Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Panuto: Lagyan ng happy face kung ang pangungusap ay

nagsasaad ng gawain sa pamamalengke at sad face kung


hindi.

1.Piliin ang sariwang sangkap na gagamitin sa pagluluto.


2.Bumibili nang mamahaling sangkap.
3.Pumupunta sa palengke nang maaga upang mamili.
4.Tinitignan ang expiration date ng pagkain.
5.Inaalam ang halaga ng mga bibilhin.
Pagpili ng Sariwa, Mura
at Masustansyang
Pagkain
Sino-sino sa inyo ang nakaranas ng mamalengke
ng mga sangkap sa palengke?

Kung kayo ay bibili ng isda, ano ang dapat unang


suriin upang matukoy kung sariwa pa ito o hindi
na?

Paano mo naman matutukoy ang sariwang gulay?


Mahusay na Pagpili ng Sariwa, Mura at Masustansyang
Pagkain

Ang wasto at maingat na pamimili ng mga pagkain ay


isang paraan upang matiyak na sariwa, mura at
masustansya ang pagkaing ihahanda para sa buong mag-
anak.
Mahalaga ang kalusugan ng bawat miyembro ng
pamilya kung kaya’t kailangan na masiguro natin na ligtas
ang ating mga mag-anak sa pagkain na atin ihahain.
Makatitiyak tayo na maraming sustansyang
matatamo ang ating pamilya kung sariwa ang pagkain na
ating bibilhin.
Dapat maging matalino tayo sa pagpili ng mga
pagkain na ihahain.
Sa pamamalengke ng mga sangkap na lulutuin
kailangan ang buong pag-iingat at kaayusan para
matiyak na sariwa, mura at masustansya ang pagkaing
bibihin.
Mahalagang malaman din ang katangian ng
sariwa at mataas na uri ng pagkain.

Karne ng Baboy
- Marosas-rosas ang laman nito , hindi
mapula, nangingitim o nagbeberde at
maputi ang taba ng sariwang karne.
- Malambot kapag hinawakan at siksik ang
laman ngunit bumabalik sa dating anyo
kapag pinisil
- May tatak na nagpapatunay na nasuri na
ito ng pamahalaan.
- Walang masamang amoy
Karne ng Baka
- Mapula ang laman at
madilaw naman ang taba
nito.
- May tatak na
nagpapatunay na nasuri na
ito ng pamahalaan.
- Walang masamang amoy
Manok
- Siksik ang laman at manilaw-
nilaw naman ang taba.
- Malambot at makinis at walang
pasa ang balat.
- Walang maliliit na balahibong
nakikita, malinis na ang lamang
loob, mga paa at ulo .
- Natatakpan ng laman ang dulo
ng buto sa pitso.
- Malambot at nababaluktot ang
buto sa pitso ng manok na
pamprito
- Matigas at matatag ang buto sa pitso ng manok na panlaga.
- Walang masamang amoy
Isda
- Malinaw at nakaumbok ang mga
mata. - Mapula ang hasang.
- Makintab at kapit sa balat ang
kanyang kaliskis.
- Matatag ang laman at di
humihiwalay sa tinik at bumabalik sa
dating anyo kapag pinisil.
- Walang masangsang na amoy.

You might also like