Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Santo Rosario at Panalangin Sa

Kamahal Mahalang Puso ni Hesus

Apostolado Ng Panalangin
Pambungad Na Awit:Mahal na Puso ni Hesus
I.Mahal na Puso ni Hesus, II.Banal na templo't tahanan,
Kami ay kupkupin; Dito'y kalangitan.
Akitin ang puso namin, Aliw nami't kayamanan,
Nang grasya Mo'y angkin. Ang tangi Mong laan.

Koro:O Kristo'y dinggin, Ⅲ.Mga puso'y ipininid,


Aming panalangin. Ala-ala'y said.
Laging angkinin, Ang sala ng tao'y hatid,
Ang puso namin. Sugat sa 'Yong gilid.

Ang Santo Rosario Sa Kamahal Mahalang Puso ni Hesus


Sa Ngalan Ng Ama Ng Anak(+) at Ng Espiritu
Sa santo,Amen.
Halip na Sumasampalataya,dadasalin sa Krus Ng Santo Rosario Ang Sumusunod

N. Kaluluwa ni Kristo L.Pakabanalin Mo kami


N. Puso ni Kristo L.Pagningasin Mo kami sa iyong pag ibig
N. Katawan ni Kristo L.Iligtas mo Kami
N. Dugo Ni kristo L.Hubigin mo Kami
N. Tubig Mula sa Tagiliran ni Kristo L.Hugasan mo Kami
N. Paghihirap ni Kristo L.Palakasin Mo Kami
N. O butihing Hesus L.Pakinggan Mo kami
N. Sa iyong mga Sugar L.Ingatan Mo Kami
N. Huwag mong ituloy na ako'y mawalay sa iyo L.Ipagtanggol mo Kami sa masamang Kaaway
N. Sa Oras Ng Kamatayan L.Tawagin at akayin mo Kami tungo sa iyo
N. Upang sa Piling Ng mga banal L.Kami ay mag puri sa iyo magpakilan pa man.
L. AMEN
Bago Ang bawat malaking butil Ng Santo Rosario dadasalin Ang mg
a Sumusunod:
N.Hesus na Makapag kumbaba,
L. Gawin mo Ang Aming Puso ay matulad sa Iyong puso

Sa Bawat malaking butil Ng Santo Rosario,dadasalin Ang Mga


Sumusunod:
N.Sinasamba ka namin, O Hesus Na nagdanas ng masidhing hapis sa Halamanan ng
Gethsemani Na hanggang sa ngayon ay winawalang bahala Ng di makatarungang asal ng
tao Sa Banal na Santisimo Sakramento
L. O kaibig-ibig na taga-pagligtas Ikaw lamang ang kinikilala naming tanging banal Ikaw
lamang ang Panginoon, Ikaw lamang ang kataas-taasan

Sa Bawat maliit na butil Ng Santo Rosario,maka-anim na ulit


dadasalin Ang Mga Sumusunod:
N.Sinasamba kita, O kabanal-banalang Puso ni Hesus
L. Pagningasin Mo ang aking Puso Sa alab ng lyong Banal na Pag-ibig

