Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

FILIPINO BILANG WIKA

NG KOMUNIKASYON SA
KOLEHIYO
FILIPINO BILANG WIKA NG KOMUNIKASYON
SA KOLEHIYO AT MAS MATAAS NA ANTAS
• Malinaw na Filipino ang wikang magagamit sa palinang at
pagpapalaganap ng “isang edukasyon na nagtataguyod sa kapakanan ng
bansa, nagpapa-yaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at
umuugat sa buhay at pakikibaka sa naka-karami (Lumbera et al,2007)
Ipinahayag ni Dr. Wilfrido V. Villacorta, isa sa mga komisyoner ng 1986
Constitutional Commission, na nagpanukala ng mga probinsyong
kalaunay nagging artikulo 14 sa saligang batas ukol sa edukasyon, wika at
sining na ang ating Wikang Pambansa ay:
• Isang makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang
pagkakakilanlan
• Nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon
• Nagbibigay-daan sa pagkakaisa at
• Pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating mamamayan
• Hindi lamang sa dimensiyong kultural mahalaga ang wikang
Filipino, kundi maging sa aspetong ekonomiko rin. Gaya ng
sinabi ni San Juan, ang wikang Pambansa lamang ang
makapagtitiyak na ang sistemang pang-edukasyon ng bansa ay
nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino.
AYON SA PAMPHLET NG KWF NA INIHANDA
NI ALMARIO(2014)
• Malaki ang isinulong ng pagpapalaganap sa Wikang Pambansa.
• 25.4% hanggang 44.4% ang nagsasalita ng Wikang Pambansa
NOONG 1989, LUMITAW SA SURVEY NG
ATENEO DE MANILA UNIVERSITY NA:
• 92% ang nakakaintindi ng Tagalog
• 83% ang nakakapagsalita nito
• 88% ang nakakabasa
• 81% ang nakasulat gamit ito

Nangangahulugan lamang na ang pagsasalita ng Filipino ay maituturing na “wika ng bayan” o


lingua franca
• Bunsod ng makasaysayang Unang Rebolusyon sa EDSA noong 1986, nagkaroon ng bagong
Saligang Batas ang ating republika.
• Isa sa mga pinakamaiinit na usaping pinagtalunan ng mga delegado sa kumbensyong
konstitusyunal ay ang usapin ng wikang Pambansa.
• May ilang rehiyunalista na nagnanais ng unibersal na dulog sa pagpiti ng wikang pambans: ang
amalgamasyon o paghahalo-halo ng wika ng Pilipinas
• Nakipagtagisan naman ng talion ang mga ultra-konserbatibo na nagpanukala naming espanol
ang dapat maging wikang opisyal
• Gayunpaman, nanaig ang konsenus na ang wikang Pambansa ay Filipino na ang nukleyo ay ang
Wikang Pilipino.
• Ang wikang Filipino’y sumusulong na rin bilang aktuwal na wikang opisyal ng Pilipinas.
• Upang lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transakyon,
komunikasyon at korespondensya ng gobyerno, nilagdaan ni dating pangulong Corazon Aquino
ang kautusang tagapagpaganap Blg. 335 noong Agosto 25,1988 at ang patakarang
bilingguwalismo sa eduk-asyon sa pamamagitan ng kautusang pangkagawaran Blg. 53, serye
ng 1987.
• Malaking tagumpay at pagsulong ang kinamtan ng wikang filipino sa mass media
kung saan nauso ang paggamit ng Filipino sa mga public affairs at news program.
• Ang popularisasyon ng mga radio-dramang Tagalog ay siya ring sinubaybayan ng
masang Pilipino sa buong kapuluan na nakapag-ambag din sa pasusulong ng
wikang Pilipino.
• Sa dalawang dekado ring ito sumulong ang Filipinisasyon ng mga diyaryo.
• Bagamat napako sa mga tabloid ang Filipinisasyon ng print media, malaking
tagumpay ang pag-ungos ng pahayagang filipino sa bilang ng mga mambabasa ng
mga ingles sa broadsheet na nakalatha sa wikang English.
• Lubos din nagging maningning ang pagsulong ng wikang Filipino sapagkat
naipasa ang Batas Republic blg. 7104 na nagtatadhana ng paglikha ng komiyon sa
Wikang Filipino (KWF).
• Samakatuwid, ang adbokasiya ng Tanggol Wika na adbokasiya rin ng maraming
Makabayan sa bansa ay magtitiyak na ang nasimulan na ay maipagpapatuloy at
lalo pang mapapaunlad tungo sa ganap ba paggamit ng Filipino bilang wika ng
komunikasyon sa iba’t-ibang antas at larangan.
MULTIMIDYA
• Isa sa mga institusyong may malaking ambag na sa intelekwalisasyon ng Filipino
ang Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
• Pinatutunayan ito ng pag-iral ng progresibong patakarang pangwika sa UP, Simula
pa sa pagkapresidente ni Dr. Napoleon Abueva (Petras,2012), na kumikilala at
nagpapahalaga sa papel ng wikang Pilipino sa paglikha at pagtuklas ng karunungan
na kapaki-pakinabang sa mga kimunidad ng Pilipinas, at kayang-kayang unawain ng
mga ordinaryong Pilipino.
• Bunga nito, marami-raming tesis at disertasyon sa UP ang naisulat sa wikang
Pilipino sa ibat-ibang larangan.
PAGPAPAHALAGA
• ANG MAKASAYSAYANG ADBOKASIYA NG TANGGOL
Wika ay adbokasiyang dapat panghawakan at itaguyod ng
bawat Pilipino sapagkat ito’y nagpapatibay sa bias ng wikang
Pambansa bilang wika ng komunikasyon. Sa ng iisang
pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang wika sa pambansang
diskurso, lalong mapaglalapit-lapit ang damdamin, mga
pangarap hinaing iba pa ng mga mamayang Pilipino sa buong
archipelago tungo sa patuloy na palinang sa wika at kulturang
sariling atin.
Thank You!

You might also like