Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 45

Panuto: Sagutin ang mga

sumusunod na katanungan. Piliin


ang iyong sagot mula sa
pamimilian at isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel answer
sheet.
Anong ilog ang naging lunduyan
ng kabihasnang Ehipsyano?

A. ILOG HUANG HO C. ILOG PASIG

B. ILOG NILE D. ILOG TIGRIS


B. ILOG NILE
Ano ang tawag sa paniniwala ng mga sinaunang Tsino sa
kanilang imperyo na nangangahulugang “kami ang gitna
ng mundo?”

A. MANDATE OF HEAVEN C.
DYNASTY

B. PHARAOH D. ZHONGGUO
D. ZHONGGUO
Ano ang tawag sa pinuno ng mga Ehipsyano na
kinikilala nila bilang hari at Diyos?

A. PHARAOH C.
HARI

B. EMPERADOR D. HYKSOS
A. PHARAOH
Araling Panlipunan:
Kabihasnang Minoan,
Mycenaean at Klasikal
na Greece || Araling
Panlipunan 8 ||
Quarter 2 Week 1
KABIHASNAN(Civilization)-
Naiuugnay sa salitang Latin na “civitas” o syudad (city), na tumutukoy
sa maunlad na sosyudad (society).
Tumutukoy sa yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.
Sibilisasyon na naglalarawan sa mga lipunan o sosyudad na mayroong
matataas na antas ng kultural at technolohikal na pag-unlad (Violati,
2014).
Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinatawag na Minoan hango sa pangalan ng tanyag
na hari ng pulo, si Haring Minos. Ayon sa mga arkeologo, ito ay nagsimula sa Crete mga 3100
B.C.E. Ang kabisera (capital city) ng kabihasnang Minoan ay ang Knossos, matatagpuan sa
hilagang bahagi ng pulo. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang
teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat
na tinatawag na “Linyar A”. Magagaling din silang mandaragat.
Kabihasnang Minoan
Ambag sa Kabihasnan
 Ang fresco ay larawang mabilisan subalit
bihasang ipininta sa mga dingding na
basa ng plaster upang kumapit nang
husto sa pader ang mga pigment ng metal
at mineral na oxide. Madalas na
inilalarawan nito ang ritwal na bull
dancing.
 Ang sining sa paggawa ng palayok ay may
karaniwang disenyo ng mga bagay na
nakikita sa kapaligiran tulad ng mga
bulaklak at disenyong pandagat dulot na rin
ng kahalagahan ng dagat sa kanilang buhay.
 Sila ang unang nakagawa ng arena sa
buong daigdig kung saan nagsasagawa
ng mga labanan sa boksing.
Kabihasnang Minoan
Ambag sa Kabihasnan
 Ang mga labi ng palasyo ay nagpapahiwatig na may kaalaman na ang mga
Minoan sa paggawa ng daanan ng tubig, kasanayan sa paggawa ng mga pinong
plorera (vase), tela, pabango at pag-ukit ng pigurin.

 May mga katibayan din na sila ay may sistema ng pagsulat, may kaalaman sa
paghahabi, paggawa ng alahas at kagamitang bronse o tanso.
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Pag-unlad: Pagbagsak:
➢ Paglipas ng ilan pang taon na ➢Ang Sibilisasyong Minoans ay
tinatayang mula 1600 hanggang tumagal hanggang mga 1400 B.C.E.
1100 B.C.E., narating ng Crete Nagwakas ito nang salakayin ang
ang kanyang tugatog. Umunlad Knossos ng mga hindi nakikilalang mga
nang husto ang kabuhayan dito mananalakay na sumira at nagwasak ng
dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng buong pamayanan. Tulad ng inaasahan
mga Minoan sa Gitnang Silangan at sa ang iba pang mga lungsod ng mga
paligid ng Aegean. Dumarami Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.
ang mga bayan at lungsod at ang
Knossos ang naging pinakamalaki.
Apat na pangkat ng tao
(Kabihasnang Minoan):
Maharlika- mga mayayamang pangkat.
Mangangalakal
Magsasaka
Alipin
Kabihasnang Mycenaean