Pag ka Tapos dasalin Ang Buong Santo Rosario,magdasal Ng


1 Ama Namin 1 Aba ginoong Maria

LITANYA NG KAMHAL MAHALANG PUSI


N. Panginoon,Maawa Ka Sa Amin NI HESUS
L Panginoon,Maawa Ka Sa Amin
N. Kristo,maawa Ka Sa Amin . Kristo,maawa Ka Sa Amin
N. Panginoon Maawa Ka Sa Amin L Panginoon Maawa Ka Sa Amin
N. Kristo,Pakinggan mo Kami . Kristo,Pakinggan mo Kami
N. Kristo,Paka-Pakinggan mo kami L Kristo,Paka-Pakinggan mo kami
.
N. Diyos Ama sa Langit L L Maawa ka Sa Amin
N. Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan . . Maawa ka Sa amin
N. Diyos espiritu santo L L Maawa ka Sa Amin
N. Santisima Trinidad na iisang Diyos . . Maawa ka Sa Amin
N. Puso ni Hesus, anak ng Amang walang hanggan L Maawa ka Sa Amin
N. Puso ni Hesus, nilalang ng Espiritu Santo . Maawa ka Sa Amin
sa tiyan Ng Inang Birhen L
N. Puso ni Hesus, nakikipag-isang tunay sa Verbo ng Diyos . Maawa ka Sa Amin
N. Puso ni Hesus, na walang hanggan ang kamahalan L Maawa ka Sa Amin
N. Puso ni Hesus, Templong Banal ng Diyos . Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, Tabernakulo ng Kataas-taasan LMaawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, Bahay ng Diyos at pinto ng langit . Maawa ka Sa amin
N Puso ni Hesus, maalab na siga ng pag-ibig LMaawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, sisidlan ng katuwiran at pag-ibig . Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, puspos ng kabutihan at pag-ibig LMaawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, kalaliman ng lahat ng kabanalan . Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, karapat-dapat purihin ng LMaawa ka Sa Amin
buong pagpupuri .
N.Puso ni Hesus, Hari at Sentro ng lahat ng mga puso LMaawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, sisidlan ng dilang kayamanan . Maawa ka Sa Amin
ng karunungan at katalinuhan L
N.Puso ni Hesus, tahanan ng buong pagka-Diyos . Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, kinalulugdang lubos ng Diyos Ama LMaawa ka Sa amin
N.Puso ni Hesus, sa lyong kasaganaan ay . Maawa ka Sa Amin
nababahaginan kaming lahat
N.Puso ni Hesus, na pinagnaisan ng mga buro LMaawa ka Sa Amin
na walang hanggan .
N.Puso ni Hesus, matiisin at lubhang maawain LMaawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, nakapagpapayaman sa lahat . Maawa ka Sa Amin
ng mga tumatawag sa lyo
N.Puso ni Hesus, bukal ng buhay at kabanalan LMaawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, ipinagtamo namin ng kapatawaran . Maawa ka Sa Amin
sa aming mga kasalanan L
N.Puso ni Hesus, tinigib ng karuwahaginan . Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, nasugatan dahil sa aming LMaawa ka Sa Amin
mga kasalanan .
N.Puso ni Hesus, naging masunurin hanggang Maawa ka Sa amin
sa kamatayan L
N.Puso ni Hesus, pinaglagusan ng sibat . Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, batis ng tanang kaaliwan Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming mag-uli LMaawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, kapayapaan namin at ipinagkakasundo . Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, inihain dahil sa aming mga kasalanan LMaawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, kaligtasan ng mga umaasa sa lyo . Maawa ka Sa Amin
N. Puso ni Hesus, pag-asa ng mga namamatay sa lyo Maawa ka Sa Amin
N.Puso ni Hesus, ligaya ng lahat ng mga Santo LMaawa Ka Sa Amin
N.Kordero Ng Diyos na nakakawala Ng mga kasalanan Ng Sanlibutan
.
L. Patawarin mo po Kami,Panginoon
L
N.Kordero Ng Diyos na nakakawala Ng mga kasalanan nf Sandaigdigan
.
L. Paka-pakinggan mo Po kami,panginoon
N.Kordero Ng Diyos na nakakawala Ng mga kasalanan Ng Santinakpan
L
L. Maawa ka Sa Amin
.
L
N.Hesus Maamo at Mababang Puso.
.
L. Gawin mo na Ang Aming mga Puso ay matulad sa Puso mo.
Manalangin Tayo
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos!
Tingnan Mo ang puso ng Sinta Mong Anak at ang mga pagpupuri at
kabayaran na inihahandog Niya sa lyo sa ngalan ng mga makasalanan at marapatin Mong ipagkaloob ang
kapatawaran sa nagmamakaawa sa lyo sa ngalan ni
Hesukristo ring Anak Mo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo magpasawalang hanggan. Siya nawa.

Pang wakas na Panalangin


O Panginoong Hesukristo, na sa isang di maisaysay na himala ng pag-ibig, ay inilaan Mong ialay ang
iyong banal na puso sa tao, para sa kanila ay magbigay buhay, at nang sa gayo'y matamo Mo rin ang
kanilang mga puso, buong giliw Mong pakinggan ang aming mga panalangin, at patawarin nawa kami sa
mga kasalanang, inaamin namin ngayon sa lyong harapan. Ituon Mo ang isang sulyap ng awa at
pagkahabag, sa kanila na nagpakababa Kang ipadama, ang giliw ng Iyong kaibig-ibig na puso. At
sapagkat ninanais naming sambahin Ka, sa kabanal-banalang misteryo sa Altar, hanggang sa sukdulan ng
aming kakayanan, at mag-alay sa lyo ng isang kasiya-siyang parangal, at sa ganitong hangarin, ay aming
tinatangisan at kinapopootan, mula sa kaibuturan ng aming mga puso, ang lahat ng mga kalupitan,
kalapastanganan, pangungutya, kasalanan, at iba pang gawang kasamaan laban sa lyo, ng mga taong
walang pagkilala sa lyong kabutihan, sa bawat bahagi ng mundo, ngayo'y paningasin sa aming mga puso,
ang banal na pag-ibig na nag-aalab sa lyo, at pukawin sa amin, ang mga damdaming katulad sa lyo, nang
sa gayo'y maging karapat-dapat kami, na purihin ng walang humpay, ang pag-ibig ng lyong Mahal na
Pusong nagliliyab para sa amin. Ito ang aming panalangin sa lyo, na nabubuhay at naghahari kasama ng
Ama, sa pakikiisa ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Novena sa Mahal na Puso ni Hesus


