Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 49

SANAYSAY

Ano nga ba ang


sanaysay?
Ayon sa Diksyonaryo
Isang komposisyong pampanitikan
sa isang natatanging paksa na higit na
maikli at pormal kaysa alinmang akda.
Ayon kay Michael de Montaigne,
na sinsabing pinakaunang lumikha ng
genre na ito, ito ang pagtatangka o
pagsubok sa bagong larangan ng
pampanitikan at ginagamit upang
direktang makipagtalastasan sa sinumang
mambabasa. kung ang liriko ay para
panulaan , ang prosa ay para sa sanaysay.
Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay
isang uri ng panitikang Pilipino na naglalayong
maipahayag ang mga ideya, pananaw, at damdamin
ng manunulat sa isang malikhain at makabuluhang
paraan.
Ito ay maaaring sumaklaw sa iba’t ibang paksa at
maaaring magmula sa sarili o panlipunan na karanasan.
Karaniwan itong nagtataglay ng malaya at mapanuring
pagtalakay sa mga usapin, sa layunin na magbigay ng
impormasyon, maglahad ng opinyon, o kaya ay mag-udyok
ng pagbabago sa mambabasa.
Ang sanaysay ay maaaring maging pormal o
impormal, batay sa estilo ng pagsulat, tono, at target
na mambabasa. Ito ay isang mahalagang bahagi ng
panitikang Filipino na nagpapakita ng kulturang
Pilipino at tinig ng mga manunulat sa iba’t ibang
panahon at konteksto.
Mga
Mananalaysay
Dr. Jose Rizal
Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas,
ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa
Calamba, Laguna. Bilang isang mahusay
na manunulat, makata, doktor, at lingkod-
bayan, malaki ang kanyang naiambag sa
pagkakamit ng kalayaan at pagbabago ng
bansa.
Isinulat ni Rizal ang kanyang dalawang
nobela – ang “Noli Me Tangere” at “El
Filibusterismo” – na naglantad sa mapang-
abusong pamamalakad ng mga Kastila sa
Pilipinas at nagtulak sa mga Pilipino na
maghangad ng pagbabago at kalayaan.
Teodoro A. Agoncillo (1912 – 1985)
Isang Pilipinong historyador at manunulat na
kilala sa kanyang mga mahahalagang kontribusyon sa
pagsulat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nakapagsulat siya ng mahigit na 20 aklat at mga
artikulo ukol dito. Nagsulat din siya ng mga tula at
sanaysay na naglalaman ng mga nasyonalistang
pananaw sa kasaysayan. Siya ay tinuturing bilang”
ama ng makabansang pananaw sa pagsulat ng
kasaysayan.”
MGA GAWA AT PAMANA:
• Ang Kasaysayan ng Pilipinas (kasama si Gregorio F. Zaide, 1941)
• Ang Maikling Kuwentong Tagalog: 1886-1948 (1949, 1965, 1970)
• The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the
Katipunan (1956), isang makasaysayang pagtatala noong 1896
tungkol sa Katipunan laban sa pamamahala ng Espanya at ang
pinuno nito, si Andres Bonifacio
• Siya ay hinirang bilang isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)", ng
Junior Chamber of the Philippines noong 1963 at bilang "Distinguished
Scholar of the University of the Philippines" noong 1968.
• Nagkamit si Teodoro Agoncillo ng iba pang mga parangal tulad ng
Republic Cultural Award (1967), UNESCO Prize for Best Essay (1969), at
ang Diwa ng Lahi (1982)—ang pinakamataas na parangal na iginagawad
ng Lungsod Maynila.
• Tinanghal siyang Pambansang Alagad ng Agham ng Pilipinas noong 1985
para sa kanyang kilalang mga kontribusyon sa larangan ng kasaysayan ni
dating Pangulong Ferdinand Marcos, ilang buwan matapos ang kanyang
pagpanaw
• Tinanghal siyang Pambansang Alagad ng Agham
ng Pilipinas noong 1985 para sa kanyang
kilalang mga kontribusyon sa larangan ng
kasaysayan ni dating Pangulong Ferdinand
Marcos, ilang buwan matapos ang kanyang
pagpanaw
Nicomedes Márquez Joaquín
• kinikilala ng karamihan
bilang Nick Joaquin, ay isang
Pilipinong manunulat,
mananalaysay ng kasaysayan
at mamamahayag at kilala sa
pagsusulat ng mga maikling
kuwento at nobela sa wikang
Inggles pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
ANG KANYANG MGA AKLAT:

