan ng
bawa't tao, kinatawan sa Kortes, maging lalawigan ng
Espanya at magkaroon ng mga pagbabago.

• Siya ang unang sumulat ng "Diccionario Hispano-Tagalo"


na nalathala noong 1889. Ang kaniyang "Estudios
Gramaticales" at "Sobre La Lengua Tagala" ang
pinagbantayan ni Lope K. Santos ng Balarila ng Wikang
Pambansa.
ISABELO DELOS REYES
• Isang manananggol, namamahayag,
manunulat, at "Iglesia Filipina
Independente".

Napabilang siya sa tatlong panahon ng


panitikang Filipino.
-Panahon ng Propaganda
-Panahon ng Himagsikan
-At Panahon ng Amerikano.
Si Isabelo De Los Reyes ay nagtamo ng gantimpala sa Exposisyon sa Madrid, sa
sinulat na "El Folklore Filipino".

Ang iba pa niyang mga sinulat ay ang mga sumusunod:

• "Las slas Bisayas en la Epoca de la Conquista,“ - Nakasaad dito na nang


dumating ang mga Kastila sa Visayas Islands, ang lugar ay mayroon nang
populasyon, likas na yaman, at dayuhang kalakalan. Ipinaliwanag niya na ang
barangay bilang pangunahing yunit pampulitika ng mga isla, kung paano tinawag ng
mga katutubo ang mga lokal na pinuno, at iba pang kultural na katangian ng mga
tao.

• "Historia de Ilocos“

• "La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina"


YUN LAMANG
AT MARAMING
SALAMAT!!

You might also like