Ang mga Mycenaean ay mga katutubo ng lugar sa paligid ng Caspian Sea. Noong 1400 B.C.E.,
sinalakay nila ang Knossos at tinapos ang paghahari ng Kabihasnang Minoan. Ang Mycenaea na
matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng Karagatang Aegean ang naging sentro ng Sibilisasyong
Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napaliligiran ng
makapal na pader ang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Sa loob ng
pader na ito ay ang palasyo ng hari. Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang
pagsasalin-salin ng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Ang mga kwentong ito ay
nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Griyego.
KABIHASNANG MYCENAEAN
Ambag sa Kabihasnan:
 Ang kulturang Mycenaean ay
mayaman at maunlad na
pinatutunayan ng kanilang mga
maskara, palamuti at sandata na yari
sa ginto.
 Batay sa natuklasan ni Sir Arthur
Evans, tulad ng mga Minoan, ang
mga Mycenaean ay may sariling
sistema ng pagsulat.
 May paniniwala sa isang makapang-
yarihang diyos, si Zeus, na naghahari
sa isang pamilya ng mga diyos at
diyosa.
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Pag-unlad: Pagbagsak:
➢. Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang ➢Noong 1100 B.C.E., bumagsak ang
napakalakas na mandaragat ang mga Sibilisasyong Mycenaean. Tinawag
Mycenaean at ito ay nalubos nang itong dark age o madilim na panahon na
masakop at magupo nila ang Crete. tumagal nang halos 300 taon. Natigil ang
Ipinagpatuloy nila ang kalakalan ng kalakalan at pagsasaka at natigil din ang
Crete sa Aegean Sea at dahil dito mga gawaing sining. Isa sa pangkat ng tao
yumaman at naging makapangyarihan na gumupo sa Mycenaean ay kinilalang
ang mga Mycenaean. mga Dorian.
Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay hango sa
salitang Hellas, na tumutukoy sa kabuoang lupain ng sinaunang Greece. Ang
panahon ng kasikatan ng Kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito
noong 338 B.C.E. ay kadalasang tinatawag na Panahong Hellenic.
Pag-usbong ng Athens (Demokratikong Polis)
Narito ang ilan sa mahahalagang bahagi ng lungsod-
estado sa Kabihasnang Greek:
Narito ang ilan sa mahahalagang bahagi ng lungsod-
estado sa Kabihasnang Greek:
Narito ang ilan sa mahahalagang bahagi ng lungsod-
estado sa Kabihasnang Greek:
Metropolis
-pinagmulang lungsod-estado o sentro ng
kalakalan (downtown).
Dalawang malakas na lungsod-estado ang naging tanyag – ang Athens at Sparta. Naging sentro ng
kalakalan at kultura sa Greece ang Athens. Sinakop naman ng Sparta ang mga karatig rehiyon nito.
Oligarkiya o oligarchy ang uri ng pamahalaan dito kung saan binubuo ito ng isang lupon ng mga dugong
bughaw upang palitan ang hari. Sa mga lungsod-estado, ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang
karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang
sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa
pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan.
Ang mga sumusunod na pinuno ang nagpalawig ng democracy o pamahalaan
ng nakararami sa Athens (Except sa mga Babae at Dayuhan):

Inalis niya ang mga pagkakautang ng mga mahihirap


at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa
utang.

Solon
Ang mga sumusunod na pinuno ang nagpalawig ng democracy o pamahalaan
ng nakararami sa Athens (Except sa mga Babae at Dayuhan):

. Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihirap at ipinamahagi


ang mga lupain at ari-arian ng mayayaman sa mahihirap at
walang upa.

Pisistratu
Ang mga sumusunod na pinuno ang nagpalawig ng democracy o pamahalaan
ng nakararami sa Athens (Except sa mga Babae at Dayuhan):

Sinimulan ang ostracism o ang sistema


kung saan pinahintulutan ang mga
mamamayan na palayasin ang sinumang
opisyal na sa kanilang paniniwala ay
mapanganib para sa Athens.
Nagtatag ng pamahalaang Demokrasya.
Ekklesia o Asembleya- tagagawa ng mga
pinaiiral na batas.
Cleisthenes
Ang mga sumusunod na pinuno ang nagpalawig ng democracy o pamahalaan
ng nakararami sa Athens (Except sa mga Babae at Dayuhan):

Sa kanyang panahon naranasan ng Athens ang tugatog ng


demokrasya. Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng
pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan.
Golden Age of Athens o Ginintuang Panahon ng Athens.