• PROSE AND POEMS (MGA TULUYAN AT PATULA) (1952)

• The Woman Who had Two Navels (Ang Babae na may Dalawang Pusod)
(1961)

• La Naval de Manila and Other Essays (La Naval de Manila at Iba pang
Sanaysay) (1964)
Genoveva E. Matute
• Premyadong manunulat at
mananaysay.
• Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay
pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at
sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan,
kuru-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumulat,
upang umaliw, magbibigay kaalaman o
magturo.
Alejandro G. Abadilla
• Ama ng Sanaysay” sa Pilipinas.
Siya ay isang manunulat, makata, at
kritiko na lumikha ng maraming
akda na nagpapakita ng kahusayan
sa pagsulat ng sanaysay sa wikang
Filipino.
Ang sanaysay ay kuha sa Ang kaniyang mga
kahulugan ng aklat ng tula ay Ako
pasasalaysay na isang ang Daigdig at Iba
sanay o nakasulat na Pang Tula (1955),
karanasan ng isang sanay Piniling mga Tula ni
sa pagsasalaysay. AGA (1965), at
Tanagabadilla (1964,
1965.
Esperidión Arsenio Manuel

kilala bilang E. Arsenio Manuel,


ay isang akademiko,
mananalaysay, at antropologo ng
Pilipinas na kilala sa kanyang
mga kontribusyon sa
antropolohiya, kasaysayan,
panitikan, at lingguwistika ng
Pilipinas
Mga pangunahing parangal
• Isa sa pinakamahalagang parangal na
iginawad kay E. Arsenio Manuel ay ang Gawad
Para sa Sining ng Sentrong Pangkultura ng
Pilipinas noong 1989; at ang Dangal Alab ng
Haraya Award ng Pambansang Komisyon para
sa Kultura at mga Sining para sa isang
panghabambuhay na tagumpay sa kultural na
pananaliksik, noong 2000.
Mga Uri ng
Sanaysay
PORMA
L
Ang mga pormal na sanaysay na tumatakbo sa mga
malalim at mahalagang paksa ay kadalasang
nangangailangan ng malawak na pag-aaral at pag-unawa sa
paksa.
Ang layunin ng manunulat ay hikayatin ang mga
mambabasa na mag-isip nang kritikal, bumuo ng kanilang
sariling opinyon at makarating sa mga napag-aralang
desisyon na maaaring gawin.
DI-PORMAL
Ang mga hindi pormal na sanaysay ay kadalasang nakatuon
sa mga personal, araw-araw na paksa na mas madaling pag-
usapan. Ang mga sanaysay na ito ay nagbibigay ng pagkakataon
sa manunulat na ipahayag ang kanilang natatanging pananaw,
ibahagi ang kanilang mga karanasan at ipakita ang mga aspeto ng
kanilang pagkatao
Naratibong Sanaysa
Ang naratibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay
na naglalaman ng mga kuwento o salaysay tungkol sa
mga personal na karanasan ng manunulat. Karaniwan,
ang naratibong sanaysay ay nagsisimula sa
pagpapakilala ng paksa at ng mga tauhan sa kwento, at
sinusundan ng paglalahad ng mga pangyayari at
karanasan sa isang kronolohikal na paraan.
Deskriptibong Sanaysay
Ang deskriptibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na
naglalayong maglarawan o magbigay ng paglalarawan tungkol sa
isang tao, lugar, bagay, karanasan, o sitwasyon. Sa isang
deskriptibong sanaysay, ang manunulat ay naglalarawan ng mga
detalye sa pamamagitan ng mga imahen, sensasyon, at mga pang-
akit na detalye upang makatulong sa mga mambabasa na
maunawaan o maipakita ang isang paksa
Argumentatibong Sanaysay
Ang argumentatibong sanaysay ay isang uri ng
sanaysay na naglalayong magpahayag ng opinyon o
pananaw ng manunulat tungkol sa isang tiyak na paksa,
kasama ang mga dahilan at mga datos na nagpapalakas ng
kanyang posisyon. Sa isang argumentatibong sanaysay, ang
manunulat ay nagbibigay ng isang argumento o
pagpapaliwanag upang mapatunayan ang kanyang punto de
vista sa paksa.
Malikhaing Sanaysay
Ang malikhaing sanaysay ay isang uri ng sanaysay na
naglalaman ng mga personal na karanasan, imahinasyon, o
kaisipan ng manunulat. Ito ay naglalayong magpakalat ng
kreatibong kaisipan at paglikha ng mga salita, pangungusap, at
mga kwento na nanggaling sa imahinasyon o karanasan ng
manunulat.
Ang Layunin ng sanaysay
ay:
• Ipahayag ang opinyon ng manunulat sa
isang tiyak na paksa o isyu.
• Magbigay ng impormasyon sa mga
mambabasa tungkol sa isang paksa.
• Makapukaw ng interes sa mga
mambabasa upang makibahagi sa
pagtalakay ng paksa.
Katangian na dapat taglayin ng mananalaysay:

1)Mabilis ang utak


2)Sensitibo sa kapaligiran
3)May laging tugon at hinuha sa interes ng
buhay, ng tao at ng mga bagay-bagay.
4. May kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay na hindi
nakikita ang panlabas lamang.
5. Malikhain at orihinal sa isip at damdamin
6. May mapiling panlasa.
7. May kalugurang mapagkakatiwalaan.
8. May kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa
makataong kapakanan.
9. Pamilyar sa mabubuting panitikan at iba pang sining.
Pinagmulan
ng
Sanaysay
1580
• nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa
katipunan ng mga palagay at damdamin ni
Michael de Montaigne isang Pranses na
pinamagatang Essais.
• sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay nila na
ang Essais ay kinapapalooban ng mga
pagtatangka, mga pagsubok at mga
pagsisikap ng mga may-akada.
1597
• nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si

Francisco Bacon na naglalaman ng mga

saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay.

Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang

"Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Ingles ".


1700
• kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay.
Ngunit maraming naghangad na sundan ang mga
yapak ni Bacon. Isa na rito sina: Sir Thomas Izaak
Walton - sumulat ng aklat na pinamagatang The
Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol
sa pamimingwit at pakikipagkaibigan
1800
Sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph
Addison, Samuel Johnson, Oliver Smith atb.

1900
Patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. -bukod sa panitikan at sining
naging malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon. -nanaluktok sa
panahong ito ang pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew Arnold
atb.
Sa Pransya
• Hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa
Pransya ang sinilangang bansa ni Montaigne.
Binigyang lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon
ang tinuturing na Gintong Panahon ng Panitikang
Pranses.
Sa Pilipinas
• Ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang
sangay ng panitikan ay nagsimula sa mga
isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The
Indolence of the Filipino People at The
Philipines.
Mga sanaysay sa Tagalog
• Pinamulaklak nina PasculaPoblete, Lope k. Santos,
Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, atb. Ang
lumaganap sa panahong iyon ang magasing Liwayway
na naglalthala ng maikling kwento at sanaysay.

noong 1945 hanggang
1950
Nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liayway
Arceo, Brigdo C. Batungbakal, Genoveva Edroza,
Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso, Epifanio Matute,
Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G.
Abadilla, Narciso G. Reyes at Vito C. Santos.
• Marami ding mga katipunan
ng sanaysay ang nailimbag
kabilang na dito ang Mga Piling
Sanaysay ni Alejandro G.
Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano
Pineda, Buhat sa Aming Sulok
ni Paraluman Aspillera at Ako'y
isang Tinig ni Genoveva Edroza

You might also like