Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

Ano ang BIONOTE?

Ano ang dalawang


(2) mahahalagang
inilalagay sa
bionote?
Mga Sagot:

Ang bionote ay
nagtataglay ng mga:

1. Personal Profile
2.Academic Career
LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang
“Nakalarawang Sanaysay”

2. Naibabahagi ang hindi makalilimutang


karanasan gamit ang sariling larawan.

3. Nakabubuo ng “Photo Album”


NAKALARAWANG
SANAYSAY
Lagi nating naririnig ang kasabihang “ang isang
larawan ay katumbas ng sanlibong salita o higit pa”.
Maaaring maipahayag ang mga hindi simpleng ideya sa
pamamagitan lamang ng isang larawan. Ang pag-aayos ng
mga larawan ay upang maglahad ng kaisipan o ideya na
tinatawag na nakalarawang sanaysay o photo essay.
Ang nakalarawang sanaysay o photo essay ay
koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang
makapaglahad ng pagkasunod-sunod na pangyayari,
makapagpaliwanag ng isang konsepto, o
makapagpahayag ng damdamin. Ito ay katulad din ng
ibang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga estratehiya o
teknik sa pagsasalaysay.
Ang kaibahan lang nito ay gumagamit ito ng mga
larawan sa paglalahad. Ang iba ay nilalagyan ng
maiikling teksto na siyang sumusuporta sa larawan.
Iwasan ang labis na pagsusulat, hayaang
mangusap ang mga larawan.
Hindi ito katulad ng tradisyunal na sanaysay na
naglalahad ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
salita, ang mensahe ng nakalarawang sanaysay o photo
essay ay pangunahing makikita sa mga larawan. Ang mga
larawan ang siyang pangunahing nagkukuwento.
ISINASAALANG-ALANG
SA PAGBUO NG PHOTO
ESSAY
PAKSA
1. Siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa (malapit sa
puso ng manlilikha, napapanahong balita, kalagayang
politikal ng isang bayan, at iba pa);

2. Pagnilayan kung magiging interesado ba ang mga


mambabasa nito;

3. Kailangan dumaan sa masusing pagpaplano at


pananaliksik ang pagpili nito.
MAMBABASA
1. Dapat kilalanin kung sino ang
mambabasa (edad, kasarian, hilig, atbp.)

2. Siguraduhing madaling ma access ng


mambabasa ang ginawang material
LAYUNIN
1. Dapat malinaw ang patutunguhan ng
photo essay

2. Gamitin ang mga larawan upang matamo


ang proyekto

3. Dapat may kaisahan ang mga larawan na


ginamit
PANAPOS NA
PANANALITA
Ang nakalarawang sanaysay ay
tulad daw ng isang pelikula. Hindi nga
lang ito gumagalaw ngunit ito ay
nagpapahiwatig ng isang mahalagang
kaisipan, damdamin o mensahe na
maaari nating pagnilayan.
Tandaang ang sinumang lilikha
ng nakalarawang sanaysay ay hindi
lamang maituturing na potograpo
kundi isang storyteller.
Laging tandaan na mas mainam na
gumamit ka ng sariling mga larawan
ngunit kung hindi akma sa iyong layunin
at paksa, maaari kang sumangguni sa
mga larawang may pahintulot ng may-
ari na ilathala at huwag silang kalimutang
isali sa sanggunian ng iyong awtput.
Ebolusyon sa
pagpapadala ng
liham/mensahe
Unang kaarawan
o Buwanang Pag-
unlad ng sanggol
Kasuotan ng
mga kababaihan
noon at ngayon
1. Ipaliwanag ang nakalarawang
sanaysay o photo essay.
2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-
alang sa pagbuo ng nakalarawang
sanaysay o photo essay.
3. Ipaliwanag ang kasabihang “ang
isang larawan ay katumbas ng
isang libong salita o higit pa”.
ACTIVITY
TIME!
PHOTO
ALBUM…
Indibidwal na Gawain: Sa loob ng 10 minuto,
bumuo ng kaniya-kaniyang nakalarawang
sanaysay gamit ang inyong mga cellphone at
ipasa ito sa ating GC.
PHOTO
ALBUM…
Pamantayan
Wastong Paggamit ng mga Larawan 40%
Pagkakasunod-sunod 30%
Orihinalidad 30%
Kabuuan 100%
Maikling
Pagtataya
Panuto: Itala ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng
tradisyunl na sanaysay at nakalarawang sanaysay. Isulat
ito sa kalahating dilaw na papel.
Saliksikin ang lakbay
sanaysay at replektibong
sanaysay

You might also like