Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

MODULE 3

SINTESIS SA MGA
TULA NI JOSE
CORAZON DE JESUS
Isang Punungkahoy
I. V
Kung tatanawin mo sa malayong pook. Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Ako'y tila isang nakadipang kurus; Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Sa napakatagal na pagkakaluhod, Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
II. VI.
Organo sa loob ng isang simbahan Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Ay nananalangin sa kapighatian, Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Habang ang kandila ng sariling buhay Naging kurus ako ng pagsuyong laing
Magdamag na tanod sa aking libingan. At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
III. VII.
Sa aking paanan ay may isang batis, Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Panakip sa aking namumutlang mukha!
Sa mga sanga ko ay nangakasabit kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Ni ibon, ni tao'y hindi na matuwa.
IV. VIII.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, At iyong isipin nang nagdaang araw,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; isang kahoy akong malago't malabay;
at saka ang buwang tila nagdarasal, ngayon, ang sanga ko'y kurus sa libingan,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam. dahon ko'y ginawang korona sa hukay!
PAGSUSURI SA TULA
I. PAKSA NG TULA
Ang tulang ISANG PUNONGKAHOY ni Jose Corazon De Jesus ay ang akda
ng paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang buhay at
naisin, ito’y paghahambing din sa isang Punungkahoy bilang buhay ng tao.
Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang
pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at
alalahanin ng mga tao na nagmahal sa kanya at napamahal din sa kaniyang
mga nilikha. Ito rin ang akdang nilikha ni Jose Corazon De Jesus sa gitna ng
kaniyang paggunita at pagtatanong dahil sa nalalapit na pagpanaw, ngunit
sadya ngang alagad ng sining ang may-akda dahil sa kabila ng nararamdaman
ay naipakita niya ang kaniyang pag-ibig sa buhay at pag-ibig sa kaniyang
manlilikha.
PAGSUSURI SA TULA
I. PAKSA NG TULA
Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punungkahoy, na kung saan ang
Punungkahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang
daloy ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa
katayugan bilang isang tao. Ngunit katulad ng punungkahoy dumarating ang
unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na ang tao sa kabila
ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang pagtanda
sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang kapaligiran, hanggang
maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at
pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya
na ang kaniyang buhay sa kamay ng kaniyang Manlilikha.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
a. Mensahe ng tula gamit ang mga imahe nito
“At iyong isipin nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t malabay,
Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay”

• Sa bahaging ito ng tula ay ipinahihiwatig ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa


mga taong nakagawa sa iyo ng kabutihan at nakapagbigay inspirasyon sa buhay
upang mapabuti at makagawa din ng kabutihan sa ibang taong nakasalamuha.
Ang tula ay nagpapabatid ng kahalagahan ng pakikisalamuha at katauhan ng
persona sa kanyang paligid kaya naman mababakas din ang nakapaligid sa
kaniya na naghihinagpis rin sa paghihirap na dinaranas niya.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
b. Mensahe ng tula kaugnay sa kasalukuyan
- sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita ang ilan
sa mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De Jesus tulad ng mga
mensaheng pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makabayan at
Makakalikasan. Ipinakita niya na ang taong maka-Diyos ay
nagmamahal sa kaniyang kapwa, siya ay magiging makatao at ito ang
magtutulak sa kaniya upang mahalin niya ang kaniyang bayan. Ang
Pilipinong maka-Diyos ay magiging makapilipino. Ang prosesong ito
ay natural na mangyayari sa kaniya sapagkat ito ay bahagi ng plano
ng Diyos sa kaniyang buhay. Samakatuwid, sa kanyang mga tula ay
may mga nakatagong enerhiyang madudukot na mapapakinabangan
sa kasalukuyang proyektong mapagpalaya at nagtataguyod ng
bansang patuloy na may kamalayan.
MANGGAGAWA
• Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
• Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
• Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang kurus na nakalagay.
• Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
• Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
PAGSUSURI NG TULA
I. PAKSA NG TULA
- Ang tulang MANGGAGAWA ay isang oda ni Jose Corazon De Jesus para
sa mga nagpupunyagi at nag-aalay ng kanilang pawis sa laban ng
industriyalisasyon sa Pilipinas o ang mga tunituring nating bayani ng
lipunan – ang mga manggagawa. Hindi aniya maitatatwa na malaki ang
gampanin ng manggawa para maging matagumpay ang isang lipunang
kaniyang ginagalawan. Ang lipunan na binuo at pinanday mula sa kamay ng
mga manggagawa. Sa ganitong kalagayan ay dapat lamang isang
idambana sapagkat sila ay dapat bigyan ng pagkilala sa mga paghihirap at
sakripisyong ginawa nila para sa bayan.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
a. Mensahe ng tula gamit ang mga imahe nito
“Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
Sa bahaging ito ng tula ay ipinahihiwatig ang pagkagalak na nararamdaman ng
persona dahil sa nakikita niyang dapat na pagdakila at papuri kinakailangang
iukol ng lipunan sa mga manggagawa na bahagi ng buhay ng sinumang tao
mula sa kaniyang pagsilang hanggang sa kaniyang kamatayan.
Mararamdaman sa tula kung gaano kalaki ang pag-asam ng makata na
maipanday sa isipan ng mga mambabasa ang kahalagahan at pagpapahalaga
na dapat na iukol sa manggagawa bilang tagapagbuo ng lipunan. Bilang
kumakatawan sa malaking bahagi ng lipunan na siyang nagdadala rito tungo
sa maunlad na buhay.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
b. Mensahe ng tula kaugnay sa kasalukuyan

- sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa


kasalukuyan, makikita ang ilan sa
mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De
Jesus tulad ng una, Sarado na ba ang
ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa at pangalawa, Mga
mungkahing repormang maka-
manggagawa sa Pilipinas.
ANG BUHAY NG TAO
ni JOSE CORAZON DE JESUS
At gaya ng isdang malaya sa turing
Inakay na munting naligaw sa gubat,
ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;
subalit sa isang mumo lang ng kanin,
ang dating pugad ko noong mapagmalas
ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.
nang uupan ko na ang laman ay ahas.
At sa pagkabigo ko’y nag-aral na akong
O ganito pala itong Daigdigan,
mangilag sa mga patibong sa mundo;
marami ang sama kaysa kabutihan;
kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
kung hahanapin mo ang iyong kaaway,
bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.
Ang buhay ng tao ay parang kandila
Ako’y parang bato na ibinalibag,
habang umiikli’y nanatak ang luha;
ang buong akala’y sa langit aakyat;
buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
nang sa himpapawid ako’y mapataas,
ang luksang libinga’y laging nakahanda.
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.
Ang palad ay parang turumpong mabilog,
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
lupa’y hinuhukay
sarili mong bigat ay paninimbangan,
sa ininug-inog;
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,
subalit kung di ka babago ng kilos,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan.
sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.
PAGSUSURI NG TULA
I. PAKSA NG TULA
- Buhay ng tao na nagpapakita sa kung ano/kailan/sino ang dapat
bigyan ng pagtitiwala, Pakikipagsalaparan sa laban ng buhay at
Pagkakaroon ng pagkilos o kamalayan habang may buhay
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
a. Mensahe ng tula gamit ang mga imahe nito
-sa mga imaheng ipinakita sa tula, malinaw na nagpakita ito ng iba’t ibang
mensahe tulad ng kung paano ang pagtitiwala sa panahon ni Jose Corazon
de Jesus tulad sa kanyang pahayag na “Oh! ganito pala itong Daigdigan,
marami ang sama kaysa kabutihan;kung hahanapin mo ang iyong
kaaway,huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.” Sa bahaging ito, ipinakita
sa kanyang panahon ang buhay ng mga Pilipino na animo’y buhay na
punong-puno ng pagtatraidor at kung paanong magiging maingat o may
pagkilos hinggil dito tulad sa kanyang pahayag na “subalit kung di ka
babago ng kilos, sa hinukayan mo’y doon mahuhulog”. Ito’y pahayag na
nag-iiwan nang hamon na ang buhay ng tao sa kanyang panahon ay isang
laban ng pagbalikwas sa mga katotohanang hindi man magandang tingnan,
subalit kailangan nang magkaroon ng paninindigan para sa buhay.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
b. Mensahe ng tula kaugnay sa kasalukuyan
- sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita pa rin
ang katotohanan sa buhay ng tao. Ang patuloy na pagbibigay ng tiwala
sa iba’t iba mang aspeto. Sa patuloy na paghahanap ng kabutihan
subalit may kaaway. Sa mga patibong na hihikit sa iyo para sa iyong
hukay. Sa patuloy na pakikipaglaban para sa buhay sa kabila ng iba’t
ibang mukha ng pain (pagtratraidor) nito. Subalit sa bandang huli ay
isang mapanghamon ang sinabi ni Jose Corazon De Jesus na “Kung
Di ka babago ng Kilos”, ito’y isang mensahe mula noon hanggang
ngayon na hawak natin ang ating buhay para patuloy na kumilos at
manindigan para sa kabutihan maging ito man ay sa edukasyon,
lipunan, pamilya, relihiyon, politika at iba pang bahagi ng ating buhay.
ANG TREN
ni JOSE CORAZON DE JESUS
Tila ahas na nagmula
sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga,
ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana.
Ang rail na lalakara’y
nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga at maingay na maingay,
sa Tutuban magmumula’t patutungo sa Dagupan.
O, kung gabi’t masalubong
ang mata ay nag-aapoy,
ang silbato sa malayo’y dinig mo pang sumisipol
at hila-hila ang kanyang kabit-kabit namang bagon.
Walang pagod ang makina,
may baras na nasa r’weda,
sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada,
tumetelenteng ang kanyang kampanada sa tuwina.
“Kailan ka magbabalik?”
“Hanggang sa hapon ng Martes.”
At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.
PAGSUSURI NG TULA
I. PAKSA NG TULA
- Ang tulang ANG TREN ni Jose Corazon De Jesus ay simbolo ng pag-unlad
ng industriyalisasyon kaugnay sa transportasyon sa Pilipinas at kung paano
nagiging bahagi ito ng kultura ng paglalakbay ng mga Pilipino. Iniugnay din
ito ni Jose Corazon sa buhay ng mga Pilipino bilang paglalakbay sa ating
mga Puso at paano ang ating susunod pang mga haharapin– kabiguan
man o pag-asa.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
a. Mensahe ng tula gamit ang mga imahe nito
“Kailan ka magbabalik?”
“Hanggang sa hapon ng Martes.”
At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.
Sa bahaging ito ng tula ay ipinahihiwatig ang nararamdaman ng
persona dahil sa ano nga ba ang kinahihitnan ng ating
paglalakbay bilang mga Pilipino?. Ito’y isang paglalakbay na
paano nga ba tayo nagiging maligaya o ang dulo ba ng ating mga
paghihirap ay sa lungkot tayo dinadala kaugnay ang ating mga
puso?. Kaya naman ang isang tren ay paglalakbay ng puso natin
bilang mga Pilipino kung hanggang kailan tayo magiging manhid
na tila makina o kaya nating makisama sa pagdurusa at bumuo ng
pag-asa kasama sa paglalakbay ng iba.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
b. Mensahe ng tula kaugnay sa kasalukuyan

- sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa


kasalukuyan, makikita ang ilan sa
mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De
Jesus tulad ng una, kalagayan ng
transportasyon sa ating bansa at
pangalawa, kalagayan ng paglalakbay ng
ating puso bilang makatao at may
pagmamahal sa bayan
PAG-IBIG
ni JOSE CORAZON DE JESUS
Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa. Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit.
Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso;
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro. Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho, Umibig man ay ano pa, di pah-ibig, kundi awa.
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo. Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
At ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.
Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag,
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak.
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kakabyak,
lamang. O wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!
Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos, "Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay."
Walang talon, walang baha, walang luha, walang Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
lunos. Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay.
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog.
Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Ang Pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, Kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, Kapag kayo'y umiibig na, hahamakin ang panganib,
Ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin at puso lamang!
PAGSUSURI NG TULA
I. PAKSA NG TULA
- Ang tulang “PAG-IBIG” ay naglalaman ng iba’t ibang mukha ng pag-
ibig—mapusok, mapagtiis, matapang, naninindigan, emosyon,
kaisipan. Binabaklas ng tula ang apat na sulok ng depinisyon ng
pag-ibig at inihahain ni Jose Corazon de Jesus ang iba’t ibang
emosyon at ideya na maaaring maramdaman ng isang umiibig—sa
sarili, sa kaibigan, sa kapwa, at maging anuman…
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
a. Mensahe ng tula gamit ang mga imahe nito
- Sa pahayag ni Jose Corazon De Jesus na “Isang aklat na maputi, ang
isinulat: Luha! Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata; Kinabisa
at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa
maunawa.”, mapapalutang ang mensahe na ang PAG-IBIG ay isang salitang
hindi maikukulong sa isang talata o isang pananaw lamang. Ito’y maaaring
umugnay at umugat sa anumang klase o bahagi ng isang tao. Ito’y walang
limitasyon, ito’y may iba’t ibang mukha. Sa pahayag naman na “Kapag
ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib Ay talagang maliwanag at
buo ang iyong isip: Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig: Pag
umibig, pati hukay aariin mong langit” ay pinalulutang ang isang
mapanghamong pag-ibig na kaya mong ialay ang lahat sa pananaw na ito.
Maiiugnay ito sa mga bayani nating handing mag-alay ng kanilang buhay
para lamang sa pag-ibig sa tinubuang lupa.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
b. Mensahe ng tula kaugnay sa kasalukuyan
- Sa kasalukuyan, marami nang iba’t ibang mukha ang paghahatid o