Panginoong Hesus, Ikaw ang nagsabi, humingi kayo at kayo ay bibigyan, Humanap kayo at kayo ay
makakatagpo. Kumatok kayo at ang pinto ay bubuksan para sa inyo. Masdan Mo akong naninikluhod sa
lyong paanan, punong puno ng pananampalataya at pag-asa sa mga pangako ng lyong na BANAL NA
PUSO na namutawi sa lyong banal na mga labi, kaya buong pagsusumamong hiniling ko (banggitin ang
kahilingan).

Kanino ako dudulog kundi sa IYO? Ang PUSO MO ay bukal ng lahat ng mga biyaya at pagpapala. Saan
ko pa hahanapin kundi sa lyong PUSO ang kayamanan ng kagandahang -loob Mo at Awa? Saan pa ako
kakatok kundi sa pinto, na doo'y ipinagkakaloob ng Diyos sa amin ang Kanyang sarili at nakalalapit kami
doon sa Kanya? Ako ay dumudulog sa lyo, O PUSO ni HESUS. Sa lyo ako nakatatagpo ng ginhawa
kapag inuusig, ng lakas kapag nabibigatan sa mga pagsubok at liwanag kapag nag-aalinlangan at
nadidimlan sa buhay.

Mahal kong Hesus, buong puso akong nananalig na ipagkakaloob Mo ang aking hinihiling, kahit pa ito'y
mangailangan ng kababalaghan.
Naisin Mo lamang at makakamit ko ang aking idinadalangin. Inaamin kong hindi ako karapat-dapat sa lyong
mga biyaya ngunit hindi ito dahilan upang ang loob ko ay manghina. Hindi Mo kailanman tinatanggihan ang
isang pusong nagtitika. Nagmamakaawa ako sa lyo. Lingapin Mo ako ng mga mata Mong mahabagin, sa aking
mga kasawian at kahinaan, makikita ng PUSO Mong mapagmahal ang dahilan ng Iyong pagkakaloob ng aking
mga idinadalangin.

O Banal na Puso ni Hesus, anuman ang ipasya Mo sa aking mga isinasamo, hindi ako maglulubay sa
pagsamba sa lyo, sa pagmamahal, pagpupuri at paglilingkod, aking Hesus. Malugod Mo sanang tanggapin ang
aking ganap na pagtalima sa anumang iniaatas ng lyong Banal na Puso, na ang nais ko'y matupad kong lahat at
ng lahat ng lyong mga nilalang magpakailanman.

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, batid kong isang bagay lamang ang hindi Mo gagawin, ang hindi maawa sa
isang naghihirap at nagdurusa, lumuluhog ako sa lyo, mahal kong Hesus. Masdan Mo sana akong abang
lingkod Mo at ipagkaloob ang biyayang ipinakiki- usap ko sa lyo, sa pamamagitan ng kalinis-linisang PUSO
ng lyöng nagdurusang Ina. Inihabilin Mo ako sa Kanya na maging ampong anak Niya at ang kanyang
panalangin sa Iyo ay lubhang malakas at makapangyarihan. Siya nawa.

Pagsamo sa Mahal na Puso ni hesus


O Panginoon, nananalangin ako na bigyan Mo ng kapayapaan, katahimikan at kagalingan ang aking tahanan
sa pamamagitan ng lyong banal na pagpapala. Biyayaan Mo at patnubayan, O Panginoon ang aking mga
pagsisikap at mga gawain at ang lahat ng mga umaasa sa akin at sa mga inaasam at hinahangad ko. Alisin Mo
sa isipan at puso ko ang mga masasamang balakin at makasalanang damdamin. Punuin Mo ako ng
pagmamahal sa aking kapwa at bigyan Mo ako ng lakas ng loob at kahinahunan sa mga panahon ng kagipitan
upang aking mapaglabanan ang hirap ng buhay. Patnubayan Mo ako at ipagsanggalang, O Panginoon sa mga
panganib at kawalan-katiyakan ng mga pangyayari sa daigdig na ito. At aking Hesus, huwag Mong kalimutan
ang aking mga mahal sa buhay na dati ay aming kaisa sa mundong ito, ngunit ngayo'y wala na at iniwan kami
na nagdurusa. Kami ngayo'y binibigyang- aliw ng gunita na sila ay nanatiling tapat sa lyo at sila, at hindi Mo
tinalikdan sa oras ng kanilang kamatayan. Maawa Ka sa kanila, O Panginoon, at dalhin Mo sila sa walang
hanggang kaluwalhatian sa langit. Siya nawa.

