Professional Documents
Culture Documents
Pangunahing Uri NG Tahi o Stitches
Pangunahing Uri NG Tahi o Stitches
Tahi o Stitches
1. Running Stitch (Tahing Patutos)
- Ginagamit ang tahing ito sa pagsusulsi, pagtatagpi,
paggawa ng shirring at
pagtatahi ng maliliit na hilbana.
2. Back Stitch (Tahing Pabalik-balik)
- Maihahalintulad ito sa tahing makina. Ginagamit
ito sa mga natatastas o sa pagdurugtong ng dalawang tela
na magkatulad. Masasabing ito ay isa sa pinakamatibay na
tahing kamay.
3. Basting Stitch (Paghihilbana)
- Ito ay tinatawag na tahing pansamantala upang
maging patnubay sa pananahi ng tela o damit.
4. Slip Stitch (Lilip)
- Ginagamit ito sa pagtutupi ng laylayan ng
damit.
Ang pagsusulsi ay ginagawa sa mga punit o
sirang damit at sinasabing ito rin ang paulit-ulit
na pagtatahi sa damit. Pinapalitan nito ang mga
naputol o nasirang sinulid ng tela at pinatitibay
nito ang bahagi o parte ng damit na may punit.
Sa pagsusulsi, dapat isaalang-alang ang mga
sumusunod:
Ang sinulid ay dapat katulad ng kulay ng damit
na susulsihan.
Sundan ang direksyon ng habi ng tela, pahalang,
at pahaba.
Ang pagsusulsi ay dapat simulan sa gawing
kanan ng tela para sa madaling makita ang
telang susulsihan.
Tatlong Uri ng Punit o Sira ng Damit