pagtanggap sa pag-ibig ng mga Pilipino. Ito’y umuugnay sa iba’t ibang
tungkulin, responsibilidad, emosyon batay na rin sa mga nangyayari o
nanaganap sa sarili, sa kapwa at sa bansa. Makikita ang iba’t ibang gawain
na nagpapakita ng pag-ibig, gayundin ang mga sumusukat sa hanggang saan
at kailan kayang umibig ng isang Pilipino.
Narito ang ilan sa iba’t ibang mukha ng Pag-ibig
PUSO, ANO KA?
• Ang puso ng tao ay isang batingaw,
sa palo ng hirap, umaalingawngaw
hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
ngunit pag lagi nang nasanay, kung minsan,
nakapagsasaya kahit isang bangkay.
• Ang puso ng tao’y parang isang relos,
atrasadong oras itong tinutumbok,
oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot,
at luha ang tiktak na sasagot-sagot,
ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok
kahit libinga’y may oras ng lugod.
• Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib
sa labi ng sala’y may alak ng tamis,
kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis
nalalagok mo rin kahit anung pait,
at parang martilyo iyang bawat pintig
sa tapat ng ating dibdib na may sakit.
• Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.
PAGSUSURI NG TULA
I. PAKSA NG TULA
Ang tulang PUSO, ANO KA ni Jose Corazon De Jesus ay isa sa
pagsasakdal sa kanya bilang makata ng puso o buhay. Sa kanyang
tulang ito ay ginamit niya ang mga salitang umaalingawngaw,
nakapagsasaya, sasagot-sagot, gagalaw-galaw na lahat ay kaakibat
ng pagkilos. Sa kanyang tula ay mababanaag ang di nakukulong na
depinisyon ng puso at ang pagkilos na nangyayari sa bawat pintig nito
kaugnay na buhay tayo at simbolo na tayo ay maypagkilos pa rin na
kailangang gampanan kaakibat ang ating puso.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
a. Mensahe ng tula gamit ang mga imahe nito
“Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.”
Sa bahaging ito ng tula ay ipinahihiwatig ang paggalaw o pagkilos kaugnay sa
ating loob patungo sa panlabas o panata. Sa bahaging ito ng tula,
matutunghayan ang halaga ng bawat pananalaytay ng ating dugo o
pagkakaroon natin ng puso kaugnay sa lahat ng desisyon natin sa ating buhay.
Idagdag pa ang mga hamon o ang mga oras na nagiging bahagi ang ating
puso sa lahat ng pagdedesisyon. Ito’y isang simbolismo na ang puso ang
nagiging tibay ng ating kalooban para lumaban sa hamon at anumang
pakikipagsapalaran sa ating buhay.
PAGSUSURI NG TULA
III. MENSAHE NG TULA:
b. Mensahe ng tula kaugnay sa kasalukuyan
- sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita ang ilan sa
mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De Jesus tulad ng mensaheng
nasaan na nga ba ang puso ng mga Pilipino?. Sa paghahatid ng tula ni
Jose Corazon de Jesus ng mga mensahe kaugnay sa kanyang tula, ito’y
isang hamon sa atin bilang mga Pilipino na paano na nga natin
napapalalalim ang ating pananaw kaugnay sa mga isinasapuso natin sa
bawat oras, araw, pagkakataon sa ating buhay. Itoy’ isang napapanahon
pa ring kalagayan kung paanong ang mga Pilipino ba ay padalos-dalos,
may mga nakakasanayan, ang mga ito ba ay naglalagay pa rin ng
kanilang puso sa bawat kanilang ginagawa (mahirap man ito), at paanong
hanggang sa kasalukuyan ay alam natin ang lalim ng ating pangarap at
tungkulin bilang isang taong may puso.

You might also like