Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

PAGPROSESO NG

IMPORMASYON PARA
SA KOMUNIKASYON
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat
na paraan ng mga pangkat ng katutubo sa buong kapuluan.
Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-
araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon
at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang
akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga
lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang
karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.
Pagtuonan natin ang:

 Pagsuri sa katangian ng Filipino bilang isang disiplina at kakayahan nitong


maging hanguan ng talino.
 Pagtalakay sa gampanin ng maka-Pilipinong edukasyon para sa
pagpapatuloy ng Filipino bilang isang disiplina.
 Paglikom ng mahahalagang patunay ng pagturing sa Filipino bilang isang
disiplina.
Motibasyon

Ano ang kahulugan ng pananaliksik para sa iyo?


Pagpapalakas ng Gawaing Pampananaliksik

Ang pagkilala sa Filipino bilang isang disiplina ay hindi


lamang usapin ng paggamit nito bilang medyum ng pagtuturo.
Nangangahulugan ito ng pagturing sa Filipino na mahalagang batis
ng talino. Kaya, ang layong intelektwalisasyon ay gawaing
institusyunal at hindi lamang sa instruksiyon kundi aabot pa sa
gawaing pampananaliksik.
Mahalaga ang maiangat na pagproseso ng impormasyon
kapag isinasagawa ang paghahanap sa lahat ng sulok ng
batis ng talino. Ang paghahanap na ito ay
maisasakatuparan lamang tangi ng mga Pilipino gamit ang
kanilang sariling wika. Mahalaga ang pagpapakalat ng
kultura ng pananaliksik mula sa kapaligiran tungong
paaralan hanggang sa muling pagbalik sa kapaligiran.
Kailangan patuloy na linangin ang edukasyon sa Filipino sa pamamagitan ng
pananaliksik tungkol sa pantayong pananaw.

PANTAYONG PANANAW = TAYO (MAKA-PILIPINO AT MAKA-


FILIPINO)
Pagtiyak sa Batis ng Impormasyon

1. Pagtatanong sa mga kaanak, kapitbahay o mga opisyal na barangay hinggil


sa suliranin ng pamayanan
2. Pagmamasid sa pamayanan na nakatuon sa mga gawi, tao, kapaligiran o
kalikasan.
3. Pagdalaw sa munisipyo at paghingi ng pahintulot na masuri ang mga
opisyal na dokumento.
4. Pagtatanong sa iba pang panig ng mga sector ng pamayanan.
Iba pang Sanggunian:

1. Aklat, ensayklopedia, almanac, at iba pang katulad na reperensya


2. Artikulong inilathala sa mga dyornal, magasin, pahayagan, at iba pang mga publikasyon
3. Manuskrito, monograp, talumpati, at mga liham
4. Konstitusyon at mga batas
5. Bulletin, sirkular, at kautusan
6. Pampubliko at pribadong record
7. Papel mula sa mga panayam
8. Opisyal na pampublikong ulat
Kasanayang Pagbabasa at Pananaliksik ng
Impormasyon

KONSEPTO NG PAGBASA BILANG PROSESO


1. Ito ay proseso ng pagtugon sa wikang pasulat o pasimbolo
2. Ito ay proseso ng pagkilala at persepsyon
3. Ito ay prosesong ginagamitan ng mga pandama
4. Ito ay pagsasakatuparan ng interes
5. Ito ay proseso ng pag-unlad at kabahagi ng paglaki
6. Ito ay proseso ng pagkatuto
7. Ito ay prosesong ginagamitan ng mga kasangkapan sa pagkatuto
Kasanayan sa Paglalagom at Pag-uugnay-
ugnay ng Impormasyon

Ang paglalagom ay nagsisilbing pundasyon ng saliksik. Ang proseso ng rebyu


sa mga ito ay malaking tulong sa kabuoan ng pagsasakatuparan ng saliksik.
Ito ay magtatakda sa pagbuo ng mga partikular na suliranin, hipotesis,
konseptwal at teyoretikal na batayan. Ito rin at batayan sa pagpili at paglapat
ng angkop na pamaraan ng pananaliksik. Teknik sa pagkuha ng sampol at
estadistikang pormula.
Pagtataya

1. Magsaliksik ng 10 pananaliksik sa wika at 10 pananaliksik sa panitikan.


2. Ibigay ang mga kawing/sites o link na pinaghanguan o naging sanggunian.
Ilahad ito sa pamamagitan ng APA.
3. Ibigay ang opinyon tungkol sa mga nakalap na pananaliksik.
Maraming Salamat!

You might also like