Pericles
Ang Lungsod-estado ng Sparta
(Mandiragmang Polis)
Tatlong pangkat ng lipunan ng Sparta: 1) Maharlika
(pinakamayaman) ; 2) Perioeci (mangangalakal o artisan); 3) Helots
(pinakamababang uri ng tao sa lipunan o alipin).
1. Alin sa sumusunod na pahayag ang may
pinakamaliwanag na kahulugan ng salitang
kabihasnan?

A. Ito ay itinatag na lipunan na nagsilbing instrumento sa kaunlaran.


B. Ito ay lugar na may malawak ang nasasakupan at maraming
industriya.
C. Ito ay lipunan na pinamumunuan ng pinakamagaling at mayamang
lider.
D. Ito ay maunlad na sosyudad na mayroong mataas na antas ng pag-
unlad.
2. Saang kontinente matatagpuan ang mga
kabihasnang Minoan, Mycenaean, at
klasikong Greece?

A.Afrika
B.Amerika
C.Asya
D.Europa
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang may
akmang paglalarawan sa kabihasnang Minoan?

A. Sandalan ng mga mandirigmang Griyego sa kanluran.


B. Pinakamagaling na makikipagkalakalan sa ibayong dagat.
C. Nagtatag ng demokrasyang pamamahala sa lipunan at
palakaibigan.
D. Kilala bilang mahuhusay gumamit ng metal at magagaling na
mandaragat.
4. Ano-ano ang apat (4) na pangkat ng tao
ng tao sa lipunan ng Minoans?

A.Datu, Maharlika, Magsasaka, Alipin.


B.Maharlika, Perioeci, Malalayang Tao, Alipin.
C.Maharlika, Mangangalakal, Magsasaka, Alipin.
D.Konseho, Asembleya, Aristano, Mangangalakal.
5. Ano ang tawag ng mga arkeologo sa
nakasulat na wika ng mga Minoan?

A.Arkayko
B.Griyego
C.Hiroglipiko
D.Linyar A
6. Ang kabihasnang Mycenaean ay kilalang maunlad na
kabihasnan sa tangway ng Gresya at mababangis na
mandirigma. Sila din ay kilala bilang ____.

A. Magigiting na mga mandirigma at nagpabagsak ng sibilisasyong


Griyego.
B. Nagpasimuno ng palarong boksing at nagtatag ng kauna-unahang
Arena sa mundo.
C. Mga Ionians na nag-ugnay ng maayos na daanan at tulay at
nagpapalawak ng kalakalan sa katimugang Greece.
D. Magsasaka na nagpaunlad sa ekonomiya, sining at arkitektura ng
sinaunang sibilisasyon sa katimugang Greece.
7. Anong kabihasnan ang nagpatanyag ng Acroplis
bilang syudad na nagging daan sa paglaganap ng
klasikong kultura ng Greece.

A. Athens
B. Minoans
C. Myceneans
D. Sparta
8. Alin sa sumusunod na kabihasnan ang
tinatawag ding “Demokratikong Polis”?

A.Minoans
B.Myceneans
C.Athens
D.Spartans
9. Ano ang sumusunod na pangyayari sa Gresya
pagkatapos bumagsak ang kabihasnan Mycenean
dahil sa palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang
kaharian?
A. Naganap ang Dark Age o Panahon ng Kadiliman sa Katimugang
Europa.
B. Nagsimulang umusbong ang Ginintuang Panahon sa katimugang
Greece.
C. Lumawak ang kapangyarihan at lumago ang kalakalan, sining at
pagsulat.
D. Nahinto ang pananakop, kalakalan, pagsasaka, at iba pang
pangkabuhayan.
10. Paano ginampanan ng mga Sparta ang pagtangkilik ng
kasarinlan sa kanilang nasasakupan?

A. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo at binigyang-halaga
ang pinalakas na sistemang sandatahan.
B. Nakikipag-alyansa sa ibang imperyo ang mga Griyego upang makamit ang
tunay na ipinaglalaban at maisulong ang kaunlaran.
C. Naging pangunahing mithiin ang pagkakaisa ng nasasakupan na walang
kinatatakutang ipaglaban ang kanilang nasasakupang lugar.
D. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, may
katapatan sa tungkulin, at pagkakaisa sa pangunahing layunin o mithiin.
Mga kasasagutan:
1. D

2. D

3. D

4. C

5. D

6. C

7. A

8. C

9. A

10. D

You might also like