Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

UNANG MARKAHAN
Week9/Day5

Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba


Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin

Layunin:
-Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kasapi ng mag-anak.

Sanggunian:
Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121;
Teaching Guide ph.14;
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 45;
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I; pah. 144-145;
Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177
01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 1
Balik-aral:
Paano ka dapat
sumagot kung
tinatawag ka?

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 2


Pagganyak:
Naranasan mo na bang
magtampo o sumama ang
loob sa kapatid o sa
magulang mo?
Ano ang ginawa mo?

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 3


Kwento
Tena, Maligo Tayo
Nagluluto sa kusina si Aling Mercy nang marinig niya ang
malakas na iyak ni Tepen. Pinuntahan niya ito sa sala upang
tingnan kung ano ang nangyari. Ganito ang kanyang nakita at
narinig.“Ang baho mo naman, Tepen! Di ka yata naliligo,” ang
sabi ng ate. Lalong lumakas ang iyak ni Tepen. “Waa! Waa!
Waa!“Halika, maligo tayo nang bumango ka.” Sabi ng ate.“Opo,
ate.” Ang sagot ni Tepen.
Pagkatapos maligo, “Ang bango mo na Tepen, maligo ka lagi,
ha?” sabi ng ate.“Opo, ate. Salamat ha?” ang sabi naman ni
Tepen.Natuwa si Aling Mercy sa narinig.“Ganyan nga, anak.
Iwasan mo sana na makasakit ng damdamin ng kapatid mo.”Ang
wika ng nanay.“Opo, inay tatandaan kop o lagi.” Sabi ng ate.

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 4


Nagluluto sa kusina si Aling Mercy nang marinig niya ang malakas
na iyak ni Tepen. .

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 5


Nagluluto sa kusina si Aling Mercy nang marinig niya ang malakas
na iyak ni Tepen. .

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 6


.“Ang baho mo
naman, Tepen! Di
“Waa! Waa! ka yata naliligo,”
Waa!“

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 7


Isang umaga, nagpunta si Aling Cely sa bahay nina Liza.

“Halika, maligo
tayo nang bumango
“Opo, Ate ka.”

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 8


Isang umaga, nagpunta si Aling Cely sa bahay nina Liza.

, “Ang bango mo
“Opo, Ate na Tepen, maligo
Salamat ha. ka lagi, ha?”

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 9


Sagutin

Bakit umiiyak si Tepen?


Sino ang nagsabi na mabaho siya?
Bakit daw mabaho si Tepen?
Ano ang ginawa kay Tepen ng ate niya?
Ano ang nangyari pagkatapos paliguan si Tepen?
01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 10
Paglalahat Paano mo maiiwasan na
makasakit ng damdamin
ng iyong kaanak?

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 11


Tandaan

Ang dila ay hindi tabak


Subalit nakakasugat
Kaya dapat na maingat
Ng sa damdami’y di
maitarak.
Salitang nasabi na natin
Hindi na pwedeng bawiin
Lalo at masakit ang dating
Dulot ay problema sa atin.

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 12


Pagpasiyahan mo:

Tama ba na sabihin kay Tepen na


mabaho siya? Bakit?
Ano sa palagay mo ang naramdaman ni
Tepen ng sabihan siya ng ate na
mabaho?
Ano naman ang naramdaman niya nang
sabihan siya na mabango?
Bakit hindi dapat saktan ang damdamin
ng isang kasapi ng pamilya?
Paano maiiwasang masaktan ang
damdamin ng kasapi ng pamilya?

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 13


01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 14
Takdang aralin Nabangga ka ng
nagtatakbuhang mga
bata.
Ano ang gagawin mo?
Sisigawan mo ba sila?
Bakit?

01/25/2024 MERLITA GERONIMO NARNE 15

You might also like