Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG

WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB


ivanemy.com
SA PAGTUTURO NG WIKA
Layunin
• Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya
sa pagtuturo at ang iba pang makabagong paraan sa pagtuturo nito
(wika).
• Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa
pagtuturo ng wika.
• Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib
sa pagtuturo ng wika.
• Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika
at ang pamaraang komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.
Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa
Pagtuturo
• Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.
• Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
• Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
• Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
• Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
• Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
• Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
• Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
• Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
• Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.
Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika
Nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000.

• Sa una, ikalawa at ikatlong baitang ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng
asignatura.
• Sa ikatlong baitang, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo bilang hiwalay
na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
• Sa ikaapat na baitang, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo
para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
• Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
• Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na larangan,
dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.
• Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan
ng Filipino.
Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng
Wika
Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

• NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

• NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o ang


kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

• Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence (kaalaman
sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).
• TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal
kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais
ipahayag ng nag-uusap.
• S- Setting (saan nag-uusap)

• P- Participants (sino ang nag-uusap)

Narito naman ang


• E- Ends (ano ang layon ng pag-uusap)
komponents na kailangan
upang makapagsalita at • A- Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati,
matanggap ng lipunan na pangungumusta, pagtatanong)
binuo ni Hymes sa akronim na
SPEAKING. • K- Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)

• I- Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)


SPEAKING ni Hymes. . . .
• N- Norms (ano ang paksa ng usapan)

• G- Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)


Ang Ibang Makabagong Pananaw sa
Pagtuturo ng Wika
Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

• NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

• NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o ang


kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

• Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang language competence (kaalaman
sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).
• TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal
kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais
ipahayag ng nag-uusap.
Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng
Wika

Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng


mga mag-aaral: PERSONAL,
INTERPERSONAL,
DIRECTIVE, REFERENTIAL AT IMAGINATIVE.

• Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi
binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa
aspetong pambalarila.
Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika

A. Ano ang Pamaraang Komunikatib?

• Nag-ugat sa notional-functional approach na pinaunlad ni


David Wilkins ng Britanya. (pokus sa mensahe kaysa sa
porma o istruktura)
• Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo
ng wika.
Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika

B. Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib


• Iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative competence.
• Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril Swain.
• Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative competence
• Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa
mga tuntunin sa gramatika.
• Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary. Nakakaunawa at nakagagamit ng
kontekstong sosyal ng isang wika.
• Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong
diskurso.
• Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at
nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na walang problema. (Coping o survival Strategies)
Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika

Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang Komunikatib


• Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an konteksto ng talastasan.
• Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad noong araw na ang
gawain ng guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit ng mga pagsasanay tulad ng
substitution drills, pattern practice at iba pa.
• Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano kahusay sa
pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang nalalaman sa gramatika ng isang wika.
• Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na tumatawag sa
pakikipagtalastasan.
• Panlima, may iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi maasahan na ang isang
hindi negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.
EBALWASYON
I. MALAYANG TALAKAYAN
A. Paghambingin ang mga sumusunod:

• estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran


• language competence at language performance
• socio-linguistic competence at discourse competence
• linguistic competence at strategic competence
EBALWASYON
I. MALAYANG TALAKAYAN
B. Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga sumusunod na katanungan:
• Sa iyong palagay, bakit kailangang ang estratehiyang gagamitin sa pagtuturo
ay dapat na nakaugnay sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral?
Maglahad ng mga patunay.
• Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong
kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo?
• Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito nakatutulong sa mabisang
pagtuturo ng wika?
EBALWASYON
II. PAGLALAPAT
• Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na SPEAKING ni Hymes pagkatapos ay
bumuo ka ng isang sitwasyon na aangkop dito.
ROWENA G. QUILLA
School Filipino Coordinator

You might also like