Professional Documents
Culture Documents
Tanka at Haiku
Tanka at Haiku
Pagkakaiba at
Pagkakatulad ng Tanka at
Haiku
Mga Inaasahan:
• Sa araling ito, inaasahang
a. Maipaliliwanag mo ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo
ng pagbuo ng Tanka at Haiku.
b. Makapagsusulat ka ng payak na
Tanka at Haiku sa tamang anyo at
sukat.
TANKA
• May limang taludtod na tatlumpu’t isa (31) ang kabuuang bilang ng mga pantig.
• May hating 5-7-5-7-7. (Ang ibang Tanka ay may hating 7-7-7-5-5, puwede ring magkapalit-
palit basta’t tatlumpu’t isa (31) pa rin ang kabuuang bilang ng pantig.
• Karaniwang katangian ng Tanka at nagsasaad ng damdamin tulad ng pagbabago, pag-iisa o
pag-ibig.
• Puno ng damdamin ang Tanka.
Halimbawa:
Katangi-tangi
Aliw ng puso
Iingatan ka lagi
Hindi ka na luluha
Haiku
- Mas maikli kaysa sa Tanka.
- May labimpitong (17) pantig lamang.
- May hati ng taludtod na 5-7-5.
- Maaari ring magkapalit-palit ang kabuuang pantig basta’t labimpito(17)
pa rin ang kabuuan.
- Puno rin ng emosyon ang Haiku.
- Karaniwang paksa ng Haiku ang kalikasan at pag-ibig.
Halimbawa:
Kung maghahanap
Kaibigang Kausap
Dapat ay tapat
• Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Tanka at Haiku.
TANKA HAIKU
a. Hindi ko masasabi
Iniisip mo
O aking kaibigan a. Ulilang damo
Sa dating lugar S a tahimik na ilog
Bakas pa ang ligaya Halika, sinta
Bilang ng Pantig
Bilang ng Taludtod
Sukat ng Bawat
Taludtod
Tema o Paksa
Panuto: Basahin ng may pag-unawa ang bawat pahayag. Isulat ang W
kung nagsasaad ng katotohanan at DW kung hindi. Itala ang sagot sa
isang buong papel. (maaaring gumamit ng bond paper o yellow pad
paper).