Pag-Aalay sa Araw Araw


O Hesus, sa pamamagitan ng kalinis-linisang puso ni Maria, iniaalay ko sa lyo ang aking mga gawain,
katuwaan at tiisin sa araw na ito, kaanib ng banal na sakripisyo ng Misa sa buong daigdig. Iniaalay ko ito para
sa intensiyon ng Mahal na Puso ni Hesus, kaligtasan ng mga kaluluwa, pagbabayad puri ng mga kasalanan at
sa pagkakaisa ng lahat na Kristiyano. Iniaalay ko yaon ukol sa mga adhikain ng mga Obispo, mga kaparian,
mga kasapi ng Apostolado ng Panalangin at lalung-lalo na sa mga adhikain ng Santo Papa sa buwan na ito:

(basahin ang mga adhikain ng Santo Papa sa buwang kasalukuyan.)


Panalangin sa Kamahal Mahalang Puso ni Hesus
PANGINOONG HESUKRISTO, IPINAUBAYA NAMIN ANG AMING SARILI SA IYO NGAYON,
BAWAT ISA SA AMIN AT LAHAT KAMI NA NAGKAKASAMA BILANG ISANG PAMILYA. ANG
IYONG KAMAHAL- MAHALANG PUSO, ANG PUSO NG IYONG KATAWANG SUGATAN AT
MULING NABUHAY AY ANG PALAGIANG BUHAY NA BUKAL NG HABAG AT GRASYA; PAG-
ASA AT PAG-IBIG SA AMING LAHAT. BILANG TUGON, NAIS NAMING ILAAN ANG AMING
SARILI AT MGA BUHAY SA IYO.

TURUAN MO KAMI NA PALAGIAN MONG MAKA-ISA SA PAMAMAGITAN NG IYONG ESPIRITU


SANTO, SA KAISIPAN AT SA PUSO, SA LAHAT NG AMING MGA NAIISIP, MGA SALITA, MGA
GAWA, MGA TUWA, AT MGA PAGDURUSA. TULUNGAN MO KAMI UPANG HIGIT KA NAMING
MAKILALA, AT HIGIT KA NAMING MAHALIN, AT HIGIT KA NAMING MASUNDAN.

NAIS NAMING MAKI-ISA SA IYONG MAPANLIGTAS NA GAWAIN SA MUNDO UPANG ANG


KALOOBAN NG IYONG AMA, ANG MASUNOD DITO SA LUPA PARA NG SA LANGIT; UPANG
ANG "SIBILISASYON NG KATARUNGAN AT PAG-IBIG" AY MAGKAROON NG KATUPARAN
DITO SA AMING BAYAN.

KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS, TULUNGAN MO KAMING MAILAYO ANG


KASALANAN SA AMING MGA BUHAY, TULUNGAN MO KAMI NA PATULOY NA MAGMAHAL,
MAGLINGKOD AT MAGPATAWAD SA ISA'T ISA. NAWA'Y MABUHAY KA NG PALAGIAN SA
AMING MGA PUSO AT SA AMING TAHANAN. NAWA KAMI AY MAGING GANAP NA IYO
LAMANG. KAISA NG KALINIS-LINISANG PUSO NG IYONG INA, ANG AMIN NAWANG MGA
KAHILINGAN SA IYONG KAMAHAL-MAHALANG PUSO ANG MAGBIGAY NG HIGIT NA
KALUWALHATIAN SA IYONG AMA SA KALANGITAN.

HESUS, MARIA AT JOSE, BASBASAN NINYO KAMI NGAYON AT SA SANDALI NG AMING


PAGPANAW. AMEN

No Mas Amor Que El


No mas amor que el Tuyo TuyoTu imperio en el Oriente, La fe de Filipinas
O corazon divino, Es como el sol ardiente, como la roca firme
El pueblo Filipino,
Te da su Corazon
Inmensa como el mar. La iniquidad no puede
En templos y en hogares, Ser de estas islas duena Que izada en nuestros
Te invoque nuestra lengua, montes, Tu celestial enseña, Las puertas de
Tu reinaras sin mengua De Aparri hasta Jolo. infierno No prevaleceran.

Ha tiempo que esperamos

Sa Ngalan Ng Ama Ng Anak(+) at Ng Espiritu


santo,Amen.

You might also like